CHAPTER 21

843 10 0
                                        

BEATRIX MAVIS

“Lola!” masayang saad ni Xie sabay karipas ng takbo patungo kay Mamita.

Nasa beach kami ngayon dahil sa imbitasyon ni Mamita. Kasama ko sina Vien, Paui, at Nay Cora. Nakakalungkot lang dahil hindi sumama si Inang—inatake siya ng rayuma.

Pagkarating namin sa kubo kung saan naroon na ang anak ko at si Mamita, humawak si Vien sa kamay ko. Kita kasi namin sila Ryzer, Patrick, Wendelleson, at si Edward na may kasamang babae.

“Girls, ba’t ‘di pa kayo tumuloy?” nagtatakang tanong ni Mamita.

“Ayy, Mamita, tutuloy talaga ako… andami kasing pandesal eh,” saad ni Paui at agad nang pumasok sa loob.

“Mamita, puwede ba kaming magpunta sa cottage namin?” tanong ko habang nakahawak pa rin si Vien sa kamay ko.

"Okay, just make sure to come back," Mamita agreed.

Pumayag din si Ryzer dahil alam niyang may pinagdadaanan si Vien.

Pagdating sa cottage, agad nang umiyak si Vien kaya niyakap ko siya.

“Ate, ‘di ko kayang makita siya,” sabi niya habang umiiyak.

“Hush… ‘wag mong ipakita sa kanya na nasasaktan ka. Show him you're okay, that you can handle it even without him,” payo ko sa kanya.

“Instead of sulking here because of them, go out and enjoy yourself. Show us again the Vien we know—cheerful, full of laughter, and Paui’s partner-in-crime,” saad ko habang pinupunasan ang mga luha niya.

“Kaya ko pa bang maibalik ‘yon, Ate?” tanong niya.

“Oo naman, dahil nandito kami at sasamahan ka namin,” nakangiti kong tugon.

Lumabas ako sa cottage at iniwan munang natutulog si Vien dahil sa pag-iyak kanina. Malayo pa lang ako sa kubo ay rinig ko na ang pabebeng tawa ni Paui.

Pagkarating ko roon, nakita ko sina Mamita at Nay Cora na nag-iihaw, kasama ang nurse ni Mamita na si Joyce.

Si Xie naman ay kasama ang kanyang ama, namumulot ng mga shell sa dalampasigan.

“Hoy! Ang yayaman n’yo, tapos peperahan n’yo na naman ako!” rinig kong sigaw ni Paui.

“Malamang, ‘di ba nagbibigay kayo ng pera, sapatos—minsan pa nga, motor eh,” biro ni Wendelleson.

“Eh ‘di ba mayaman kayo? Dapat ako na rin gastusan n’yo,” sabi ni Paui.

"I like girls," sagot naman ni Patrick na sinang-ayunan ni Wendelleson.

“‘Pag talaga ako gumanda at nagkaroon ng kip—” bago pa matapos ni Paui ang sasabihin ay sumingit si Nay Cora.

“Bibig mo,” saad ni Nay Cora nang makitang papalapit na sina Xie.

“Si Mader, porket nakahanap ng Amigang mayaman… hmp!” hirit pa ni Paui.

Lumapit ako sa mag-ama ko at agad akong hinalikan ni Ryzer, pati si Xie ay humalik sa akin.

“Mama, look! Ang dami ko nang ipapasalubong na shell kay Lola!” tuwang-tuwa niyang sabi habang ipinapakita ang plastic bottle na kalahati na ang laman.

“Wow, ang dami na ah,” saad ko.

“Gagawin ko pong mga bracelet ‘yung iba, Mama. Tapos puwede ko nang ibenta at magiging milyonaryo na ako!” nakangiting wika niya.

“Kala ko ba ibibigay mo kay Lola ‘yan?” tanong ko.

“Opo, Mama. Eto po. Tapos mamumulot pa ako ng iba para ibenta,” katwiran niya.

Umalis na siya kaya naiwan na kaming dalawa ni Ryzer. Agad niya akong niyakap mula sa likod habang magkasabay naming pinagmamasdan ang dagat.

“Manood tayo mamaya ng sunset?” tanong ko habang nakatingin pa rin sa alon.

"Sure. Wendelleson and the others are planning to start a bonfire later,"  sagot niya na ikinangiti ko.

“Talaga?” tanong ko, may ngiti sa labi.

"Yes. So Trixxie will be with Mamita tonight," dagdag niya.

I could feel his soft kisses on my shoulder even through my shirt. The neckline of my top was loose enough for him to reach my skin.

Napalingon kami sa likod nang may marinig kaming click ng camera. When we looked, we saw Xie holding Ryzer’s phone, taking a photo of us.

“Nice shot!” saad niya sabay thumbs up.

Dahil nagsimula na siyang mag-picture, sumabay na rin kami.

May kuha na kaming dalawa lang, may kasama si Xie, o silang mag-ama lang.

Bumalik kami sa kubo dahil napagod si Xie sa kakahabol. Hindi lang naman kasi picture ang ginawa namin—naghabulan pa silang mag-ama habang ako naman ay kinukuhanan ko sila ng video.

“Oh, ba’t kayo bumalik? Dapat doon muna kayo sa dagat maghabulan… o ‘di kaya, maglunod kayo ro’n para ‘di ako naiinggit,” reklamo ni Paui dahil hanggang ngayon ay pinipikon pa rin siya nina Patrick.

Kanina ko pa napapansin na tahimik lang si Edward. Parang wala sa sarili at hindi mapakali.

5:30PM NA KAYA naghahanda na kaming bumalik sa dalampasigan. Nakapagpalit na rin ako ng damit dahil naligo rin kami kanina.

Si Xie ay matagal nang kasama sina Mamita at Nay Cora—nakikichismis.

Nauna na akong pumunta sa cottage nila Nay Cora, Paui, at Vien para tingnan kung handa na si Vien.

“Halika na?” anyaya ko sa kanya nang saktong lumabas siya sa pinto.

“Sige, Ate,” sagot niya.

Naka-suot siya ng simpleng damit na binili namin noon sa mall—isang light pink na T-shirt hanggang bewang at isang maikling shorts na parang denim. Ako naman ay naka-oversized black T-shirt ni Ryzer at isang maikling shorts lang.

Pagdating namin sa lugar, handa na ang lahat. Nakaayos na ang pwesto para sa bonfire mamaya. Ang mga uupuan ay malalaking kahoy. Pati snacks at alak, andun na rin.

Kita ko ang anak kong palihim na nakikinig sa kuwentuhan nina Mamita at Nay Cora sa tabi ng kubo.

“‘Wag mo na lang silang pansinin, okay?” bulong ko kay Vien na malungkot na nakatingin sa pwesto nina Edward at Deanna.

Dumiretso na kami at agad napunta sa amin ang atensyon ni Paui na halatang may tama na—nabubulol na kasi sa salita.

“Naksh, ang gwagwanda talaga ng mga girlilflies ko!” saad niya na ikinatawa namin ni Vien.

MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon