CHAPTER 27 (Misery loves company)

644 15 0
                                    

"I knew it. Grabe naman, talagang walang kwenta ang lalaking 'yan! Sabi na nga ba. Hindi niya talaga ako madadaan sa mga papogi niyang pagpi-piano." Naghi-hysteria si Kayla habang umiiyak ako sa kwarto niya. Kaming dalawa lang ngayon sa condo nila kasi may duty si Cassie at Anthony. Inabutan niya ako ng isang box ng kleenex at mainit na kape. Hindi talaga ako matigil sa pag-iyak. Kahit nasasaktan ako, naiisip ko pa rin si Ethan. I grew fond of the child and the thought of him sad just breaks my heart, kaso wala akong magagawa. I can no longer stay at that place. Ikamamatay ko na kung magstay pa ako kahit isang segundo doon.

"He's such a fcking bastard, Alex. Paano niya 'to nagawa? Here I am thinking na okay ka na kasi kitang-kita ko na mahal ka niya, pero... I just can't believe this. Is it me or magaling lang talaga siyang umarte? How can he fake those dreamy glances at you? Hindi talaga ako makapaniwala." She said while seated in her study chair, facing me.

"Hindi ko rin alam, Kayla. Akala ko finally, may nakakaintindi na sa katulad ko pero hindi pala. All I ever wanted was to be loved and understood. Ayokong iniisip ng lahat na obsessed ako sa pag-aaral at grades. Hindi ako ganung tao, Kayla. I am more than just my scores and... I really thought I found someone who won't... hurt me." I looked down and I began tearing up again. Hindi ko talaga mapigilan ang pag-iyak.

"Naku talagang hindi it pupwede. You have to live with me at my new place in Magallanes. Kakakuha lang ng lola ko ng place na 'yun at 'wag mong tanungin kung paano ko afford kasi tinanong na rin ako ni bakla. It's from my grandma and I want you to move there with me." Mukha talagang nasa telenovela si Kayla dahil sa mala-hispanic niyang ganda. She's a little tan and her long black hair just fits her perfectly.

Baka siguro kung kamukha ko siya eh hindi ako lolokohin ni Xavier. I look really Asian kaya napagkakamalan ako minsang underage kaya naman ayoko minsan ng itsura ko. People don't take me seriously because i look like a kid.

Humiga ako sa kama niya at niyakap ang malaking penguin na nasa kama niya.

Pinunasan ko ang luha ko. At tiningnan ang stuffed toy niya. "Bakit penguin?" Naiiyak na natatawa kong tanong. Ngumiti lang siya at umupo sa tabi ko.

"Penguins are flightless birds, Alex. Flightless birds only pick their partners once and even if they die, they stay loyal to... those who died. I... just loved the concept." Natatawa niyang sabi pero may iba akong naramdaman. Buti pa ang mga penguins napakaloyal.

"I hope we're all just penguins, Kayla."

"Umidlip ka muna at lulutuan kita ng tinola. Kahit madaling araw ngayon eh ano? Basta dito ka muna at umidlip. Alam kong gutom ka kaya dyan ka na muna. Wag ka na mag-iisip ng kung anu-ano." Tumayo na siya at lumabas. Nanatili lang akong nakatingin sa kisame habang iniisip si Xavier at lahat ng problema sa buhay ko ngayon.

Stalker.

Xavier.

God, they even sound alike.

Dawn warned me before and I think i should've given what he said a chance. Friends will really do what they can for you. Naniwala na dapat ako noon pa lang.

My phone started ringing. It's Xavier and I have no intentions of answering his phone call. I don't really care what will happen to us. Nawalan ako ng gana at nawalan na ako ng drive magpatuloy sa buhay. Naiinis ako sa sarili ko kasi naniwala ako. He will just make me his wife just because he needs someone who will take care of Ethan and someone his parents will love.

Ang tanga ko.

Sa sobrang inis ko, binato ko ang phone sa sahig at nakita ko kung paano ito nabasag. Like I really care, right?

"Fck."

Gusto kong magHades.

=-=-=-=-=-=

Napagdesisyunan kong pumasok after five days. I just acted like nothing happened at nanirahan na ako kasama nila Kayla sa bago niyang condo. Mamayang gabi naman eh susunod ako sa San Isidro na probinsya raw nila Kayla. Nauna na sila Dawn, Mark, Cassandra at Kayla. Sabay na kami ni Anthony na pupunta doon. Nakakawalang gana man pero hindi ko pwedeng sirain ang residency ko.

How deep is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon