CHAPTER 22 (Another world where I don't belong)

680 17 1
                                    

I saw Xavier talking to his childhood friend na sikat na classical violinist. I don't want to mention her name because I get really hyped whenever I hear her name. Ang arte-arte niya. May boyfriend na daw pero kung makayakap at makahawak kay Xavier talo pa ako. Ako ang girlfriend! Naiinis man ako eh wala akong magawa. Nakatabi lang ako kay Ethan sa kama habang naglalaro siya ng tablet ko. Parang wala kami sa kwarto ni Ethan sa mga kwentuhan nilang pangsosyal at hindi ako maka-relate. Sa totoo lang dudugo na yata ang ilong ko sa mga sinasabi nilang music language. 

"Amanda, salamat talaga sa pagbisita. I actually miss our sessions! Dapat gumawa tayo ng concerto along with Allen and the company. 'Yung orchestra ni Professor Michaels naka-base daw ngayon sa London, ah?" Feeling ko talaga sobrang OP ako sa usapang musikahan na naman. Hindi naman kasi ako musikera. Pangmayaman lang ang music at hindi realistic sa gaya kong nagtitipid. Ngiting-ngiti si Xavier sa kababata niyang si Amanda Britt na isang magandang babae at mayaman. Damn, should I be worried?

Hindi. May tiwala ako kay Xavier pero sa babaeng 'to wala. Pasimple pa siyang pahaplos-haplos. Baka mamaya di ko makontrol ang sarili ko at mahatak ko talaga ang buhok niyan kaso nasa harapan ko si Ethan at ayokong magselos. Hindi ako pwedeng magselos. Bawal!

"Yes, nasa London si Professor Michaels and he's going to conduct for Les Miserables next month. Manunuod kami ni mommy. I'm  sure makukuhanan kita ng ticket." Maarteng sabi niya habang nakatitig kay Xavier. Kulang na lang hubaran niya ang boyfriend ko sa mismong harapan ko.

"I can't, I wanna stay here with my son and especially my girlfriend. We must stay together kaya pasensya na, I can't. Maybe some other time na lang, Amanda." Nakangiting sabi ni Xavier. Sa loob-loob ko nagpaparty na ako sa saya kasi feeling ko ako ng nanalo sa invisible war namin ng babaeng 'yan.

I've never been this jealous, but now that I am, wala akong magagawa kundi ang manahinik. Amanda Britt is beautiful at ano bang magagawa ko? He obviously is close to her and halata namang gustong-gusto ni Amanda si Xavier. I wanna be territorial but I can't. Maybe it's too much? Alam kong akin siya but why is it nagiging insecure ako?

Hinaplos-haplos ko ang buhok ni Ethan habang natutulog. Kamukhang-kamukha niya ang tatay niyang chinito. Kahit may sakit siya, hindi deformed ang katawan niya like the other patients. Mukha lang siyang normal at gwapong bata na may mahinang resistensya. I know he'll get over this and live a happy life. He will because he's a good child.

"Ganun? Sayang naman. We can just do a recital. i'll show you some beautiful piece we can play together. Pwede akong pumunta sa inyo this week. Free naman ako lagi." Talagang pupunta pa siya sa bahay? Well, technically bahay ko na din'yun since his mother is in huge favor of me than any other women. Kainis, kasi nagseselos talaga ako nang sobra-sobra!

Napakaslutty nitong Amanda na 'to at anong gusto niyang mangyari? Hayaan ko lang? Ang kapal naman ng mukha niya. Sobrang kapal ng mukha! Grabe, akala mo kung sinong tao at ang kiri-kiri sa pag-aari ko. Xavier is mine! Nakakainis at hindi ko masabayan ang kalandian niya. Ang hirap sabayan kasi hindi naman ako malandi. Ibang level ako.

"Tamang-tama Amanda, since Alex bakes the best brownies. Kealn ka ba pupunta? Malapit na rin kasi namin iuwi si Ethan para timing ka na lang ng punta para sa welcoming party niya." Sumimangot ang mukha niya at halatang ayaw niyang may ibang kasama kasi gusto niyang masolo ang boyfriend ko. Ang kapal talaga ng mukha!

"Ah... Sure! Sige kelan ba 'yun? I'm sure masaya 'yun. Buti na lang makakauwi na si Ethan at last. He's been very sick and I am deeply concerned about his welfare. I hope the doctors are doing their best to help Ethan." Kumunot ang noo ko at feeling pinapatamaan niya ako. Ang kapal ng mukha. Sino ba sa aming dalawa ang doktor? Ako ang doktor! Haay, kung nandito lang si Cassandra, nakatikim ng isang malupit na insulto ang babaeng ito.

How deep is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon