We reached his house at sa dulo iyon ng subdivision nila. Malaki ang bahay at nakita kong naghihintay ang isang lalaki sa gate nila. Mukha siyang butler. Sobrang yaman naman pala nila talaga. Nakangiti lang siyang nakahawak sa kamay ko habang naglalakad papasok ng bahay. Limang sasakyang ang nakaparada.
Volvo
Mercedes
Porsche
Maserati
CadillacNahiya tuloy 'yung Toyata Yaris ko sa mga sasakyan nila. I never imagined na malashowroom pala ng mga sasakyan ang garahe nila. I felt like I'm in an auto show. These worth millions and sasakyan pa lang 'yan. The big blue house- no, mansion is more. The glass panes are well-crafted and the contrast of pale blue to the dark wooden color of the metal gate.
Kinuha ng isang lalaking nakasuot ng asul ang mga gamit ko at tinuro kami nung butler sa isang receiving area. Automatic na dumating ang isang maid para dalhan kami ng dalawang basong lemonade at dalawang slices ng blueberry cheesecake. Aba, I've never seen like this before. Sobrang yaman pala talaga nila at alam ko paulit-ulit na ako. Mayaman sila Cassandra at Anthony pero iba ang bongga ng yaman nila. Feels like the upper east side ang dating. I remember the time we went to the US where I met him, ganito kayaman ang nasa New York. My California and New York trip was the best trip ever and he's the 30% of it,
Haay, feeling ko para na akong sirang plaka kasi paulit-ulit ako sa pagsasabi na mayaman sila! Hindi naman ako insecure, talagang amazed lang ako.
Sobrang sosyal ng lugar at hindi ako sanay. Yung mga vase halatang mahal pa kapag pinagsama ang unit at sasakyan ko. The awesome painted walls are glossy they look like artworks. Napakatalented ng gumawa ng mga 'to. The details on the receiving room alone are too fine it might've took months to finish everything. Nakakaamaze talaga.
"Natahimik ka na, Alex. I hope okay sayo ang bahay. Sa taas ang kwarto mo, tapat lang ng sa akin. Don't worry, safe ka dito kasi puno kami bodyguards. Basta pagpasensyahan mo na lang ang mga ingay ng mga babae ni Alexander sa gabi. Malafifty shades 'yun. I bet binabasa mo 'yun, ano?" Sabay tawa.
"Loko ka talaga. No, I never read the books but I've seen the movie and he's really hot. Kung malafifty shades of grey man sila, then they're definitely having fun, Xavier. You don't have to say it out loud. Personal life ng kapatid mo iyon. At least spare him the privacy on his red room of pain." I giggled and he gently placed a kiss on ny cheek. Bigla naman akong kinilig. Ganito pala ang feeling kapag mahal ka nh boyfriend mo. You feel like a princess.
"Red room of pain? Papanuorin nga natin 'yan coz I'm missing out all the fun. Hindi tayo nagkakaintindihan sa kinky literary taste mo. And besides, totoo naman. Kahit si mommy hindi niya pinatawad kasi rinig na rinig ni mommy. Oh well, anong magagawa ko. They even did it on my piano! Imagine my reaction when I found out, sobrang nagalit talaga ako. Muntik ko na siya masapak kasi nga yung anak ko, alam mo na baka marinig niya."
"Ethan must be missing this place. Alam ko ang pakiramdam ng mawala sa bahay mo. I've been away all the time sa mga magulang ko kasi dito ako nag-aaral. Imagine the loneliness I have to overcome everyday just to finish med school and internship. I hope he can come home soon. After all, we're doing our bests to give him... cure. We have the best geneticists in the hospital and we have foreign universities who support our research. He's the strongest among all the patients of the clinical trials. Kaya niya 'yon." Then he hugged me. I felt all the loneliness in his embrace. Naaawa ako. This must be so hard on him. Imagine, Ethan is only eleven and his condition is... incurable. The only thing we do is to slow it down.
"I know. That's why Ethan and I will be with you. My son likes you a lot at alam kong may malasakit ka sa kanya. You accepted all my baggage. Kung ibang babae lang, tinakbuhan na ako. They would be turned off. I remember once, the girl even cursed at me and Ethan kasi nga daw hindi siya magpapakalosyang dahil sa aming dalawa. I was so hurt for my son that time kaya na rin siguro masungit ako noon sa'yo. Anyways, you're here now and I'm happy." Ngumiti lang siya, nangatog agad ang tuhod ko. Bakit ba kapag pinupuri niya ako hindi ako magkamayaw sa saya? It's as if I felt like I was given something better than my academic achievements.
BINABASA MO ANG
How deep is your love?
Roman d'amour(Medical Series #1) Will you love a broken man with too much baggage attached? What if a stalker comes along and tries to break the both of you, will you let go? Now, how deep is your love? Alexandra's story