CHAPTER 25

808 10 0
                                        

BEATRIX MAVIS

Napanganga ako nang makitang may kasamang pregnancy test ang biniling puto and itlog milktea ni Ryzer.

"Para saan 'to?" taas-kilay na tanong ko sa kanya habang pinapakita ang sampung piraso ng pregnancy test.

"PT," saad niya na ikinainit ng ulo ko.

"Alam ko, Ryzer... alam kong PT 'to, pero bakit ka bumili nito? Ang ibig kong sabihin—" inis na saad ko rito.

"I just want to make sure my wife is pregnant," he said softly.

"Paano mo nasabi, aber?" mataray kong sagot sa kanya.

Umupo siya sa kama kung saan ako ay nakaupo sa gitna at nakasandal sa headboard ng kama.

"Love, sino naman ang magpapabili ng milktea na ganyan ang flavor?" saad nito sa akin.

"At isa pa, sinabihan mo pa akong mabaho, at si Xie naman, pinanggigilan mo ang pisngi, 'di ba? Hindi ka naman gano'n," dagdag niya sa mahinahong boses.

My eyes began to well up with tears, feeling like I had done so many wrong things to them just now.

Agad akong humiga at nagtalukbong ng kumot.

"I-ibig sabihin, d-di mo na ako l-love?" parang batang tanong ko na humihikbi.

Naramdaman kong dahan-dahan niyang tinanggal ang kumot, at nang matanggal niya ito, nanatili akong nakatalikod sa kanya.

His hand slowly crawled around my waist, and his lips gently touched my shoulder, then trailed toward my cheek.

"Mahal kita," rinig kong bulong niya sa tenga ko.

Ang lambing ng boses niya ang nakapagpawala ng mga luha ko.

Bumangon ako at nanatili ang mga kamay niya sa bewang ko habang siya ay nakahiga.

I turned to him while a few strands of hair remained on my face. Lumingon ako sa kanya habang sumisinghot.

"Mahal mo ako?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Oo. Sobrang sobra," saad niya habang nakahiga pa rin.

"Paabot naman 'yung milktea oh," nakangusong saad ko.

Bumangon siya at kinuha ang milktea na nasa bedside table, na nakalagay pa rin sa plastic bag.

Iniabot niya sa akin ang milktea na wala nang supot, at inilagay na rin niya ang straw doon.

"Mahal mo talaga ako, ha?" saad ko sa kanya, na kinatango niya habang inaalis ang mga hibla ng buhok ko sa mukha ko.

Binigay ko sa kanya ang milktea, na ikinataka niya.

"Bakit?" takang saad niya sa akin.

"Inumin mo nga 'yan kung mahal mo ako," saad ko, na ikinanganga niya.

Agad akong lumuha nang hindi pa niya kinukuha, pero nang makita niyang papaiyak ako, kinuha niya ito.

"Sabi ko na, 'di mo ako ma—"
I wasn’t able to finish my sentence when he drank it all in one gulp after removing the lid...

ALAS DOSE NA ng hatinggabi at di pa rin ako makatulog.
Si Ryzer ay nakayakap na sa akin at mahimbing na natutulog.

Napadako ang tingin ko sa supot na naglalaman ng pregnancy test kit.

May kutob na akong baka may laman na ang tiyan ko, dahil di rin naman gumagamit si Ryzer ng protection, habang ako ay di naman umiinom ng pills.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin.

"Hmm... where are you going?" he asked while still asleep.

"M-magbabanyo lang ako," saad ko. Nang maramdaman kong niluwagan na niya ang kanyang yakap, dumiretso na ako sa banyo dala-dala ang tatlong PT kit.

Alangan namang sampu talaga ang gamitin ko, 'noh? Sapat na ang tatlo...

Napaluha ako nang makita ko ang dalawang guhit sa tatlong PT kit.

"Positive," bulong ko sa sarili ko.

Nakaramdam ako ng saya ngayon, kumpara noong nalaman kong buntis ako kay Xie.

Agad kong niligpit ang mga PT kit na ginamit ko para i-surprise siya bukas.

I returned to bed and tucked the tests under the pillows where I would be lying down.

As soon as I lay down, Ryzer's arms wrapped around my waist again...

Kahit mag-aala-una na ako nakatulog, maaga pa rin akong nagising para paglutuan sila Ryzer at Xie.

Kinuha ko ang PT kit at inilagay sa ibabaw ng cellphone niya.

I STOPPED BY Xie's room first, and she was still sound asleep. Dumiretso na ako sa kusina at nagluto na ng pwedeng kainin.

Dahil may tirang kanin kami kagabi, sinangag ko na lang 'yon.

Kumuha ako ng bacon, itlog, at hotdog para sa breakfast namin.

Matatapos ko nang lutuin ang hotdog nang marinig ko ang sigaw ni Ryzer at mga yapak niyang nagmamadali.

"BEATRIX!" rinig kong sigaw niya.

"I'm here," nakangiting saad ko.

Narinig ko ang mga yapak niyang parang tumatakbo papunta sa kusina.

Just as I turned off the gas, I suddenly found myself airborne—Ryzer had picked me up and sat me on the sink.

"Fúck, magkaka-baby na ulit tayo!" saad niya at yumuko pa at pumantay sa tiyan ko.

Tinaas niya ang damit ko hanggang sa baba lang ng dibdib ko at hinalikan ang tiyan ko. Ramdam ko ang paghaplos niya rito at paunti-unting halik sa tiyan ko.

"Baby, I will take care of you, Mommy, and your sister Xie. I will guide you," he said while caressing my belly.

Muli niya akong hinarap at agad na siniil ng halik. Ramdam ko ang saya niya ngayon.

Bumitiw din siya sa halikan namin at pinagdikit ang mga noo namin.
His hands were on my cheeks while his thumbs gently caressed them.

"I love you. I love you. I love you," paulit-ulit niyang sabi sa akin.

"I love you too," nakangiting saad ko, na ikinalaki ng mga mata niya.

"I love you so much," saad niya, at muli akong dinampian ng halik sa labi.

"Si Papa ang ingay, para kayong mga Marites sa bahay ni Lola," rinig naming saad ni Xie kaya agad kaming napalingon sa kinatatayuan niya.

Pupungas-pungas pa siya at halatang nabitin ang tulog niya.

Naglakad si Ryzer papunta kay Xie, binuhat ito, at naglakad patungo sa akin.

"Good morning, baby," saad ni Ryzer kay Xie at hinagkan siya sa pisngi.

"Good morning, Papa and Mama," nakangiting saad ni Xie sa amin.

Binati ko rin siya at hinagkan sa pisngi.

"May surprise kami ni Papa sa'yo," nakangiting saad ko sa kanya.

"Ano po 'yon?" takang tanong niya at palingon-lingon sa amin.

"Magiging Ate ka na," nakangiting sabi ko.

Ang bibig niya ay nagkaroon pa ng hugis na bilog, at ang mga mata nito ay bumilog pa.

"Yehey! Ate na ako!" tili niya at naglulundag pa habang buhat pa rin siya ni Ryzer.

"I also have a surprise for both of you," Ryzer said with a smile.

"Ano?" takang tanong ko, habang nakangiti naman si Xie na nakatingin sa ama niya.

"We're moving into our own house."

MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon