Chapter 22

243 8 0
                                        

Alliesha (POV)

Isang buwan na rin pala simula nang manligaw sa akin si Ashton, at kitang-kita ko naman na sincere talaga siya. Hindi 'yung pa-fall lang!

Tumawag naman ito, at syempre, ang wallpaper ko ay picture niyang kinuhanan ko nang palihim.

[Hello, Alliesha,] Kay ganda talaga ng boses niya.

"Oh, hi! Hehe... a-ano nga p-pala ang sadya mo?" Takte! Bakit ang pangit ko magsalita? Parang kinakabahan na ewan. Baka mahalata niya na kinikilig ako.

[I just want to ask you if it's okay if I'm bringing you with me to our family occasion,] Medyo nakakahiya naman, pero oks lang. Para sa'yo, myloves, kakayanin ko.

"Ahm... di ba nakakahiya 'yun?" Baka isipin nila na sumasama lang ako dahil mayaman sila.

[That's not a problem either! I'm staying by your side, so don't be ashamed,] Kahit papaano, basta ikaw ang kasama ko, kakapalan ko na ang mukha ko. Ang landi muna, Alliesha!

"Okay, sige, payag na ako! Kailan ba 'yun?" Excited na akong makita ang mga ka-pamilya niya. Baka may gwapo pa silang pinsan! Joke lang! Ikaw lang sapat na, myloves.

[Tonight.] Okay lang... what?! Mamaya na?! Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Segurado ka?" Baka naman prank call lang 'to.

[Yes! And don't worry, I'll bring clothes for you to wear,] Yeah, ang sweet! Parang fairy godmother ko lang!

Baka pati langgam ay mahiya na sa amin sa sobrang sweet ni myloves. Baka magka-diabetes na rin sila sa tamis namin.

"Sige."

[Wait for me, I'm on the way.]

"Maghihintay ako," Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito. Parang ang cute niya tumawa.

Binaba na niya ang tawag kaya't itong si Aling Alliesha niyo naman ay naghanda na. Time to shine! Kailangan kong magmukhang presentable sa pamilya ng myloves ko.

"Ma! Pa!"

"Oh, anak, ano'ng problema?" Ito naman si Mama, overacting.

"Ma, magpapaalam lang sana ako na samahan si Ashton."

"Ha? Tapos ka na niyang ipaalam sa'min, ah," Sabat naman ni Papa. Buti naman at kinausap na niya sila.

Medyo nagulat pa si me! Ang bilis naman niya kumilos.

"Sige na at magbihis ka na do'n," Wow, supportive! Buti na lang at hindi sila mahigpit.

"Dadalahan lang naman daw niya ako ng maisusuot, Ma!" Saktong nasabi ko 'yun nang dumating si Ashton dala ang sinasabi niyang damit.

Binigay niya ito sa akin at dali-dali naman akong nagbihis. Mahirap na, baka magbago ang isip nun.

Pagkatapos ay sabay kaming sumakay, papunta daw kuno sa kung saan gaganapin ang okasyon nila. Dumating kami roon nang walang problema.

Saktong kabababa ko lang nang may babaeng lumapit at niyakap si Ashton myloves. Medyo nabigla ako, hindi nga ako nagselos eh! Parang gusto ko mangain ng tao! Rawr!

Kita ko naman ang saya sa mukha ni Ashton kaya tumahimik na lang ako. Walang-wala ako sa ganda nito. Pang-baryo lang ang mukha ko, samantalang pang-Universe na ang ganda nito.

Sana ganoon din ako kaganda. Sana all!

"Ow, who is she, Ashton?" Kita niyo na? Hindi lang maganda, pati boses, sumabay na rin! Parang anghel na bumababa sa lupa.

"She's Alliesha, my girl, and Alliesha—" Hindi na natapos ang sasabihin ni Ashton nang magsalita ulit ito.

"I'm Veronica Herrera. Ashton's childhood friend," Wow! Ang ganda niya sobra!

"I'm Alliesha Lae Mendoza," Tanging nasambit ko na lang. Parang nawala ang dila ko.

"Nice to meet you, Alliesha. By the way, this boy here is my younger brother, Kynneth," ang cute!

"Nice to meet you, Kynneth. Ako pala si Alliesha."

Matapos ang tagpong iyon ay pumasok na kami. Nagsimula naman ang event, at nang matapos ay kumain na din kami. Ewan ko ba, pero parang kinakabahan ako sa sinabi ng emcee.

May I announce daw mamaya before ang lahat umuwi, pero bakit ganoon na lang ang epekto nun sa akin? Parang may biglang sumikip sa dibdib ko.

"Hey, are you okay, hija?" Mom ni Ashton. Tumango naman ako bilang pagsagot, kahit kinakabahan na. Sana hindi niya mahalata.

Mas lalo pang lumaki ang kaba ko nang makita ang isang matandang lalaki na nasa harapan namin ngayon. Ito ang sinasabing lolo daw kuno nila Ashton. Parang kontrabida sa teleserye ang aura niya.

Masama ang tingin nito sa akin, dahilan na hindi ako komportable. Lalo na noong nagsalita siya. Parang may judgment na agad.

"Who is she, Ashton?" Paktay! Game over!

"She's Alliesha, Grandpa!" Yeps! Ako nga po! Ang future apo niyo (sana)!

"What is she doing here? She's not even part of this family. Celestia told me that she's a gold digger!" Grabe naman 'tong matandang 'to! Parang gusto ko siyang upakan ng sandok!

"Dad! Stop that. She's with us and soon to be Ashton's Girlfriend," Buti na lang at nagsalita ang Dad ni Ashton. My hero!

"I don't care! I don't like her for Ashton. We have here Celestia, She is the best for Ashton," Grabe naman 'tong matandang 'to! Upakan ko 'to eh! Kung hindi lang siya lolo ni myloves...

"No! I'm not gonna do it!" Salamat, Ashton, sa pagtatanggol mo! Love you na talaga!

"Tingnan lang natin kung anong magiging reaction niya mamaya," Sabat naman ng bruhang Celestia. Sarap talagang tirisin.

Maya-maya lang ay bumalik na ang emcee sa harap, at halos ikaguho ng mundo ko ang announcement nito.

"We have now the announcement of the incoming engagement party of Mr. Ashton Luke Saavedra together with Ms. Celestia Rivera." Nagpalakpakan pa talaga ang mga tao.

Ngunit laking gulat ko nang biglang tumayo si Ashton at hinablot ang microphone mula sa emcee. Myloves is fighting back!

"Stop with this stupid announcement. That will never happen because now I will tell the woman here is my future wife," Wow! Wife agad?!

"Her name is Alliesha Lae Mendoza will be my future Girlfriend and soon to be my Wife. And she's the only woman I love, so stop with this nonsense, Grandpa. And Alliesha, kahit matagal na panahon na akong nanligaw sa'yo, I will not deny to the whole world how much I love you," At pagkatapos noon ay narinig namin ang masugabong palakpakan ng mga tao. Ang daming fans ni myloves!

"Yeah! That's my Son!" Proud na saad ni Tito, as in Dad ni Ashton. Proud father moment!

"Moving forward on the relationship of the two of you in the future," Saad ni Tita sabay yakap sa akin. Welcome to the family!

Lumapit sa amin si Ashton nang nakangiti. Sobrang hulog na talaga ako sa lalaking ito! Parang nahulog ako sa bangin ng pagmamahal niya!

Sa buong gabing 'yun, halos hindi na mawala ang ngiti sa labi ko. Nakalimutan na nga namin ang in-announced ng emcee. Kaya ayun, galit na galit si kalbo kasama ang bruha.

Grabe ang kilig ko doon, lalo na sa sinabi niyang "soon to be my wife." Parang gusto ko nang magpakasal bukas!

Nakauwi naman akong safe dahil hinatid ako ng soon to be my husband. Ang sweet talaga niya!

Nandito na ako ngayon sa silid ko habang nakahiga. Hindi pa rin ako makaget-over!

Nagmumuni-muni lang ako dahil hindi talaga ako makatulog dahil sa kilig. Pero di rin naman nagtagal at hinila na rin ako ng antok.

Good night, future Mrs. Saavedra!

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon