Chapter 12

404 10 0
                                        

Alliesha (POV)

Tumigil naman ito kalaunan sa pagmamaktol, pero akala ko kakain na siya nang maayos, pero ang loko ay bumalik lang naman sa pagkakahiga at nagtatampo pa akong tiningnan. Parang batang inagawan ng candy. Akala mo naman madadala ako sa mga pa-awa effect niya.

"Halika na nga! Susubuan na kita," sabi ko na para akong nanay na nagpapakain sa baby niyang dragon. Okay self, tanga ka nga. Pero 'wag kayong maingay!

"Yes!" Para naman itong bata na binigyan ng bagong laruan at tumatalon-talon pa ito patungo sa akin na parang kangaroo.

Ginawa ko na lang ang gusto niya, at nang matapos kaming kumain na parang feeding time sa zoo, bumaba ako para ilagay sa kusina ang pinagkainan.

Bumalik na ako sa silid ni myloves dahil nakita ko pa naman na hindi pa tapos kumain si Ellyse at ang mga magulang ni Ashton. Baka nagkwekwentuhan pa sila tungkol sa mga alien joke!

Nang makarating ako, nakita ko itong nakaupo kaya lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang noo niya, at salamat sa Diyos, bumaba na ang temperatura niya.

"Magpahinga ka na, at baka mamaya ay magiging magaling ka na. Para makabalik ka na sa pang-bubully sa akin," biro ko.

"Magaling na kaya ako kasi magaling ang nag-aalaga sa akin," bolero! Ang bilis talaga nitong bumalik sa pagiging charming.

Pero guys! Bumait ang loko, pero pustahan tayo, pag tuluyan na 'tong gumaling, babalik din ito sa pagiging Lion. Hindi ko alam kung anong zodiac sign niya, pero sigurado akong may pagka-lion 'to.

"Segi na't magpahinga ka na," sabi ko sabay haplos sa buhok niya.

"Can you sleep beside me? Promise, I won't do anything bad to you. Unless you want me to?" nakakalokong tanong niya.

"Okay, basta matulog ka lang. At 'wag kang magbabalak ng masama. Alam mo nang kaya kong tumawag ng exorcist," biro ko.

Masaya naman itong humiga, at ako naman ay tumabi na rin sa kanya. Nakatulog din naman ito na parang anghel na may sungay!, pero heto ako ngayon, nag-iisip kung bakit ko ito ginawa. Baka naman nahihibang na ako.

Ano kaya ang ginagawa ng mga kaklase ko ngayon? Baka nagkaklase pa rin sila at pinapahirapan ng mga teacher namin. Pero hindi naman ako nabahala doon. Wala kaming kahit anong activities na importante ngayon.

Sa sobrang pag-iisip, 'di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Zzzzz...

Ellyse (POV)

Kanina pa kami nandito sa dining table, ngunit hindi pa rin bumabalik ang bruha kong kaibigan. Baka nagde-date na sila sa kwarto ni Ashton. Kaya nag-volunteer na lang akong puntahan ang dalawa.

"Tita! Puntahan ko muna si Alliesha at Ashton sa taas? Baka naglalaro na naman 'yung dalawa," sabi ko. Ngunit pinigilan ako ni Tita.

"No need! Ako na lang ang pupunta. Baka maistorbo ko pa ang kanilang 'bonding moment'," nakangiting sabi ni Tita kaya wala na akong nagawa pa kundi sumang-ayon na lang. Mukhang kinikilig din si Tita sa dalawa.

We've been here when Tita told us na dalhan lang daw niya ng pagkain ang dalawa. Baka nagkukulitan na naman 'yung dalawa doon. Feeling in love pero walang balak umamin. Parang teleserye.

Nagsimula na lang kaming kumain nang biglang nagsalita si Tita.

"Ellyse! Can I ask you a question?"

"Yes, Tita! Go on," sagot ko.

"How did Alliesha and Ashton meet? Do you think they had already met before you? Baka naman destiny na talaga silang dalawa?" tanong ni Tita na parang interesado sa love story ng dalawa.

"Actually, hindi ko alam ang sagot diyan. Tanging sila lang ang nakakaalam. And one more thing, Tita, Ashton is totally a jerk towards her. Most of the time, sinusungitan ng magaling mong anak ang best friend ko. Para silang aso't pusa," paliwanag ko.

"Actually, it's far from what I witnessed earlier. Ang ganda ng moment nila, it looks like they are in love. Parang Romeo and Juliet, minus the poison," sabi ni Tita na parang nanonood ng romantic movie.

"Oh! Is that so?" gulat na tanong ni Tito.

"Yes, Hon! And guess what? Noong puntahan ko ang kwarto ni Ashton, nadatnan ko silang nagyayakapan! Parang mag-asawa na!" P*ta! Kinilig si Tita! Pati tuloy ako kinikilig na rin.

"Hmmn! Is our Son already committed? Baka naman may singsing na sa daliri 'yan?" tanong ni Tito na parang nag-iisip kung kailan ang kasal.

"Maybe, Honey!" kinikilig na sagot ni Tita.

"Binata na talaga ang anak natin. I taught no one can tame him, but here it is, hearing that my beloved Son was in love. By the way, is Celestia okay?" biglang tanong ni Tito. Hanip! Naalala pa pala nila ang higad na 'yun.

"Actually, I don't know either for her life now, Tito. Matagal na rin kaming hindi nagkikita simula noong magkahiwalay kami. Parang nawala na rin 'yun sa mapa," sagot ko.

"Is that so?" tanong ni Tito.

"Yes, Tito!" sagot ko.

Matapos kaming kumain na parang walang bukas, iniligpit na rin ito ng mga kasambahay. Kaya naman ay pumunta muna ako sa guest room para makapagpahinga. Tutal, excuse naman kami sa school. Ang sarap pala ng walang pasok.

Pagkadating ko, mabilis naman akong lumundag papunta sa malaking higaan na parang trampolin, at pagkatapos ay nagpahinga na rin. Zzzzz... Sana may pagkain dito sa panaginip ko.

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon