CHAPTER 29

643 6 0
                                        

BEATRIX MAVIS

Umaga ngayon at ako lang ang nandito sa bahay kasi si Ryzer, pinilit kong pumasok sa opisina. He’s taken so many leaves already and looks like he’s swamped with work. Si Xie naman ay pumasok na sa eskwelahan bilang kindergarten student, kasama si Roxanne at ang driver nilang si Kuya Pio.

Kaya ako na lang ang natira sa bahay na ‘to—pwera na lang sa mga kasambahay na abala sa kani-kanilang mga gawain.

I feel too lazy to go out, especially with how hot it is today. Kaya ang ginawa ko na lang ay nilibot ang bahay, at inuna ko ang labas.

Sa gate pa lang, mamamangha ka na kasi kulay itim ito at parang may glitters—totoong gold daw, ayon kay Ryzer. The top of the gate is lined with sharp arrows—to stop anyone from trying to break in, according to him.

May pool din itong hugis puso na malaki. Sa patulis na bahagi ay nandoon ang hagdanan pababa sa tubig. May parteng mababaw para sa mga batang gaya ni Xie.

Mayroon ding swing na ang disenyo ng upuan ay gawa sa kahoy at kadena ang hawakan. It’s suspended from a strong metal bar.

May kubo rin sa gilid kung saan nagpapahinga ang ibang kasambahay at ang driver.

Pumasok ako sa sliding door na konektado sa garden at kitchen. The kitchen is filled with high-end appliances.

Habang naglilibot ako, tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Paui—gusto niyang makipag-video call.

“BAKLA! Ang ganda naman ng background mo!” tili niya nang mai-open ko ang tawag niya.

“Bakla, i-back camera mo naman. Tapos ilibot mo,” saad niya sa akin—o utos?

“Wi, punta ka na lang kaya dito? Tutal wala naman sina Xie at Ryzer dito eh,” nakangiti kong saad.

“‘Di ko alam ‘yung address,” sabi niya kaya natawa ako.

“Text ko na lang sa’yo. Saka may surprise pa ako sa’yo,” saad ko.

“OH MY GHAD, may mga gwapo kayong trabahador? Ay sige, ako na d’yan, ackla! Chat mo na, bilis!” saad niya, sabay end pa talaga ng tawag.

Tinext ko ang address ng bahay pero siyempre, nagpaalam muna ako kay Ryzer. Sabi naman niya, okay lang.

I asked Manang Wena to prepare lunch for all of us, plus some snacks too.

Nakaligo na rin ako at nakainom ng vitamins na reseta ni Frinzein. Even now, I still feel nervous when I remember what she told us during the check-up here.

Pagkainom ko noon, medyo nahilo ako ng konti. But she said dizziness is one of the side effects. Doctor siya kaya alam kong tama siya.

When I went downstairs, Paui wasn’t here yet. She messaged that she was stuck in traffic. Kaya pumunta muna ako sa kusina para sana tumulong kahit mag-bake lang—tutal alam ko naman ‘yon.

Tungkol naman sa bakeshop ko, pinaubaya ko na lahat kay Paui.

“Ayy, Ma’am, umupo na lang po kayo,” saad ng isang kasambahay na medyo bata pa ang itsura.

“Gusto kong tumulong kahit ‘paglalagay na lang ng icing,” saad ko sabay kuha ng icing para simulan na ang paglalagay.

“Pero Ma’am, baka mapagod kayo,” alalang sabi niya. Rinig ko pa ang mahinang tawa ni Manang Wena.

“Hay naku, Jeannette, hayaan mo na si Ma’am. ‘Di mo ba alam, may bakeshop ‘yan,” natatawang sabi ni Manang Wena kay Jeannette.

“Sorry Ma’am, ayaw lang po namin kayong mapagod,” nakayukong saad ni Jeannette.

“Ano ka ba, okay lang. Saka inaalala mo lang naman ako eh,” sabi ko sa kanya.

Nagkuwentuhan pa kami, at nalaman kong siya pala si Jeannette Tolentino. Labing-walo na pala siya. Nalungkot pa ako nang ikuwento niyang pinaubaya na lang niya ang pag-aaral sa kapatid niya.

Sa wakas, dumating na rin si Paui. Nasa bukana pa lang siya ng pinto, nakatulala at nakanganga na siyang tinitingnan ang bahay. Pero nang tignan ko siya, nakatitig pala siya sa lalaking nag-aayos ng aircon.

Dahan-dahan akong lumapit at binatukan siya.

“ARAY KO!” sigaw niya, at babatukan na sana niya ako nang bigla kong ipinakita ang PT kit.

“Sige, batukan mo ako at lagot ka kay Ryzer,” biro kong banta. But she still lightly hit me on the head.

“Gaga, kahit buntis ka, babatukan kita... hindi naman tiyan mo ang sasaktan ko,” pagsusungit niya pagkatapos akong batukan.

“Halika, may pagkain sa kusina,” saad ko. Pero naka-focus pa rin siya sa dalawang lalaki.

“Bakla, kanin na lang ang kulang,” saad niya sabay yuyugyog sa balikat ko.

“Gaga, may mga asawa na ‘yan,” saad ko habang pilit siyang hinihila papuntang kusina.

NAKAUWI NA si Xie dahil 4PM ang labas nila, at sakto namang 5PM ang dating nila dito sa bahay pag hindi traffic. She and Paui played around and bonded a lot, and Xie was super happy her godmother was here.

Dahil medyo gumagabi na rin, inihatid ko na si Paui sa labas ng gate kung saan andoon ang sasakyan niya.

“Kamusta mo na lang kami kina Nay Cora at Inang ah. Mukhang matagal pa kami bago makadalaw, pero susubukan namin,” saad ko habang papasakay siya sa kotse.

“Oo naman, sasabihin ko sa kanila. Ingat kayo ah, lalo ka na at buntis ka pa naman,” saad niya sabay paandar ng kotse.

Bago pa siya makalayo, dumating na rin ang sasakyan ni Ryzer—nagbusinaan pa silang dalawa.

Tutal malapit na rin siya, hinintay ko na. Xie also came out to greet her dad. Hinawakan ko na lang ang kamay niya dahil ayaw na niyang magpabuhat sa akin—baka daw mapano si baby.

Xie ran to her dad the moment he stepped out of the car. Binuhat siya ni Ryzer at pinupog ng halik na ikinakiliti ni Xie.

Paglapit niya sa akin, agad niya akong hinalikan sa labi at hinawakan ang tiyan ko.

"HOW'S OUR baby doing in school today?" tanong ni Ryzer kay Xie.

“Papa, pinagalitan ako ni Teacher kanina,” saad ni Xie na kinunot ang noo ni Ryzer.

“Why? Were you being naughty again, huh?” tanong ni Ryzer.

“No Papa, kasi sabi ni Teacher kanina, itaas daw ang kamay kung sino ang nakakakilala kay Lapu-Lapu. Tapos tinaas ko kamay ko,” saad niya.

“And?” mahinahong tanong ni Ryzer.

“Sabi ko ulam natin kagabi. Tapos nagtawanan sila. Tapos sabi ni Teacher, ‘Shut up, little kitten.’ Papa, mukha ba akong pusa?” saad niya kaya napatawa na lang kaming dalawa.

MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon