CHAPTER 5 (Hell starts now)

1K 31 0
                                    

Ayoko man pansinin ang tinginan ng mga babaeng empleyado dito ay hindi ko na mapigilan. What is wrong with them and why are they staring?  I think it's rude to stare at someone new?

"Is there something wrong with me?" I asked the female secretary scribbling some notes about stocks of pain relievers and paracetamol na laging hinihingi ng mga empleyado.

"Nagandahan lang sila, doc. Ngayon lang kami nagkaroon ng magandang temporary ni Dr. De Jesus. Malamang insecure 'yung ibang babae kasi po binisita kayo ni CEO." Napakunot ako ng noo. Sabi na nga ba eh. He's a prince here and I just have to deal with that fact.

"Naku, Jenny napakabolera mo ha. Hindi naman ako ganun kaganda. Medyo maganda siguro, pero mas maganda naman ang ibang empleyado dito. Malafashion show lagi kasi ang titindi ng heels nila." Natawa lang siya at bumalik sa pag-aasikaso ng imbentaryo.

"Grabe ang boring dito. Ayoko talagang ganito lang. Malamang puno na naman ang ER. Kainis talaga kasi walang magawa ngayon." Dagdag ko pa.

"Doc, isipin mo na lang maayos ang lagay mo dito at in fairness, masarap ang pagkain na dinadala dito kasi iba ang atin." I pouted my lips at nakapalumbaba lang sa table ko. I hate my white coat and I miss my scrub suit.

"Do I really have to be in this situation? Nakakabadtrip na kasi, Jenny. I mean,  gusto ko ng thrill sa trabaho at wala sa isip ko ang maging lintik na company doctor. I'd punch that CEO in the face para lang tanggalin na niya ako dito." Jenny just smiled while doing her job.

"Kung 'di naman sipon o ubo eh lagnat lang ang sakit ng mga nandito eh." Jenny looked at her.

"Minsan may inaatake ng asthma, allergy at worse case ni Dr. De Jesus dito eh 'yung empleyado na natumba na lang,  'yun pala naputukan na ng ugat at DOA. You see doc,  you never know what to expect here kaya nga doctor ang kailangan namin at hindi lang basta nurse. We need someone capable in case of emergency even without medical apparatus." The she smiled back. Sa pagkakakita ko eh mga nasa trenta na siguro si Jenny at halatang may pamilya na rin.

"May pamilya ka na ba Jenny? Ilan taon ka na nga pala? I mean mukha kang bata pa kasi, medyo serious ka lang tingnan pero ang bata mo pa siguro." Napangiti siya at binitawan ang mga hawak niyang papel.

"Naku doc, 25 na ako. Akala mo lang siguro bata ako kasi medyo baby face nga daw ako. Napagkakamalan pa nga ako my estudyante eh." Nagulat ako kasi isang taon lang pala ang lamang ko sa kanya.

"Really? Akala ko mga nasa bente ka lang. I can't believe na magkalapit lang tayo kasi 26 na ako eh. Nakakainggit ka nga kasi ang angelic ng face mo! Aba bihira 'yan eh." She shyly smiled.

"Naku doc ikaw nga eh chinita ang datingan kaya mas cute ka sa akin. I like your eyes."

"May Korean blood si tatay kaya ganun and besides chamba lang yun kasi di naman mukhang Koreano si tatay. Maputi lang siya tapos sa akin napunta ang matang ganito." She smiled and went to get a cup of coffee sa tabi ng cabinet ng mga gamot.

"Want a coffee doc? Starbucks brew 'to." She smiled.

"Okay na ako, Jenny. Kakakape ko lang kaninang umaga." I smiled back at her.

"Actually doc,  never pa ho ako nagkaboyfriend kasi I had my first love and slipped away. Ayoko na kasing maalala kaya hindi na nasundan pa. Ayoko na umasa kasi totoo namang walang forever, forever 21 lang yata." Natawa ako sa sense of humor niya pero there is pain in her voice.

"I never experienced falling in love, bata pa lang ako pangarap ko na magdoktor kaya nga tumanda akong walang experience eh. Lagi akong caught up in a rush of saving lives and studying and the pressure to be on top. Minsan nakakasakal pero most of the time eh nakasanayan ko na." She smiled at me.

How deep is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon