"The surgery was a success. All scans are clear and all we have to do is patiently wait. He's definitely breathing on his own right now but still, he needs a little support from the ventilator. BP is normal. Everything looks great, Dr. Park." I embraced Dr. Santillan.
"Thank you so much. This means the world to me. Kung hindi kayo ang surgeon kakabahan ako. I'm sorry I can't scrub in. I'm so afraid to screw up. He's my best friend and-"
"Dr. Park, calm down. Everything went fine. He's in ICU for further observation. I called ortho so they can proceed on fixing his left ankle and right knee. The surgery I think will be scheduled in two days. Kakausapin ka na lang ni Dr. Castro. Medyo tight ang schedule niya. By the way, you're my resident so please monitor him properly." I smiled and he left. Nilapitan ako nila tita Martha.
"Ano.. anong sabi?"
"Tita, successful ho." She embraced me and I felt tears. I can feel relief in her.
"Mabait ang Diyos kasi mabait ka at mabait ang anak ko. Pasensya ka na. Pasensya ka na talaga. Hindi ko na alam ang tinatakbo ng utak ni Ismael. Minsan natatakot na ako sa kanya. Nagbago na ang pag-uugali niya. Lagi siyang... galit at tahimik. Hindi na niya na kami kinakausap. Lagi siyang may malalim na iniisip. Lagi siyang nagpupunta ng Maynila. Kaya pala... kaya pala lagi siyang naroon. Sinusundan ka niya." Naiiyak na naman siya. Pinaupo ko siya sa bench ng hallway para pakalmahin.
"Tita naman, okay na ang lahat eh. Kalma ka lang at gigising na din si Ismael. He's a warrior. The brain is fine now so ooperahan na lang siya sa tuhod at sa left ankle. That's all. Ginagawa nila ang lahat para normal si Xavier paglabas niya dito. Gumalaw nga daw ang daliri niya kanina. Magandang sign na iyon, tita. He could wake up today or in the coming days. Magdasal lang tayo. Kung man ang nagawa niya, hindi ako galit."
She just closed her eyes and rested her head on the wall. "Mabait ang Diyos. Uhm... nakita mo ba ang mga litrato mo sa kwarto niya?"
"O-po. Nakita ko lang 'yon nung papaalis na ako ng kwarto niya. Nakadikit sa pader. Bawat kilos ko may litrato. Kahit nasa ospital ako o kaya nasa bahay ako. Hindi ko alam tita, kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya. Hindi ko na siya kilala. Pakiramdam ko nawala siya." I took a deep breath.
"Pareho tayo, hija. Hindi ko na kilala ang anak ko." Nakatingin lang siya sa nakahigang si Ismael.
"Si tito Martin nga pala eh nasa cafeteria na. Nakatulog ho kasi kayo kanina kaya nauna na siya. Kumain na rin ho sana kayo. Ako kasi mamaya pa. May post-op notes ni Ismael akong tatapusin. Gusto ko kasing maayos ang records niya para masigurado na walang mali." Ngumiti lang siya at tumayo na para pumunta ng cafeteria.
"Kumain ka, hija. Ang payat-payat mo na. Hindi ka naman ganyan kapayat. Wag kang papasakit, ha?" She smiled and left.
Pumunta akong on-call room para umidlip. Sumasakit na kasi ang ulo ko. Halos tatlong araw akong di makauwi at dito lang ako since na-admit si Ismael sa ospital. Hindi ako mapakali. Hanggang sa panaginip nakikita ko siya. All our memories are in my dreams. Para bang pinapaalala sa akin ang kinalimutan ko.
I partly blame myself. Why partly? May mali din si Ismael kasi napakamysterious niya. Hindi siya palakaibigan at hindi siya expressive. Dinadaan niya ang lahat sa biro at katatawanan. He's masking all that misery. He wasn't true to himself. Hindi naman sa galit ako sa kanya, pero nagtatampo din ako na hindi niya sinubukang sabihin sa akin. Yes, I admit to the part where I became insensitive, but, he needs to man up and tell me everything he needs to tell me. Hindi ako manghuhula at higit sa lahat, para na kaming magkapatid. Bakit hindi man lang niya inamin sa akin? Dapat alam ko. Dapat alam ko.
Ang daya kasi. Ang daya lang.
Pumwesto ako sa taas na bunkbed at papapikit na sana nang may tumapik sa binti ko. Nilingon ko kung sino at bumangon ako.
BINABASA MO ANG
How deep is your love?
Romance(Medical Series #1) Will you love a broken man with too much baggage attached? What if a stalker comes along and tries to break the both of you, will you let go? Now, how deep is your love? Alexandra's story