"Alex! Gumising ka na!" Maagang nanggising si nanay at laking gulat ko nang makita kong nagkakape na si Xavier sa hapag-kainan habang nagbabasa ng dyaryo. Maaga siyang gumising? He never wakes up early and for him to exert this kind of effort, makes me wanna love him more. Talagang seryoso siya sa akin and that's really romantic!
I once changed his clock, advanced it two hours earlier. Nagising siya ng maaga at pumasok sa opisina ng mas maaga ng isang oras. Tawa ako ng tawa at naasar siya sa akin. Hindi kasi niya kayang i-give up ang tulog. 'Yun daw ang nagpapagwapo sa kanya. Ethan is just like him, antukin kaya naman nagulat akong makita siyang bagong ligo at gising na gising.
"Kanina pa kami gising, ikaw naman humihilik pa." Sabi naman ng nanay ko.
"Nay naman, pagod ako. Halos dalawang linggo akong walang pahinga. Halos di na nga kami magkakitaan ni Xavier."
Umupo ako sa tabi ni Xavier.
"Good morning pa, Xavier." Ngumiti lang sila.
"Isasama ko nga pala itong nobyo mo sa factory natin. Para naman makita siya ng mga tao at makita nila ang mamanugangin ko. Akala nila hindi ka na raw magpapakasal. Nakikipagpustahan pa nga si Ismael sa mga trabahador. Loko talaga 'yon."
"Tse! Sabihin mo kay Ismael neknek niya. Siya nga malaking milagro nung pakasalan siya ni Sandra eh ang ganda-ganda kaya niya! Si Ismael hampas-lupang amoy lupa."
Umupo na ako sa tabi ni Xavier. "Naku hindi mo pa kasi nakikita ang bago niyang biling sasakyan. Naku talagang magugulat ka." Sabi naman ni tatay habang kumakain ng almusal. Napatingin sa akin si Xavier na para bang naguguluhan.
"Bakit?" Tanong ko.
"Close talaga kayo ni Ismael?" Tanong niya.
"Naku, medyo lang! Palibhasa lagi niya ako noong inaasar." Sabi ko naman at tumungo lang siya.
"Si Ismael kasi kababata nitong si Alex. Tatlong taon lang ang tanda nito sa kanya at talagang lagi silang nag-aasaran kahit saang lugar. Mapadito sa bahay o sa school lagi silang nag-aaway. Dati sa sobrang inis ni Alex, binato niya ng paso si Ismael tapos natamaan niya sa braso. Buti walang pilay. Brutal talagang gumanti ang anak kong 'yan."
"Pa naman! Nakakainis!"
"Bakit naman? Bata pa kayo noon kaya okay na ngayon. Pamilyado na si Ismael at malamang ikasal na din kayo. Seryoso kayong dalawa, tama ba?" Tanong naman ni tatay. Napalunok na lang ako. Baka nape-pressure na si Xavier sa tatay ko. Kanina pa kasi ito nagpapahaging.
"Oo naman po. Seryosong-seryoso akong pakasalan si Alex. Hindi ako magsisisi. Kayo na pong bahala kung kelan at seryoso po ako." Sabi naman ni Xavier at uminit ang pisngi ko. Napangiti talaga ako sa sinabi niyang iyon.
"Kinilig ang lola mo." Sabi naman ni Benny na busy sa cellphone niya.
"Tse! Ikaw dyan mag-aral ka. Pa-medtech-medtech ka tapos magpopost ka sa Facebook na 'I kennat' lagi. Wag ako Benny." Sumimangot naman siya sa akin at nagpatuloy ako sa pagkain.
"Sus! Para naglabas lang ng stress. Palibhasa kasi menopausal na 'yung mga professors kaya ganun. Sus di mo kasi maiintindihan kaming mga average-minded." Sabi naman niya. I just rolled my eyes.
"Ma, penge kanin." Sabi ko naman.
Nilagyan ako ni mama ng kanin sa plato at ng pritong tocino na gawa mula sa food factory namin.
"Xavier, galing sa factory namin ang tocino at tapa. Sikat na sikat 'to dito sa Southern Luzon. Tikman mo bilis! Tapos magdadala tayo ng madami sa bahay... niyo! At sa ospital!" Muntik pa akong madulas. Halos kumabog na palabas ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
How deep is your love?
Romance(Medical Series #1) Will you love a broken man with too much baggage attached? What if a stalker comes along and tries to break the both of you, will you let go? Now, how deep is your love? Alexandra's story