CHAPTER 16 (The truth hurts; the lies worse)

759 15 0
                                    

Nakaupo kami sa isang restaurant habang nag-uusap. Hindi ako makapaniwala na talagang magkausap kami. He's really handsome and who am I to reject? Women are staring at him kasi nga sikat siya and I feel more intimidated. Feeling ko sinasabi ng mga babae dito na hindi kami bagay.

"So, ipinili na kita ng pagkain ha. I love their salmon steak kaya iyon na rin ang kinuha ko sayo."

"Okay lang, salmon sounds great. I think it's healthier compared to what I have in mind."

"Ano ba ang balak mo?" Tanong niya.

"I was thinking of getting some lentils and lamb, but it's fine kasi kakakain lang namin ni Anthony noong isang araw." Kununot ang noo niya at napatitig sa akin.

"What?"

"Who is Anthony?"

"Oh! He's my co-intern at FMC. Magbarkada rin kami kaya naman ayun sa condo niya kami lagi pumupunta kapag gutom or may bagong movie siyang nai-download." Bigla siyang nanahimik at hindi ko alam kung bakit. He suddenly looked angry at hindi ko alam kung may nasabi ba akong nakaoffend sa kanya.

"Are you okay, Xavier?"

"I am not fine, Alex. Paano mo nasasabi sa manliligaw mo na may kasama kang ibang lalaki sa condo niya at kumakain pa kayo nang magkasama?"

"Nagkakamali ka, Xavier. Anim kami lagi. Anthony has a twin sister at siya ang lagi naming nakakasama. Anthony happens to be more attentive kaya siya ang cook sa kanila. Please don't misinterpret." Biglang umaliwalas ang mukha niya.

"Hindi mo naman sinabi agad. Syempre nagseselos ako! Nanliligaw pa lang ako tapos may lalaki at condo agad na hahadlang? That hurts, Dr. Jung. You hurt my feelings." Natawa naman ako habang nakahawak siya sa dibdib niya at umaarteng nasasaktan kuno. I smiled at him.

"Ang arte mo naman."

"Syempre, ang hirap kaya sa pakiramdam. Kay Nathan nga lang nagseselos na ako, syempre lalo na sa co-intern mong makakasama mo na bukas. Kaasar naman kasi at bumalik agad ang company doctor." Natawa ako sa sinabi niya at kinurot niya ako pisngi. Namula ang mukha ko sa hiya kasi pinagtitinginan kaming dalawa.

"Pinagtitinginan na tayo, Xavier. Hindi ka ba nahihiya? Kanina... pa nila tayo tinitingnan." Lumingon siya sa kabilang table at tumayo. Mga babae ang nasa kabilang table at nginitian siya. Nagtilian naman sila nang mas lumapit pa ito.

"Staring at a stranger is rude, alam niyo naman siguro. I'm with my girfriend." Nagulat ako sa sinabi niyang girlfriend niya daw ako.

"She seems not the type you usually go for, Mr. Tan. Nakikita kita sa TMZ dati and she's far from your bombshells."

"Well, mas gusto ko siya. Remember this, my girlfriend is Dr. Alexandra Jung and she's on top 10 ng PRC board exams." Bumalik si Xavier at halatang naiinis ang nga babae sa pagkapahiya.

"Hindi mo naman dapat sabihin na doktor ako, Xavier. Iisipin lang nila na kaya mo ako kasama kasi matalino lang ako."

He reached for me and cupped my face.

"You are beautiful inside and out. You havd to believe.in yourself." I smiled at him.

*ding*

1 new message

Fr: +63917258xxxx
- He is hiding something. Be careful, that guy is rotten.

Parang nanlamig ang mga kamay ko. No doubt si Xavier ang sinasabi ng message na ito. I looked around trying to find the sender.

"Okay ka lang, Alex?"

"Just fine." I awkwardly replied.

Lumabas na kami ng restaurant para sana pumunta sa isang museum nang may tumawag kay Xavier. Nakasakay kami sa kotse kaya naman natakot akong baka mabunggo kami. He switched lanes then did a u-turn.

Papunta kaming FMC. He ran really fast na para bang nakalimutan niyang kasama ako. Binati ako ng mga nurses. May naaksidente ba sa pamilya nila o biglaang nagkasakit? Nakaramdam na din ako ng kaba. Ano ba ang nangyayari?

"Dr. Jung? May shift ka ba?" Dr. Villaflor from Surgery department asked habang nakatingin ako sa iisang kwarto na pinagtitinginan ng mga doktor mula sa labas. Bakit ang daming doktor at puro chief ng iba't-ibang department?

"I'm okay... Wait, sino ang nasa Rm. 112?" Lumakad siya papuntang nurses station at kumuha ng metal clipboard. Ibinigay niya iyon sa akin at nagulat ako kasi bawal basta na lang magbigay ng records.

"Is it okay to look at this?" Kinabahan kong tanong sa kanya.

"Yeah, doctor ka dito so it's basically fine."

I slowly opened the board and gasped at what I saw.

Patient name: Ethan Hugh Cortez Tan
Age: 8 y/o
Blood type: AB
Height: 4'1"
Weight: 34 Kgs

Mother's name: Aileen C. Tan
Father's name: Xavier Edward V. Tan

Diagnosis: Cystic Fibrosis

*ding*

Fr:+63917258xxxx
-Told ya. That bastard's not real. He will never be. Stay away from him and save yourself. Spare yourself the humiliation.

How deep is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon