CHAPTER 6 (Kisses from a musical prince)

1.1K 25 0
                                    

Nakatulala akong nagbabantay sa isang empleyadong may mataas na lagnat at may diarrhea. She's also complaining about her headache. Medyo humupa naman na ang lagnat niya pero natutulog pa rin siya. Siya ang panlimang pasyente ko ngayon.

This is my fifth day at salamat off ko na bukas. Normal ang pasok at uwi ko simula nang maging company doctor ako dito.

He stopped talking to me these days... And I am not waiting for him in any way. Siguro nasanay lang akong nakikita siya. I need to take him away from my system. Mali ito. Maling-mali ang isipin ko ang mapaglarong tulad niya. Ang seryosong katulad ko ay hindi dapaf nagpapaapekto.

"Doc, pwede na siyang i-release. Pakipirmahan na lang po ang release form." Lumapit ako para pirmahan ang form ng empleyado. Jenny stood up and put some meds on a ziplock.

"Kilala ko kasi 'yang si Sheila. Dalawa ang anak niya at balita ko niloko ng asawa kaya grabe kung magover time, kaya kahit man lang sa gamot mapabaunan ko siya. Walang health benefits and contractual workers." I smiled at how kindhearted Jenny is. Mabait siya at kita ko ang pag-aalala niya sa empleyado.

"Kilala mo pala siya?" I asked while checking her temperature at nasa 37.5 degrees na lamang ito.

"Nakakakwentuhan ko siya minsan kasi matino siyang kausap at ang bata niya pa para makaexperience ng mga bagay-bagay. Isa siyang example ng messed up love affairs. Isa siya sa dahilan kaya di ako naniniwala sa mga kalalakihan." She did her signature 'fixing-glasses-mannerism'.

"You're right. Tell her na nirefer ko siya sa FMC for free consultation. Mukhang may problema siya sa eyesight kaya laging masakit ang ulo niya. Tell her my name at sabihin mo hanapin si Dr. Elena Reyes. Opthalmologist 'yun." She smiled bigger.

"Thank you! Grabe sobrang bait niyo po talaga." She held my hands at ngumiti lalo ng malaki.

"Friends kayo,  right? Halata naman kasi sobra ang pag-aalala eh."

"Sheila is a very nice person,  matalino at maganda kaya di niya deserve magpaloko at lokohin. Katulad mo rin siya, doc. Wag kang magpapaloko dahil di mo deserve lokohin." She talks like someone had hurt her in the past.

"I know atsaka ikaw din,  you are beautiful and smart. 'Wag papaloko." Nagtawanan kaming dalawa.

"Naku doc, wala na ho akong balak mag-asawa. Hindi ho siguro talaga para sa akin ang pag-aasawa at masaya na ako dito at sa pag-attend ng medical missions." Nagulat ako, akala ko kasi sa opisina lang umiikot ang mundo niya. This girl is too kind, malamang matuwa si nanay kung makikilala siya.

"Jusmiyo, para akong nakakilala ng santa. Ang bait-bait mo naman, Jenny. Mamaya i-beatify ka na." Humagikgik siya at uminom ng kape.

"Feeling mo lang 'yun,  doc." Kumindat siya.

"Ang hilig mong magkape, ano? Ako kasi mahilig din dyan lalo na sa probinsya." I told her.

"Wow, masaya sa probinsya doc? Mas ramdam doon ang childhood days compared dito kaya boring ang sa akin."

Tumuloy siya sa pag-inom ng kape at biglang napatigil.

"May recital nga pala si CEO next week. Required lahat pumunta doon kasi gaganapin yata sa auditorium ng pamilya nila. Formal dinner and stuff kaya medyo boring pero pupunta pa rin ako. Ikaw doc, kelan ka bibili ng damit?" She asked me. Damit? Wala na akong balak magpanggap na maganda ako manamit kasi medyo jologs naman talaga ako kahot doktor.

"Di ako kasali dyan kasi temporary lang naman ako, Jenny. Mas pipiliin ko sigurong magreport sa ospital na lang at mag-aral. Medyo nahuhuli na ako at may mid-internship examinations."

How deep is your love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon