Chapter 19

279 7 2
                                        

Alliesha (POV)

Matapos ang magandang pangyayari kanina, kung saan sinagot na rin ng puso niya ang puso ko chos!, nandito kami ngayon sa sala habang nag-uusap ang mga magulang ko.

"Tingin mo ba totoo 'yung sinabi ng binatang 'yun?" tanong ni Mama kay Papa, parang ekspertong judge na sinusuri ang sinseridad ng akusado.

"Syempre, lalaki ako kaya't nakikita ko na sincero naman talaga ang isang 'yun," sagot ni Papa, feeling detective na naka-solve na ng kaso. Yeah, nag-uusap lang naman sila habang kami ni Mark ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Si Mark, panay ang irap. Inggit ka lang, Mark!

"He's not good for Aling Alliesha, Ma! Pa!" Umepal na naman ang epal kong kapatid. Kung pwede lang, isinilid ko na 'to sa sako.

"Epal ka lang talaga," sabay naming sabi ni Papa. High five pa kami eh!

"Seguradohin mo muna 'yung tao bago mo hayaan na pumasok sa buhay mo, Alliesha," yes, Father knows best!

"Kilalanin mo munang mabuti!" yes, Mother knows best din!

"Oo naman po!" syempre, todo agree tayo mga bhie. Para walang gulo sa bahay.

Matapos ang aming "heart-to-heart talk", dumiretso na ako sa aking silid. Nakahiga ako ngayon sa aking kama, nagre-replay sa utak ko 'yung "I love you" ni Ashton, nang biglang may tumawag sa akin. Hala, sino kaya 'to? Baka stalker? O baka si... Aswang?!

Walang pangalan na naka-save kaya't nagtataka ako kung sino ito. Wala naman sigurong masama kung sasagutin ko, 'no? Curiosity kills the cat, pero this time, baka kilig lang ang ikamatay ko.

"Hello?" anybody here? Parang horror movie lang.

Aba'y walang nagsalita! Ano 'to? Another multo na naman? Jusko, 'wag naman sana. Ang dami ko nang encounter sa mga hindi nakikita lately.

"Hey! Yow, what's up!" No response pa din. Baka naman prank call lang?

"Hoy, kung sino ka mang tao ka, este hayop o multo, 'wag mo muna akong gambalain. Ipanalangin ko na lang ang kaluluwa niyo nang tuluyan na kayong matahimik!"

Narinig ko ang mahinang pagtawa sa kabilang linya. For the mean time, ang ganda. Sino kaya 'to? Anghel kaya? O baka demonyo na naman na nagpapanggap?

[You're so funny,] Wait? Parang pamilyar ang boses nito. Parang... parang boses ni...?

"Ashton?" hinulaan ko lang. Feeling ko winner ako sa lotto!

[Yeah! Hard to guess,] Ay takte! Ang slow ko! Dapat kanina ko pa nahulaan!

"Grabe ka naman! Pinakaba mo ako dun! Kala ko pa naman taga-kabilang mundo na," reklamo ko. Buti na lang ikaw lang pala, myloves.

[You're so unbelievable,] Bumalik na naman ang pagka-englishero niya. Akala ko pa naman tuloy-tuloy na ang tagalog niya.

"Ayos ka din 'no! Kanina rito sa bahay panay tagalog mo sa mga magulang ko, tapos sa akin English ka nang English. Pwedeng mag-Tagalog ka na rin!" astig naman siya pag-English, pero mas bet ko 'yung Tagalog niya with Italian accent.

[Okay! If that's what my girl wants,] Wait, ano raw? My girl?! Wala na, kinikilig na si me! Parang gusto ko nang magtatalon sa kama!

"Bleh!" Hindi ko na mapigilang mag-react.

[Kamusta ka?] So, wala siyang ibang alam na Tagalog kundi 'yun lang? At least may effort!

"Humihinga pa naman," sarcastic kong sagot. Pero deep inside, okay naman ako kasi ikaw ang tumawag.

[Na-miss lang kita,] Ayun! Sarap isako! Balutin ko na 'to ng bubble wrap para walang makaagaw!

"Takte! Ganoon na ba ako kaganda para ma-miss mo nang ganito kaaga?!" Aba'y ang loko ay tumawa lang. Pasalamat ka talaga! Kung hindi lang kita mahal, baka binabaan na kita ng phone!

[Ikaw? Di mo 'ko na-miss?] Eyyyy, kinilig ako dul! Parang gusto ko nang mag-cartwheel sa sobrang saya!

"Syempre na-miss kita! Myloves kita eh!" Sagarin na natin, baka bukas maging ice monster na ulit 'to. Kapag sweet, sulitin na!

[Myloves?] paktay! Oops! Nasabi ko ba 'yun nang malakas?

"Heheh," awkward kong tawa. Gaga ka, Alliesha! Nakakahiya! Pero eyst, ikakahiya pa ba 'yun? Kung mahal mo, ipakita mo! Chos!

[What now?] English na naman. Parang switch lang, biglang nag-iiba ng language.

"Hehe, wala," ano ba 'tong sinasabi ko? Parang baliw lang.

[Ganun ba?] Hindi na ano? Slow din 'to 'no? Pareho pala kaming slow minsan.

"Eh hehe oo ah hindi ha," Wait, bakit ba ako nagkakaganito? Parang kinuryente ang dila ko.

[Kinikilig ka 'no?] Hindi rin! Loko ka! Huhu! Pero deep inside, parang gusto ko nang sumigaw sa kilig!

"Hindi naman, hehe," syempre, myloves naman! Deny pa more!

[Hmmm... Hindi nga! Hindi halata!] Aba't loko rin 'to! Pareho kaming hindi marunong magsinungaling.

"Haysstt... ano ba kasing kailangan mo at napatawag ka?" Pag-iiba ko sa usapan. Mahirap na! Baka mahalata na masyado akong kinikilig.

[Sabi ko nga na-miss kita! Bingi ka ba?] Pilosopo! Pero cute pa rin.

"Ako lang ata ang bingi na maganda 'no?" Self-praise is the best praise!

[Hindi lang bingi! Assumera na feeling din!] Potakte! Grabe 'to mang-insulto!

"Iniinsulto mo ba ako?" Parang ganun eh! Pero okay lang, mahal ko naman.

[Hindi rin! Sadyang mahilig lang akong mang-real talk,] Sipain kita diyan eh! Pero hindi ko gagawin kasi mahal kita.

"K," Naiinis na talaga ako rito. Pero deep inside, natutuwa pa rin ako sa kanya.

[Bye! See you!] At ang loko ay pinatayan lang ako ng tawag. Ni hindi ko nga ma-gets kung ano talaga ang sadya. Slow talaga. Pero okay lang, at least tumawag siya.

Buti na lang at maganda ang mood ko, kung hindi, kanina pa ako nakabusangot dito. Sino ba kasing hindi? Sinisilbihan ka lang naman ng myloves mo. Parang prinsesa lang!

Tapos sinabi pang liligawan niya ako?! Kyah! The best ka na talaga, Alliesha! Ang swerte ko talaga sa kanya.

Sa sobrang ganda ng iniisip ko, pati sa panaginip sumabay na din. Maganda na sana kasi nasa exciting part na ako ng dream ko kung saan ikinakasal na kami ni Ashton!, nang biglang may epal na naman—this time, sa realidad—na kumatok nang sobrang lakas sa silid ko. Sino ba 'to?! Panira ng moment!

Daig mo pang may sunog! Tatadyakan ko talaga kung sino man ito!

Humanda ka sa akin!

My Encounter with Mr. Cold-Hearted GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon