BEATRIX MAVIS - HUXLEY
"Xie, faster!" saad ko habang nagmamadaling mag-ayos.
Habang sina Ryzer naman ay matiagang naghihintay sa amin sa baba.
"Mama, wait lang!" parang natatarantang saad ni Xie.
Nang makaayos ako, lumabas na ako at tumigil muna sa kwarto ni Xie at kumatok.
"Trixxie, ba’t ba ang tagal mo?" saad ko habang kumakatok.
"Ma, I can’t see the pair of one of my shoes," napahilot ako sa sentido dahil sa rason nito.
"Xie, seriously? Out of your 100 shoes, are you really going to find just one pair now?" saad ko sa kanya.
"Ma, wait lang, malapit na!" saad niya sa akin.
Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas na rin siya. Isang purple crop top at faded jeans ang suot niya, may shoulder bag pa at naka-headband na light brown.
"Halika na at naghihintay na sila," saad ko.
Ngumiti ito at kumapit sa braso ko. Pagbaba namin, nakita namin sina Ryzer at Azrul na nag-uusap na kala mo ay mga businessman.
"Bei Frauen dauert es wirklich lange, bis das Problem behoben ist," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ryzer.
"Ja, Papa, du hast recht," papa lang yata ang naintindihan kong saad ni Azrul, dahil bukod sa pa-German language niya ay nabubulol pa siya.
Narinig ko ang hagikgik ni Xie saka lumapit sa akin.
"Ma, sabi ni Papa, antagal daw natin mag-ayos. Tapos sumang-ayon naman si Azrul kay Papa," bulong ni Xie.
"Hmp! Ba’t kasi ang hirap mag-German language," nakangusong saad ko habang bumababa kami.
"Ma, maiintindihan mo rin kami," natatawang saad ni Xie.
Nakita kong umayos si Ryzer habang nahuli ko pa siyang may binulong kay Azrul. Tumango ito saka ngumiting tumakbo sa akin.
"Mama!" sigaw ng bunso ko at tumakbo sa akin.
"Be careful!" paalala ni Ryzer.
Binuhat ko ang tatlong taong bunsong anak ko at hinalikan ang pisngi niya.
"Finally, tapos na kayo," saad ni Ryzer pagkalabas namin, kaya natikman siya ng palo sa braso.
"Nawala yung isang earring ko," rason ko, pero tumawa lang siya.
"C’mon, lovey, 50 lahat ng hikaw mo, tapos yung wala pa ang hahanapin mo?" natatawang saad niya.
"Alam mo, Papa, narinig ko 'yan kanina kay Mama," hagikgik ni Xie habang buhat-buhat ang kapatid niya.
Binilisan ko ang hakbang ko habang naka-cross arms. Rinig ko pa rin ang pang-aasar nila.
Tatlong taon na kami dito sa Germany. Pagkatapos kasi ng kasal, nagpahinga muna kami ng ilang linggo sa Pilipinas para makapasyal. Dito ko na pinanganak ang pangalawang anak ko na si Azrul Brent, kaya mas hasa siya sa German at English language, pero minsan tinuturuan naman namin siya ng Tagalog. Kahit tatlong taong gulang pa lang siya, madaldal na — gaya ni Xie noon.
Si Xie, ang laki na rin ng pinagbago. Dahil nga teenager na siya, medyo niluluwagan na rin namin ang kapit namin, lalo na’t bago pa lang kami dito sa Germany. Pinagsasabihan naman siya ni Ryzer, at sinusunod naman niya. Pero ang kadaldalan niya, hindi pa rin nagbabago — lalo na at magkasundong-magkasundo sila ng kapatid niya sa kadaldalan.
"PA, BA'T MO pala naisipang mamasyal tayo bigla? May kasalanan ka kay Mama, noh?" dumaldal na naman ang panganay ko.
"Gusto ko lang kayong makabonding. Tutal, ngayon lang tayo nagkaroon ng free time, diba? Busy ang Mama mo sa pag-aasikaso niya ng café, habang ikaw sa school, tapos ako sa office. Buti pa nga si Azrul, nakakasama ang Mama mo," paliwanag ni Ryzer.
"Papa?" naguguluhang saad ni Azrul na nakakunot na ang noo sa pag-uusap ng mag-ama.
"Learn Filipino language, son, para maintindihan mo kami," natatawang saad ni Ryzer, kaya di na siya pinansin ng anak niya.
Pagdating kasi sa pag-aaral niya ng lenggwaheng Pilipino, umaatras siya o di kaya iniiwasan niya.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Sa Berlin Zoological Garden," saad niya.
Ito ang unang pinuntahan namin noon ni Ryzer, kaso kaming dalawa lang noon.
DUMATING KAMI sa lugar na sinabi ni Ryzer. Halos di ko na mahabol ang dalawa dahil bigla silang tumakbo ng magkasabay. Nilingon ko si Ryzer na nakangiting lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.
"Hayaan mo na silang mag-enjoy," nakangiting saad niya habang naglalakad kami papasok.
Naka-on naman ang GPS ng cellphone at relo ni Xie kaya kayang-kaya hanapin sila ni Ryzer.
"You just don’t know how happy I am now that it’s just the two of us together," nakangiting saad niya.
Pinagsiklop niya ang dalawang kamay namin at minsan ay hinahalik-halikan ito. Tanaw namin ang dalawang bata na masayang magkasama kaya napangiti na lang din ako. Umupo kami sa may bench dahil sa pagod sa paglalakad.
Tinatanaw lang namin ang mga anak naming nasa 'di kalayuan at may nginunguya na cotton candy. Habang si Ryzer naman ay nagulat ako nang may hawak siyang dalawang ice cream cone.
Habang kumakain ay may biglang nag-flash sa gilid ko. Paglingon ko, nakita ko si Ryzer na hawak ang cellphone niya at nakaharap sa akin.
"As always, maganda ka pa rin," saad niya.
Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa naramdaman ko ang kamay ni Ryzer sa gilid ng labi ko.
Tinaasan ko siya ng kilay nang dilaan niya ang hinlalaki niyang daliri.
"Ich liebe dich so sehr, Ryzer," nakangiting saad ko habang nakatingin sa kanya.
Mahal na mahal kita, Ryzer.
"Ich liebe dich mehr," nakangiting saad rin niya sa akin.
Mas mahal kita.
Hahalikan na sana niya ako sa labi nang may kumuha ng litrato — base na rin sa flash at tunog nito. Paglingon namin, nakita namin si Xie na nakangisi, habang si Azrul ay nakangiwing nakatayo sa tabi niya.
"Yehey! May maisesend na ako kay Minang!" natatawang saad niya habang dumudutdot na sa cellphone niya.
Lumapit ang bunso naming anak na halata sa mukha niya ang pandidiri. Ewan ko ba rito — makita lang niya kaming maghalikan ni Ryzer, nandidiri. Kumandong ito sa ama at kinuha ang ice cream na hindi pa ubos.
"Wirst du das wirklich an einem überfüllten Ort tun?" nakangiwing tanong ni Azrul.
Are you really going to do that in a crowded place?
Natawa lang din si Ryzer saka ginulo ang buhok niya.
BAGO UMUWI AY nag-picture-picture muna kaming apat. May picture kaming apat, meron din kaming tatlo lang nila Xie o Azrul, meron din silang magkapatid lang, at syempre, kaming mag-asawa.
Masaya kaming mag-asawa, pero alam ko namang sa buhay, hindi puro saya ang mararanasan mo. Nag-aaway din naman kami, pero gaya nga ng sabi ni Ryzer: "Magpapakumbaba na lang ako, kesa sa baba ako matulog."
Minsan, bibiglain tayo ng tadhana at paglalaruan. Bibiglain kang ipakilala niya sa kaisa-isang dibdib mo, pero di mo alam, paglalaruan kayo para patibayin ang puso n’yong dalawa. Sa dalawang tao, may susuko at susuko talaga, habang ang isa ay lalaban kahit di niya alam ang kahihinatnan sa dulo.
Gaya ko. Lumaban ako ng lumaban… hanggang sa sumuko na lang ako sa isang matinding pagsubok na ibinigay ng tadhana. Pero dahil sa paglaban ko, naubos ako at sumuko — pero sa pagsuko ko, siya namang paglaban niya para sa amin.
I'm Beatrix Mavis-Huxley, with my beloved husband Ryzer Kaiser Huxley, kasama ang mga anak namin na sina Trixxie Ryley Huxley and Azrul Brent Huxley, ay nagsasabing:
Salamat sa pagsubaybay sa istoryang ito.
THE END. . . . .
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomansaSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
