Chapter 38

351 11 1
                                        

Alliesha (POV)

Ngayon, papunta na ako sa aking destinasyon, kung nasaan ang taong gusto kong makita. Dumating ako sa kompanya at wala nang katao-tao.

Sinabi ni Tito na nasa office siya, kaya agad akong umakyat. At doon, nakita ko ang pigura na gusto kong makasama. Nakangiti siya habang umiiyak din, mukha siyang pagod.

Wala na akong sinayang na oras at dali-dali akong pumasok. Nakita kong natigilan ito at halos hindi makapaniwala, saka dali-daling lumapit sa akin.

Ang mga mata niya'y puno ng emosyon, ngunit ang pag-ibig ang pinakamalakas sa lahat ng emosyong naglalaro sa kanyang mga mata.

Nanatili kaming nakatitig sa bawat isa habang sabay na umagos ang aming mga luha. Sa huli, pareho naming niyakap ang isa't isa, at ngayon, masasabi ko na kung gaano kalaki ang pagkakasabik kong mayakap itong muli.

I miss everything about him, 'yung mga panahong pareho pa kaming nagmamahalan.

"I'm sorry, Alliesha!" This time, alam ko nang hindi mo 'yun kasalanan.

"It's okay, I understand now so stop saying I'm sorry, hindi mo 'yun kasalanan, okay?" Ang gwapo ng future husband ko.

"Pero galit k—" I interrupted his words by saying the three magic words of love.

"I Love You, Asthon! Dumating man sa puntong pareho tayong nanghina sa ating pinagsamahan, dumating man sa puntong pinaglayo tayo ng tadhana, pero alam kong dito sa puso ko, mahal kita. Mahal na mahal kita!"

Tawagin niyo pa akong mahina noong puno pa ng galit ang puso ko, pero hindi ko ipagkakaila na nanatili pa rin siya sa puso ko.

"I Love You too, Alliesha! Tama ka, hindi tayo naging matatag noon dahil tadhana mismo ang nagdesisyon para sa atin. Sobrang kumplikado kasi noon, pero isa lang ang gusto ko," ano naman kaya?

"Ano?" Sana manatili ka.

"Ang pakasalanan ka, what do you think, Ms. Alliesha Lae Mendoza-Saavedra?"

"Loko! Siyempre, papayag ako diyan. Pareho na tayong stable financially."

"Puwede na din tayong mag-anak," jusko!

"Putulin ko kaya 'yang junior mo?" Pervert nito.

"Don't, my wife, hindi na tayo magkaka-baby niyan." Loko talaga.

"Che! Manahimik!" Humalakhak lang ito kaya naman bago pa ako mapikon, inaya ko na lang siya na tapusin namin ang kailangan tapusin para makauwi na kami.

Naabutan pa namin sila doon, at mukhang may piyesta pa ang bahay dahil sa lakas ng ingay nila.

Wala naman kaso 'yun, ano lang, nag-aagawan lang sila sa luto ni Mama, kaya parang palengke ang bahay, sobrang ingay.

"Uyy, nandito na ang lovebirds!" Ang lokong Ziron.

"Parang hindi naging kayo ni Ellyse, ah!" What? Naging sila?

"Tumahimik ka nga, Celestia!" Masama namang tiningnan ni Bruha si Celestia.

"Kumain muna kayo, mamaya na 'yang away niyo." Nabuhayan naman ang mga mukha nila nang makita ang pagkain.

"No way! Baka ubusin lang nila, Tita! Sho! Doon kayo, alis!" Naku naman 'tong si Ellyse, walang pinagbago.

"Ang takaw talaga kahit kailan!" Wait! Nasaan kaya ang dakilang epal?

"Pa, asan nga pala si Mark?" Hindi ko nakita.

"Nasa silid niya, nakikipaglandian sa bebe niya!" Saad naman ni Ziron.

"Inggit ka lang dahil hindi pinansin," saad naman ni Celestia.

"Wala pang balita," saad niya sabay tingin ng makahulugan kay Ellyse.

Nagdiwang kaming lahat nung gabing 'yun kahit wala naman kaming plano. Well, reason daw nila ay nagkabalikan na kami ni Asthon, mga loka-loka talaga.

At sa gabi ding 'yun ay niligawan akong muli ni Asthon. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinagot ko na siya. Nakabusangot nga ang mukha ni Celestia dahil siya na lang ang walang jowa.

Hanggang sa matapos ay ganun parin sobrang saya, pwera na lang kay bruha at Ziron. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dalawang to.

-

Nandito ako ngayon sa room ko dahil nag-prepare ako sa birthday ko. Sabi nila ay sila na daw ang bahala, pambawi sa ginawa nila noon. Natuwa naman ako kahit paano ay may maitutulong din ang mga iyon, hindi puro kain lang.

"Ma'am, ready na po ba kayo?" Saad naman ng bakla na nag-make up sa akin, walang iba kundi ang binabae kong kaibigan, si Tanyo.

"Yes," excited pa nga.

"Ang ganda mo super! Kaso mas maganda parin ako, pero dahil birthday mo pagbigyan kita, ikaw muna ang maganda." Nice din ng isang to.

"Ang bait mo naman, sana kunin kana ni San Pedro" Humalakhak naman ang loko.

Lumabas kami sa silid ko at bumaba. Doon, bumungad sa akin ang mga nakangiting bisita na nakatingin sa akin.

"And now, let's welcome our birthday celebrant! Miss Alliesha Lae Mendoza!" Mas masarap kung Misis, joke!

Naging successful ang pagse-celebrate ng birthday ko. At sa hindi inaasahan, biglang nagsilabasan ang mga bata.

They walked right in front of me while holding a paper, and from the back, I saw a lot of men walking towards me like they were hiding something in their back.

The children showed us all the letters that were written on the paper's they're holding.

"ALLIESHA, WILL YOU MARRY ME" 'Yan ang buong salita. At pagkatapos, ang pinaka-gwapong lalaki ang lumabas matapos na umalis ang mga lalaki sa gilid.

Heto siya, nakatingin sa akin ng may pinakamainit na ngiti na nabuo sa kanyang magandang mukha. Diretso siya sa akin, at patuloy na lumalapit sakin dala ang magandang ngiti.

"Alliesha Lae Mendoza, the one and only woman whom I love from then and now, and who accepted me wholeheartedly. Will you marry this imperfect man in front of you?"

Lahat ng tao ay naghintay sa aking tugon, pero sa halip na magsalita, naglakad ako papunta sa harap. Ang kuryosidad ay humila sa kanyang gwapong mukha, ngunit naghahanap ako ng kumpiyansa para sabihin ang mga salitang ito.

"You're not imperfect because you are the best! Ni hindi ko nga alam paano ka nagkagusto sa makulit na katulad ko, but thanks to that childish act of mine, napa-ibig ko ang isang Asthon Luke Saavedra! YES! I WILL MARRY YOU!"

Then the whole place filled with screams of joy from the people, but my gaze only landed on the person who's now running to my direction.

"Yes! Thank You, Alliesha! I Love You so much!" To be loved by a man like this, pasok na pang-Wattpad!

"I Love You too, Asthon!"

Sa wakas, kahit hindi maganda ang takbo ng aming kuwento, sa huli, nanaig pa rin ang pag-ibig na sa simula pa lang, nabuo na.

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon