"Kayla wait!" Dali-dali akong tumakbo para habulin si Kayla. Dala niya kasi ang pagkain para kay Dr. Saavedra na libre ni Cassandra. Birthday niya kasi ngayon kaya nanlibre siya lahat. Boyfriend ni Cassandra si Dr. Saavedra pero syempre, hindi sila papahalata lalo na't nasa same department lang kaming lahat. Kilala si Dr. Saavedra bilang striktong resident doctor at syempre ayaw na niya ng gulo.
"Bakit?" Tanong naman ni Kayla.
"Salamat nga pala kamo. Pasabi na lang kay Cassie. Kailangan ko kasing makipagkita kay Xavier. Hindi ako makakapunta sa after party mamaya. Pasensya na talaga ha. Nagpromise kami kay Ethan ng movie night at hindi namin siya mahindian."
Ngumiti lang si Kayla. "Oo naman! Ikaw pa! Akong bahala. Mag-enjoy kayong pamilya."
"Ito naman! Hindi pa kami kinakasal paanong pamilya na agad?" Natawa lang ako sa kanya. Ito ang nakakatawa kay Kayla, malikot ang imahinasyon niya.
"Malapit na din yan, girl. Aja! Alam ko naman na doon din ang tuloy niyo. Malapit na din ikasal si Cassandra kay Dr. Saavedra ano. Buti pa nga siya ang gwapo ng jowa. Ako, ito nganga pa din. Wala kaming ma-hunting na jowa ni bakla." Natawa naman ako.
"Dadating din 'yan. Sige mauna na ako."
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang marating ko ang locker area. Nagpalit ako ng damit at isinuot ang bagong bili kong maxi dress. Gusto ko kasi maganda ako kahit pero komportable mamaya sa movie night namin. Baka dumaan na din ako sa mall para bumili ng caramel popcorn na paborito ni Ethan.
Biglang nagvibrate ang phone ko at nang makita ko ang lamang ng message, nanlamig ang buong katawan ko.
It was me just few minutes earlier in my underwear habang nagbibihis. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nanlalambot akong naglakad papuntang ER kung nasaan sila Cassandra para sabihin ang nangyari. Naiiyak ako sa takot pero tinibayan ko ang loob ko at naglakad pa rin.
Swerteng nakita ko si Cassandra na nakaupo sa nurses station.
"Alex? What-" I ran to her and embraced her really hard na kahit ang mga nurses ay napatingin na din sa amin. Naiiyak talaga ak at natatakot at hindi ko na pwedeng sabihin pa 'to mamaya kala Xavier kasi ayoko na siyang mag-alala. Basta iyak lang ako ng iyak. Nakita ko naman na lumapit si Dr. Saavedra.
"He's here, Cassie. Kinuhanan niya ako ng litrato habang nagbibihis sa locker room pero mag-isa lang ako doon. Hindi ko na alam kung paano ko ba 'to maaayos. Hirap na hirap na ako." Patuloy lang ako sa pag-iyak at pinunasan ni Cassandra ang mukha kong basa na sa luha.
"What?!"
Pinakita ko ang litrato sa kanya. It was beyond horrifying.
"Uhm... Alex, I have to tell you something pero hindi ko alam kung dapat ba o hindi kasi. It's just that, it's Benedict who saw what happened and... he wants me to tell you so you are aware." Nakatayo kami sa gilid ng hallway at hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan sa sasabihin ni Cassandra. I don't know why.
"We saw... two things, okay? 'Yung una, nakita kong... 'yung kapatid ni Xavier, 'yung lawyer kasi nakita ko... na isinubo niya 'yung kutsarang iniwanan mo sa cafeteria pag-alis niyong dalawa. I saw how his expression changed like he's planning something I don't know. Hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko to o mali. Pasensya ka na, pero dapat mong malaman." What? That's not true... because he could be my stalker.
"What? Are you joking? Ang bait ni Xander at hindi niya ako type, Cassie. Baka nagkakamali ka lang or baka pumasok na naman kayong lasing nila Mark like last time. You were so hangover from all out party at Hades."
"No, Alex. Sigurado ako. Mag-iingat ka sa kanya. Please."
Then I looked at her.
"And... ano 'yung pangalawa?" Tanong ko at bigla siyang natahimik na para bang ayaw sabihin sa akin ang pangalawang nakita nila ng boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
How deep is your love?
Romance(Medical Series #1) Will you love a broken man with too much baggage attached? What if a stalker comes along and tries to break the both of you, will you let go? Now, how deep is your love? Alexandra's story