CHAPTER 30 (Seryoso?)

657 16 0
                                    

"Naku Xavier hindi ka talagang pwede sumama. Walang bantay si Ethan at hindi naman siya pwedeng sumama. Please next time na lang? Isama pa natin si Ethan." Nakasimangot lang siya habang nag-aayos ako ng gamit. Hindi talaga niya ako titigilan. Kanina pa siya dito sa kwarto ko at nakasimangot. Hindi siya magpapatalo. Parang ewan lang. Maaga pa lang kasi nag-iimpake na ako at sumabay siya ng gising sa akin.

"Siguro nahihiya kang isama ako, ano? Babaero kasi ako dati tapos binatang ama pa. Sino nga namang magulang ang gusto ipakasal ang anak niya sa akin? Syempre wala." Hindi talaga siya natitinag. Nakasimangot lang siya habang yakap-yakap ang rilakkuma stuffed toy na dala niya sa akin galing Japan. They have these chain of restaurants in Japan kaya laging naroon ang mga magulang niya.

I sat on the bed with him. "Xavier, mabilis lang naman. I promise, I'll be back very soon. Apat na araw lang naman. Si nanay kasi nag-iinarte na at gusto ko din sila makita. Please? You're perfect and I love you. Never kitang ikakahiya." I hugged him.

"Hindi talaga ako mapalagay. Feeling ko nahihiya ka talaga sa mga kamag-anak niyo na ipakilala ako. Chance na sana kasi 'to. Baka nga kasi mabuntis kita we just... you know, last night at baka magbunga. At least alam nilang may gwapong magpapakasal sayo. Singkit nga lang din pero magaling naman mag-piano." I rolled my eyes and he just smiled.

"Totoo naman kasing gwapo ako. Sige na? Isama mo na kasi ako. I promise to behave very well. Husband material ako. Magaling kaya ako magluto ng... adobo? Oh sige, kaya ko din magluto ng sinigang. Sige na kasi." I laughed.

"Xavier, ipapakilala naman kasi kita. You just have to wait. Sasabihin ko na kasi sa kanila. Ayoko namang biglain sila na may dala akong lalaki sa bahay namin. Hindi matutuwa ang tatay ko. Mukhang maamong koreano lang 'yon pero nakakatakot magalit. May shotgun ang tatay ko." He sighed.

"Kaya nga dapag andoon ako para may kasama kang magpaliwanag. I can convince your parents to allow you to marry me. I'm a good person na may extra baggage nga lang pero mahal na mahal naman kita. I don't see why they would object of me." Natawa na lang ako sa confidence niya. Talagang hindi siya titigil hanggat di siya nakakasama sa Bicol. Utang na loob.

Baka atakehin sa puso ang tatay ko. He'll go ballistics and he will definitely scare him with his antique rifle. Lagi naman niya kasing ginagawa tuwing may manliligaw sa akin.

"I know, that's why i love you. Wala kang extra baggage. I love evrything about you. Xavier, please? Kahit ihatid mo na lang ako sa airport okay lang. This needs to be properly explained first. Ito nga lang na pagtira ko sa bahay niyo mali na. Alam nila mama nasa condo pa din ako sa Makati nakatira. I need to do it slowly." He rolled his eyes and collapsed on the bed, having a tantrum like a child.

"Xavier, ang laki mong tao para magtantrum. Hoy." Hindi niya ako nililingon. Nagtatampo na talaga siya sa akin. Hindi ko naman kasi pwedeng biglain ang mga magulang ko na may pakakasalan na ako sa boyfriend ko ako nakatira. It would definitely be the death of them.

"Ayaw mo naman sa akin. You don't trust me enough. Hindi ka tiwala sa qualities ko bilang mapapangasawa mo. Maybe I'm not enough to please your family." Humarap siya pader habang nakahiga. I lied down with him and embraced him from the back. My arms won't be enough to fully embrace him kasi ang laki ng katawan niya.

"Hindi kita ikinakahiya. I'm so proud of you. Sige na nga, sumama ka na. Tutal matanda naman na ako kaya maiintindihan naman na nila siguro." Sabi ko at agad naman siyang bumangon at tumayo.

"Wait, mag-iimpake ako!" Then he quickly got out of my room. Baka atakehin sa puso ang tatay ko pero matanda naman na ako kaya okay lang siguro.

Sumakay kami ng eroplano at economy kami kasi ayoko ng gusto niyang magfirst class. Parang tanga kasi eh ang lapit-lapit lang ng Bicol. Isang idlip lang andyan ka na tapos gagastos ka ng pangfirst class? Sayang ang pera.

How deep is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon