Chapter 14

393 11 1
                                        

Alliesha (POV)

"Wait!" Ganun na lang ang pagkagulat ko nang bigla akong hampasin ng unan. Parang nagdeklara ng pillow fight nang walang pasabi!

"Letche kang lalaki ka! Pasalamat ka crush kita! Kung hindi, kanina pa kita binuhusan ng malamig na tubig!" inis kong sabi habang pinupulot ang unan na tumama sa maganda kong mukha.

"Who told you to have a crush on me? Minumura mo nga ako ngayon, crush pa ba tawag doon?" Ang weird ng ngiti niya. Parang pusa na nakakita ng daga.

Dali-dali naman akong tumayo at tiningnan siya ng masama.

"Uuwi na ako. At least bumaba na rin naman ang lagnat mo. 'Wag ka nang magpapasaway ulit!" Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Baka hindi lang unan ang lilipad sa ulo ko. Baka pati kama niya rin, itatapon niya sa akin! Nakakainis sobra!

Pagkababa ko, sinalubong ako ni Tita na may nag-aalalang mukha.

"How's Ashton, Hija?" tanong ni Tita.

"Maayos naman po siya! Bumaba na po ang lagnat niya. Sobrang energetic na nga po, eh! Hinampas pa nga ako ng unan!" sagot ko na may halong inis.

Nakita ko naman ang kaibigan kong si Ellyse na pababa sa hagdan kaya dali-dali ko itong tinawag. Nagpaalam na rin kami kay Tita at umalis na. Baka mahawa pa kami ng kasungitan ni Ashton.

Nasa biyahe kami papuntang school nang biglang magtanong ang bruha kong kaibigan. "Kamusta naman ang pag-stay mo sa palasyo ng dragon?" tanong ni bruha.

"Syempre ayos! Ang sarap ng tulog ko!" sarkastiko kong sagot.

"Tsk! Ayos nga! Kaya siguro madaling bumaba ang lagnat noon! Ini-spoiled mo!" pang-aasar niya.

"Lah! Grabe ka naman! Siya nga 'yong yakap nang yakap sa akin! Para akong teddy bear!" depensa ko.

"Nagustuhan mo naman," nakakalokong sagot niya.

"Teka, ba't ganyan ka? Para kang nanghuhula," nagtatakang tanong ko.

"Wala naman. Nasaksihan ko lang ang pagbabagong anyo ng dragon na 'yun. Ano bang pinakain mo doon? Baka love potion?" biro niya.

Wala! Tanging nasambit ko na lang at sakto namang nasa school na kami. Buti naman! Makakatakas na ako sa pang-iintriga ng bruhang 'to.

Dali-dali ko namang kinuha ang bag ko at umuwi na rin. Nadatnan ko si Mama at Papa na nag-loving-loving! Ang sweet! Sana ganito rin kami ng future husband ko. 'Wag lang sanang dragon.

Lumapit ako sa kanila at nagmano. Sakto namang kararating lang nila mula sa kanya-kanyang trabaho kaya kami na lang ni Mark muna ang nagtulungan para sa hapunan. Team work!

Kasalukuyan akong nasa silid ko pagkatapos maghapunan habang iniisip ang mga pangyayari kanina sa bahay nila Ashton myloves. Iniisip ko kung bakit iba ang mga ikinikilos niya. Baka naman may sayad na 'yun?

Siguro dahil lang 'yun sa lagnat niya. Weird. Pero at least mabait ang Mom ni Ashton, boto pa nga sa akin. Siguro na-appreciate niya ang beauty ko. Makapagpahinga na nga. Baka managinip pa ako ng dragon na nagiging prince charming.

Ellyse (POV)

Pagkatapos kong maihatid si bruha at makuha ang gamit ko sa school, bumalik uli ako sa bahay ni dragon my cousin. For sure, tinadtad na naman 'yun ng tanong ng parents niya

At hindi nga ako nagkamali, narinig ko sila kaya naman nakinig ako. Of course! Alangan namang kantahan ko sila, 'di ba? Baka isipin nilang baliw na ako.

"Son! Ganoon ka na ba ka-in love kay Alliesha kaya ka napa-isip ng malalim? Para kang nagso-solve ng math problem na walang sagot," tanong ni Tito.

I know she likes Alliesha. Kita ko na sa mga galaw niya at base na rin sa sinabi ni Tita kanina. Parang kinikilig pa nga si Tita, eh.

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon