BEATRIX MAVIS
·····FLASHBACK·····
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Marami na akong napabago sa bahay namin nila Inang, at ngayon, malaki na rin ang tiyan ko—malapit ko na siyang makita.
Aaminin ko, dumaan sa isip ko noon na alisin siya sa mundong ito. Pero dahil sa mga taong tunay na nagmamahal sa akin, nagbago ang isip ko.
Nakapagpatayo na rin ako ng maliit na bakeshop. Hindi ito ganoon kalaki, pero malaki ang kita, kaya nakakapag-ipon pa ako para sa hinaharap.
"Hayst, girl! Handa na talaga akong makita ang inaanak ko!" exaggerated na sabi ni Paui habang hawak ang dibdib niya na parang nasa teleserye.
"Baka umiyak pa si baby pag nakita ka, kaya ‘pag nanganak si Ate Trix, ‘wag ka munang magpakita," pang-aasar ni Vien.
"Palibhasa, di ka crush ng crush mo," sagot naman ni Paui sabay irap.
"At least di ako pinerahan," sagot ni Vien, sabay labas ng dila. Ayun, nagbangayan na naman silang dalawa.
Last month kasi, nagka-boyfriend si Paui. Pero nalaman niyang pera lang pala niya ang habol ng lalaki, kaya ayun—nagpakalunod sa alak ng ilang araw.
Tatayo sana ako para kumuha ng tubig nang bigla kong maramdaman ang matinding sakit sa tiyan ko.
"A-Ahh!" daing ko, habang mahigpit na hinahawakan ang tiyan ko. Bigla rin akong may naramdamang mainit na likidong bumaba sa mga binti ko.
"V-VIEN! PAUI!" sigaw ko sa kanilang dalawa.
Agad na lumapit si Paui, pero nakataas pa ang kilay.
"Problema mo?" casual niyang tanong.
"M-My stomach… I think I'm about to—"
"Diarrhea lang ‘yan, i-Diatabs mo na lang," sagot niya.
Pasalamat siya at wala akong lakas batuhin siya ng tsinelas!
Biglang sumulpot si Vien, at nang makita ako, nanlaki ang mata niya.
"Hala, Ate! Manganganak ka na! Sandali lang, tatawag ako ng masasakyan!" tarantang sabi niya bago mabilis na lumabas.
"AYYY, BAKLA! BAKIT DI MO AGAD SINABI?! MANGANGANAK KA NA PALA!" hiyaw ni Paui.
Agad niya akong binuhat, at sa gulat ko, napansin kong ang lakas pala ng baklang ‘to!
Paglabas namin, sakto namang dumating si Vien sakay ng isang motor.
NAGISING AKO sa pakiramdam ng maliliit na labi na humahalik sa mukha ko.
"Mommy, wake up!" malambing na boses ang narinig ko.
Paulit-ulit niya akong hinalikan sa pisngi at hinaplos ng maliliit niyang kamay.
"Mommy, di ba sabi mo, pupunta tayo sa playground?" bulol niyang sabi.
"Yeah, baby. Pero maligo ka muna bago tayo umalis," sagot ko habang dinadama ang malambot niyang pisngi.
"Nyope! Mommy, ikaw nayang need mayigo ‘cause I’m ayyeady downe!" sagot niya, ipinagmamalaki na tapos na siya maligo.
Napatawa ako at pilit na bumangon.
"Sino nagpaligo sa baby girl ko?" tanong ko habang inaamoy siya.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomansaSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
