BEATRIX MAVIS
Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makapaniwala na may bahay na kami.
Dahil sinabi ni Ryzer na lilipat na kami, agad akong nag-impake ng gamit naming tatlo.
Inuna ko ang mga gamit ni Xie, saka ang sa amin.
While packing, I saw a piece of paper inside one of my bags.
At ngayon ko lang naalala na may sulat palang ibinigay si Inang sa akin—ginawa daw 'yon ni Vien para sa amin.
I sat on the edge of the bed and opened it…
Hi my dearest Ate Beatrix,
Ate, masaya ako kasi buo na ang pamilya niyo at 'di na maiinggit pa si Xiexie sa mga kaklase niyang may Daddy.
Ate, noong nalaman kong buntis ako, saya ang naramdaman ko, pero nang tanggihan niya ang anak namin, napalitan 'yon ng lungkot at sakit.
Akala ko mabibigyan ko siya ng buong pamilya, pero hindi pala… kasi 'yung ama ng dinadala ko, tinanggihan ako—
hahaha, gaya ng pagtanggi ng ama ko sa akin.
Ate, sorry ha… kung wala na ako pati na rin ang magiging inaanak mo. 'Di ko na talaga kaya eh.
Masakit na iwanan kayo, lalo na si Nanay, pero durog na durog ako at nahihiya na rin ako sa inyo ni Kuya Ryzer.
Ate, mahal na mahal kita… lalo na si Xie.
—VIVIEN
Agad akong napahagulgol sa nabasa kong sulat. Pinaghandaan na pala niya. May plano na pala siyang gawin 'yon.
Kung alam ko lang na mangyayari 'yon… sana, sana hindi na lang kami nagpunta.
Sana binantayan ko na lang siya.
Sana hinawakan ko na lang ang kamay niya… lagi-lagi.
I wish I never left her side.
"Hey, what's wrong?"
'Di ko namalayang pumasok na pala si Ryzer sa kwarto.
He knelt in front of me and our eyes slowly met.
Pinahid niya, unti-unti, ang mga luha kong umaagos sa pisngi.
"Hush… I'm right here, hmm," he told me.
Agad ko siyang niyakap at itinago ang mukha ko sa leeg niya.
I sobbed there continuously, and he just let me.
Nang kumalma ako, hindi na niya ako pinag-impake. Siya na lang daw ang bahala dahil kailangan ko raw magpahinga.
Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalagay siya ng mga damit sa maleta.
"Gwapong-gwapo ka na naman sa 'kin," natatawang saad niya, kaya napairap ako.
"Che," pagsusungit ko sa kanya.
"Don’t you want anything to eat?" saad niya.
"Hmm," saad ko habang nag-iisip.
"Mangga saka suha na lang," sabi ko sa kanya.
"Alright, we’ll stop by the market later," sagot niya at ipinagpatuloy ang pag-iimpake.
Napadako ang tingin ko sa pintuan nang bumukas ito at nakita namin si Xie na hawak ang tablet niya na bigay ni Mamita.
Napaka-spoiled niya kay Mamita dahil kung anong gusto niya, ibinibigay agad.
Sandali munang tumigil si Ryzer sa paglalagay ng damit sa maleta, lumapit kay Xie, saka siya binuhat.
"What’s wrong with our baby?" saad ni Ryzer saka hinalikan ang anak namin.
"Baby? I'm not a baby anymore, Papa. Kasi 'di ba si Mama buntis na? So ibig sabihin nun, Ate na ako," saad niya sa ama niya, kaya napangiti ako.
"Baby pa rin naman kita, ah. Even when your sibling is born, you’ll always be my baby," sagot ni Ryzer, sabay kiliti kay Xie gamit ang halik-halik niya sa parte ng katawan ni Xie na may kiliti.
"Papa, stop na! Super kiliti na ako!" halakhak ni Xie habang nilalayo ang mukha ni Ryzer sa kanyang kili-kili.
She got down and ran toward our bed where I was.
Nagtago siya sa gilid ko dahil sa mukha ni Ryzer, mukhang hahabulin niya ito.
"Mama, pigil mo si Papa!" sigaw ni Xie habang nagsusumiksik sa gilid ko.
"Cheater, found an ally," saad ni Ryzer at sumampa sa kama.
Sa kabilang gilid ko naman siya at pilit inaabot si Xie na nasa kabila kong tabi.
"Ryzer!" tili ko nang ako naman ang kiniliti niya.
Napuno ng kasiyahan ang kwarto dahil sa tawanan naming tatlo, hanggang sa napagod na lang kami.
SI XIE AY nakatulog agad dahil sa pagod, habang ako ay nahihingal dahil sinama niya ako sa kilitian.
Buti na lang at maingat si Ryzer sa akin, lalo na at buntis ako.
Dahil tapos na siya sa pag-iimpake, nagpunta ito sa gilid ko saka pumaibabaw sa akin, na ikinagulat ko.
"Ryzer! Andito si Xie!" banta ko, kaya bumaba siya.
Tumawa lang siya, parang may nakakatawa sa sinabi ko.
Dahil walang kumot ang katawan ko, agad niyang itinaas ang suot kong T-shirt—'yung kanya.
Hinaplos niya ang tiyan ko at dinampian ng halik.
"This is what I’ve been waiting for, if only you knew," he said while focusing on my belly.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Inilagay ko ang kamay ko sa buhok niya saka hinaplos-haplos gamit ang mga daliri ko.
"Yung masamahan ka sa pagbubuntis mo. Yung maranasang magising sa madaling araw dahil nagpapabili ka ng cravings mo.
To massage your back when it starts hurting because your belly is getting bigger. Samahan ka sa check-ups, makita ang ultrasound ng baby natin, at bumili ng mga damit niya," paliwanag niya sa akin.
Napangiti ako sa mga sinabi niya.
Pero mas nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko, saka inilapag ang maliit na bagay sa palad ko.
Bumangon siya at umupo sa gilid ko, kaya umupo rin ako para makita ang nilagay niya.
Napaluha ako nang makita ko ang napakagandang singsing sa palad ko.
Napatingin ako sa kanya—nakatingin na pala siya sa akin.
"Will you marry me again?" saad niya, na ikinaiyak ko.
"Y-yes, I will marry you again," sagot ko.
Agad niyang kinuha ang singsing saka isinuot sa palasingsingan ko.
Pagkasuot niya nito ay siniil agad niya ako ng halik.
"Thank you, and I love you so much," saad niya pagkabitiw sa halik namin.
"I love you so much too," sagot ko sa kanya, nakangiti.
Nakaramdam ako ng antok kaya natulog muna ako.
Maaga pa naman, kaya natulog muna kami ni Xie...
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
Roman d'amourSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
