Nakakabaliw. Ewan ko ba bakit mahirap para sa akin ang maniwala. I feel foolish pero 'yon naman kasi ang totoo. I feel scared and reckless at the same time. I'm still unwilling to risk it with him. Pakiramdam ko, after ka pakiligin ka ng lalaki eh magsasawa na rin sila.
I always have that logic in my dear mind which is kind of bitter. Mali man manghusga eh wala akong magawa. I feel like a sinking ship. Pakiramdam ko wala akong something sa sarili ko para magustuhan ako ng isang katulad ni Xavier Tan. He's perfect in every way. Number three siya sa most eligible bachelors in the Philippines at number 27 internationally dahil sikat na pianist siya. Is that so wrong of me to judge his feelings?
Oo sige na, aaminin ko na walang babae ang makakatanggi sa tulad niyang gwapo, talented, witty and he has a frigging Lamborghini with musical notes and some stuff about music I don't know. Minsan nga nararamdaman kong wala akong karapatang tumapak ako sa mundo niya.
He has these beautiful dark brown eyes that fascinate me everytime I stare. Minsan nga pakiramdam ko nalulunod ako eh. Basta nakakaattract talaga ang mga mata niya and I can't stop thinking about them.
The one thing that actually captivated me is how rugged his kisses were with me. Nakakalunod at nakakatakot ang mga halik niya pero narealize kong mali magpakatanga. Kung kelan naman iniiwasan ko na ang feelings ko eh nagpakaknight-in-shining-armor naman siya! Paano ako makakamove on????
May isa akong empleyadong narinig na makalaglag panty daw si Xavier. Meron namang iba, papaanak lang daw para maganda ang lahi. Ewan! Nakakabaliw siyang isipin at nakakasuffocate. I feel like pressured inside a cooker with beef and veggies! Matindi talaga ang attraction ko sa kanya. Sa sobrang tindi, nahuli niya akong nakatitig sa kanya kahapon! Nakakahiya!
Now I'm stuck here thinking about how should I avoid him. Grabe naman kasi, sa tana ng buhay ko siya ang pinakagwapong lalaking handa akong gumawa ng pagkakasala. He can stir up my senses and shake the world inside my head. I'm beginning to sound creepy and I hate it. I hate it!!!!
"Paabot naman ng mayonnaise, Dawn." Narinig kong sabi ni Cassie habang nakatambay kami sa flat ng kambal at malungkot dahil absent ang malandot na si Kayla at si Anthony. Si Marky beki naman ay nag-aaral kunyari peo may Fb account na tinitingnan.
"Mars, si Mark may tinitingnang FB account, kaso babae! Yung nurse ni Dr. Gallego sa Orthopedics ang tinitingnan! Aminin, type mo no?" Sabi pa sa akin ni Cassie habang kumakain ng French fries. Tawa ng tawa si Dawn at nakabusangot si Mark. Seriously, grabe ang tawa ni Dawn.
"Gaga, beki nga ako tsaka mas maganda ako kay Mandy!" Depensa pa niya. Dawn snorted and I guess may something fishy nga talaga kay Mark.
"Taray Mars, first name basis pa sila." Tumawa si Cassie at umirap lang si Mark habang nakaharap sa reviewer niya.
"Aba chicks kaya si Mandy. Malaki ang... boobs n'un." Sabi pa ni Dawn at nagulat si Mark. Tumayo siya at kinwelyuhan si Dawn. Ngayon ko lang siyang nakitang nainis ng ganito at umaastang lalaki. Pumagitna si Cassie habang may French fries sa bibig.
"Wag kang bastos!" Sinubukan kong hatakin si Mark pero malakas siya. He's still a man after all at nakakagulat ang reaksiyon niya like he's defending a girlfriend. Nagkatinginan kami ni Cassie.
"Sorry! Joke lang naman." Dawn rose his hands to accept defeat at bumalik kami sa futon para kumain at mag-aral. I still can feel tension on Mark na parang ang laki ng kasalanan ni Dawn sa kanya.
"Eh ang bastos mo kasi! Babae 'yun at ginagalang. Parang wala kang kapatid na babae. Nakakaasar." He's referring to Dawn's little sister Anabelle. He stood up and wemt to the kitchen counter to drink a glass of cold water. Natigilan kami kasi bakit parang lalaking-lalaki siya? Normal ba 'yan?
BINABASA MO ANG
How deep is your love?
Romance(Medical Series #1) Will you love a broken man with too much baggage attached? What if a stalker comes along and tries to break the both of you, will you let go? Now, how deep is your love? Alexandra's story