BEATRIX MAVIS
Nagising ako nang may maramdaman akong humahalik sa balikat ko. Akmang titingnan ko ito nang biglang kumirot ang mga nasa pagitan ng hita ko.
“Does it still hurt?” tanong niya, na kinairapan ko.
Malamang masakit — ikaw ba namang pasukin ng limang rounds.
“Sobra,” saad ko.
Minulat ko ang mata ko, at una kong nakita ay pagkain na nakalapag sa bedside table. Pagtingin ko sa bewang ko, nandoon ang mga kamay ni Ryzer na nakayakap sa akin.
“I cooked us some brunch,” bulong niya sa tenga ko.
Wait... brunch? Breakfast and lunch? Anong oras na ba?
“A-anong oras na ba?” tanong ko sa kanya.
“Hmm... 11:30 AM,” saad niya.
Dahan-dahan akong umupo at isinandal ang likod ko sa uluhan ng kama. I looked at my body when I felt I already had clothes on — but it was only a t-shirt, and it was his. Ni isang undergarment, wala ako.
“Si Xie, inuwi na ba nila Vien?” tanong ko nang maalala ko ang anak ko.
Tumayo siya at naglakad sa kabila ko. Umupo siya sa gilid ng kama pagkatapos niyang ilapag doon ang mesang maliit na may mga pagkain.
“Don’t worry about her. They’ll take care of our daughter,” saad niya at nagsimulang magsubo sa akin gamit ang kutsara.
Napatango na lang ako dahil alam ko namang hindi pababayaan ni Vien ang anak ko.
Napabaling ang tingin ko sa mga pagkain sa harapan ko: egg, bacon, rice, egg sandwich, milk, black coffee, at isang basong tubig.
“I know I never did this for you before, but from now on I will — these husband material things you want, with love,” saad niya saka ako sinubuan ulit.
“I’ll wait... I’ll wait for you to say the three words I want to hear, Trix,” saad niya sa akin.
Sana kung panaginip man ito, wala na sanang bangungot pang dumating sa amin...
“MAMA!” sigaw ng anak ko pagkapasok sa bahay.
Kita ko ang pagtakbo niya pero agad siyang binuhat ni Ryzer at inilapit sa akin. Hindi pa rin kasi ako masyadong makagalaw dahil medyo may kirot pa rin.
“Ayy... sana all blooming,” saad ni Vien, na kasama si Paui.
“Wrong ka, girl! Dapat ang sabihin mo, ‘sana all naputukan,’” saad ni Maui, na pinandilatan ko dahil kita sa mukha ng anak ko ang pagtataka.
Bumaba ang anak ko mula sa ama niya at lumapit sa akin.
“Mama, may masakit ba sa’yo?” tanong ng anak ko habang hinahaplos ang kamay ko.
“Wala po... ayos lang si Mama,” saad ko sa kanya.
“Sabi kasi kanina ni Minang Wi na kaya kinuha muna ako nila Minang Yen ay dahil magpuputukan kayo ni Papa,” saad niya, na kinanganga ko.
“Ah... eh, wala akong alam diyan,” saad ni Maui at nagtungo sa kusina.
“Ate, sorry, si Paui kasi ang daldal,” pagpapasensya ni Vien sa amin.
UMALIS ANG mag-ama at hinayaan muna niya kaming tatlo dito sa bahay. Puno ng ingay dahil kay Paui, habang si Vien tahimik lang — nakakapanibago.
Lumapit si Paui sa akin at niyugyog ang balikat ko kaya napaigik ako dahil masakit pa.
“Aray ko!” reklamo ko, at ang bakla, inirapan lang ako.
“Ayy wow... yugyog lang ’yun ah! Pero hmm... mukhang hindi naman doon sa balikat... mukhang sa baba!” saad niya sa akin.
“Oo na, masakit pa rin eh,” saad ko sa kanya.
Napanganga ito at parang naglo-loading pa, pero makalipas ang ilang segundo ay nagtitili ito at pinagpapalo ako sa balikat. Bwisit na baklitang ‘to!
Kinuha ko ang unan at binato siya kaya napatigil ito at humawak sa mukha niyang natamaan ko.
“OA mo,” saad ko.
Sa pag-iingay namin, hindi man lang sumali si Vien kaya tumingin ako kay Paui at nginuso si Vien.
Kahit paika-ika, lumakad ako sa kabilang sofa at tumabi rito — hindi pa yata niya alam na nasa tabi na ako.
“Vien,” tawag ko at hinaplos ang likod niya.
“A-ate... b-bakit?” natatarantang saad niya.
Kita kong pinaglalaruan niya ang mga daliri niya at tinataas-baba ang kanang paa niya.
“Girl, problema mo?” Kung kanina ay puno ng sigla ang boses ni Paui, ngayon ay sobrang lambing naman.
“Ate...” nilingon niya ako, at nakita ko siyang papaiyak na, kaya niyakap ko siya.
“Hush... anong problema? Pwede mo akong sabihan,” saad ko habang yakap-yakap ko siya.
“B-buntis ako...” nagulat ako sa sinabi niya, pero mas nagulat ako sa sunod niyang ikinuwento.
“At a-ayaw akong panagutan ni Edward kasi bata pa daw kami at may mga gusto pa daw siya...” hagulgol niya.
“My ghad... pasalamat na lang ako at wala akong puday, dahil malamang buntis din ako,” saad ni Paui, na nag-aalalang nakatingin sa amin.
“Ate, sorry... hindi ko sinasadya. Nilagyan niya kasi ng gamot ’yung ininom ko noon, at huli ko na lang nalaman na may nangyari na pala sa amin,” saad niya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinunasan ang luha niya.
“Alam na ba ni Inang Selda?” tanong ko, at umiling lang siya.
“Ate, tulungan mo ako, please...” pagmamakaawa niya, at halos lumuhod na siya — buti na lang at napigilan namin.
UMALIS SILA Paui at Vien sa condo bandang 6PM na. Kaya pala hindi na sila magkasama kaninang umaga.
Nakaunan ngayon si Ryzer sa hita ko habang hinahaplos ang tiyan ko.
Si Xie naman, busy sa pinapanood niya sa TV.
“Swim, my soldier,” rinig kong saad ni Ryzer habang hinahaplos ang tiyan ko, pero gumagapang na pababa kaya agad kong pinalo ang kamay niya gamit ang remote.
“Aww,” arte niya. Kaya papaluin ko na sana ulit siya nang bigla kaming tignan ni Xie.
“Mama, sinasaktan mo si Papa?” tanong ni Xie sa akin.
“Yes, baby... look oh, Mama hit my hand,” sagot ni Ryzer.
Akala ko kakampihan na naman niya ang ama niya — pero nagkamali ako.
Tumayo si Xie at pumalakpak sa amin, na kinunot ng noo namin ni Ryzer.
“Good, Mama! Dapat lumaban tayong mga babae!” saad niya at nag-thumbs up pa, kaya napatawa na lang kami ni Ryzer.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
CintaSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
