PROLOGUE

2.8K 35 1
                                    

Prologue

Hindi ko mapigilan ang pagsabay sa kanta. Nakakaadik talaga ang Indie rock music. They are currently playing ‘Love Lust’ by King Charles. Ang lahat ng tao dito ay hypnotized na sa naririnig nila. They sing along at ako rin sumasabay.

Yes, nakaka-high ang pakiramdam. This is my first out-of-the-country music festival and the best things about this is that I’m with my closest friends. The feeling is way too overwhelming. The crowd has this wild vibe na nakakalunod at ang sarap magpatangay.

Here in California, they have this event every three years kaya dinayo ko talaga since katatapos lang pagkuha ko ng Medical license at natanggap na rin ako sa in-applyan kong ospital for internship. I came with my friends from Medical school at lahat kami nag-e-enjoy. Everyone passed the licensure examination and we consider this as our ‘CELEBRATION’. We all got into the same hospital for our internship kaya sobrang saya naming lahat.

The sunset is definitely the highlight kasi lahat ng tao nagmumukhang ‘honey-skinned’ at nagmumukhang sexy ang vibe ng paligid. The sensuality of the sunset will make you listen to the songs even more.

Nakakatanggal ng stresss. I feel liberation, freedom and ecstasy. Grabe pala ang feeling buti na lang nakapunta kami kasi first time ko rin mangibang bansa.  

God, I’ve never felt this alive. Nawala lahat ng stress na binigay sa akin ng Med school. Thank you po Lord at nakatanggap ako ng ganitong opportunity. This is the best day ever.

“Your soul
Your love
Your blood
Treasure every beating heart that sets your soul on fire.
Love will set your soul on fire.”

“Whoa! The best King Charles! Whoa!” Nagtatalon kami, at sabi ang next na tutugtog daw ay ang bandang ‘In the valley bellow’. Damn all my favorites! Worth it talaga ang pagpunta namin ngayon. I surveyed the area at nakita kong maraming couples sa paligid. Grabe nakakainggit pala.

“Anthony, puro pala couples dito. Nakakaasar, grabe may laplapan.” Sabi ko habang iniinom ang diet coke sa harapan ko. Inobserbahan ko pa ang paligid. People are only wearing string bikinis. Nahiya tuloy ako kasi nakamaong shorts at spaghetti straps ako, hindi belong.

Grabe ang mga katawan ng mga girls, bombshells lahat. The guys are hot as well, grabe sa biceps and abs. Buffet 101 yata ito. They are all toned… and too intimidating. Ito iyong tipo ng lugar na bawal ang pangit at fattie. Nakakaasar, pero I swear… and gaganda’t gwapo nila.

“Lex, ganyan talaga dito.” Sabi niya habang naninigarilyo.

“Masanay ka na dito Lex! 2 weeks din tayo dito!” Sigaw pa ni Cassie habang nakapasan sa balikat ng kuya niya. Cassie is his twin sister at pareho ko silang batchmates sa Medical school.

“Well dahan-dahan lang sa pagsasanay. This place is too liberal and I love it. I’m lovin’ this too much I can’t contain my happiness. I’m so happy, Cass.” I hugged her and we both sang along with ‘King Charles’.

Kayla is texting her boyfriend na nasa Manila. Dawn is flirting with some women at malamang nakuha na niya ang number ng iba using his chinito charms.

My friends Kayla, Mark, Cassie, Anthony and Dawn are just singing along with ‘King Charles’. We’re fans of Indie music kaya naman sinigurado naming makakapasa kami sa Medical licensure exam kasi nagpromise ang parents namin na papupuntahin kami since ang magkapatid na Casey at Anthony ay may kamag-anak sa Sacramento, so libreng stay kami.

I took pictures of people using my smart camera na gift ni mama para raw may memories kami dito sa Amerika and sa Indie Music Festival. I snapped some shots of sunset, stage, bands, syempre kaming magkakaibigan at random scenes.

How deep is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon