CHAPTER 13

1.1K 15 0
                                        

BEATRIX MAVIS

Nagulat ako nang sabihin 'yon ng bisita ni Vien. Pero agad din akong napabalik sa ulirat nang hilahin ni Vien ang lalaki.

Napayakap ako sa anak kong naguguluhan ngayon.

"M-Mommy, teka, ang init eh," reklamo nito, pero binuhat ko lang siya saka dinala sa loob ng bahay.

Pagkadating sa loob, sa kwarto kami dumiretso habang yakap-yakap ko siya.

"Mommy, why? Why do you look so scared?" inosenteng tanong ng anak ko.

"Anak, makinig ka, ha," saad ko, at tumango naman siya.

"Sa akin ka lang maniniwala—at kina Minang mo, saka kina Lola Selda at Nay Cora, ah," saad ko habang may kaba sa dibdib.

"Opo, Mommy," saad naman ng anak ko, saka ako niyakap.

Hindi ko kayang mawala ang anak ko sa akin. Hindi ko kaya...

Kinagabihan, nakatanggap ako ng text message from an unknown number.

From Unknown Number:
I miss you

Saad sa text, kaya nagtaka ako kung sino ito. Pero nang maalala kong alam na lahat ni Ryzer ang tungkol sa akin, may kutob na akong siya ito.

To Unknown Number:
Sino 'to?

Tanong ko sa text, at agad naman siyang nag-reply sa akin.

From Unknown Number:
You're husband.

Agad na kumalabog ang dibdib ko sa text na 'yon. Magre-reply na sana ako nang may sunod siyang i-text ulit sa akin:

From Unknown Number:
See you on Monday. I have a surprise for you 🧬

Text niya, na may kasama pang emoji na ewan ko kung ano 'yon. Pero bigla nalang akong kinabahan ng ewan.

Humiga na ako at niyakap ang anak kong mahimbing nang natutulog. Bahala na ang iba sa pag-aasikaso ng mga orders sa shop, dahil may mga naka-assign naman sa bawat trabaho.

Nakwento ko na rin kina Vien ang nangyari sa akin, at syempre, naging OA na naman ang bakla. Ganoon din sa pagtatrabaho ko sa kompanya ng mga Huxley—nag-aalala rin sila sa akin.

MADALING LUMIPAS ang isang linggo, at ngayon ay naghahanda na ako para sa pagpasok ko sa kompanya ni Ryzer.

Sa isang linggo kong nakasama ang anak ko, sinulit ko na 'yon. Marami kaming ginawa gaya ng pamamasyal, paglalaro, at pagsagot sa mga tanong nito na ewan ko kung saan niya nakukuha.

Gaya noong isang araw—kung hindi pa dumating ang order namin, nag-iisip pa rin ako ng isasagot sa tanong niya...

·····FLASHBACK·····

"Mommy, may lahi po bang aso ang mga baka?" takang tanong niya habang hinihintay ang dessert naming order.

"Huh? Wala naman yata, anak," saad ko sa kanya.

"Eh? E bakit nung nagpakita si teacher ng mga picture ng cow, may nakita akong dalmatian. Parang iba't ibang kulay—yung isang cow may black, may white, mayroong pang brown," saad nito sa akin, na pinapakinggan ko na lang.

"Saka Mommy, alam mo, ang unfair ng mga gumawa ng animals," malungkot na saad niya.

"Bakit naman unfair, nak?" tanong ko sa kanya.

"Kasi po yung cow and horse may iba't ibang kulay, tas yung carabao iisa lang. Kawawa naman sila kasi iisa lang kulay nila," saad niya na nagpakamot ng ulo ko.

MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon