RYZER KAISER HUXLEY
Sa araw-araw, lagi akong nakasunod sa kanilang dalawa, kasama ang dalawa pa niyang kasama na isang lalaki at isang babae.
Ngayon ay nasa mall silang apat, kasama ang anak namin. Tumatawa siya, dahil sa sobrang saya sa anak naming hindi ko man lang nakita o nasilayan noong nasa isla kaming dalawa.
I sat a bit close to them. I didn’t know if she would notice or recognize me, but it didn’t seem like it—because with how I looked, I’d more likely be mistaken for a thief. Tsk.
Naka-itim na leather jacket, faded jeans, suot ang black cap at facemask. Kulang na lang ay magdala ako ng weapons at sumigaw ng, “Holdap ’to!” Habang nakatingin sa kanila, may umupo sa tabi ko.
He was even whispering while looking at the younger woman who was teasing the guy with them.
“’Pag ’to binusog ko ng siyam na buwan, tanggal angas nito,” bulong niya habang nakakuyom ang mga kamay nito.
Napangisi na lang ako habang nakatingin sa mag-ina kong masayang nag-i-slide.
“Bili muna tayo ng food habang busy sila, Ate Trix,” saad ng babaeng gustong-gusto ni Edward—si Vivien, o Vien.
“Sige,” malalim na boses na sagot ng lalaking kasama nito, kaya ang katabi ko ay napasipa pa sa upuang kaharap namin.
Paglabas nila sa glass door ay tumatawa pa sila, at may pasapak-sapak pa ang babae sa kasama nito. Agad namang tumayo si Edward at padabog na sinundan ito.
I turned my attention back to my child and her mother again, but I only saw my daughter—and she looked like she was struggling with what she was doing.
Nagdadalawang-isip pa ako kung lalapit ako, pero lumapit ako at halos manginig ang mga kamay ko habang papalapit sa anak ko.
She was busy tying her shoelaces, but she couldn’t do it properly.
“Nu’ bayan?” saad nito, at pinalo pa ang sapatos niya kaya natuwa ako.
Sa pagtawa ko, siya ring pag-angat ng tingin nito sa akin. Kita ko ang maganda niyang mukha—parang babaeng bersyon ko. She stood up even though she hadn’t fixed her shoelace yet. She raised an eyebrow at me and put her hands on her hips.
“Ba’t ka tumatawa?” malditang tanong nito.
Lumuhod ako para magpantay kami. I didn’t say anything because I was nervous. I slowly brought my hands to my daughter’s cheeks. Ang sobrang lambot nito, kagaya ng kay Beatrix.
“K-Kidnapper k-ka n-no…” nanlalaki ang mata nito habang unti-unti itong umaatras.
“Hindi ah. Nandito ako para tulungan ka sa sapatos mo. Mukha kasing ‘di mo alam gawin,” saad ko sa kanya.
I fixed her shoelaces and gently held her head. Pasimple akong bumunot ng hibla ng buhok niya, kaya napa-“Aray!” pa siya.
“Ouch,” saad nito, saka tinitigan ulit ako nang masama.
“S-Sorry,” saad ko at tumayo na, baka kasi bumalik ulit sila.
Pagkatalikod ko, tuloy-tuloy na sana ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses nito, kaya napalingon ulit ako sa kanya.
“Thank you. Sana may Daddy din ako para ‘di na ibang tao o si Mommy ang gumagawa sa’kin niyan,” saad nito habang nakayuko.
“Hintayin mo lang siya. Baka malapit mo na siyang makita,” saad ko at dali-daling umalis dahil paparating na ang dalawa nilang kasama kanina.
I promise you, my child: Daddy’s just going to gather strong evidence so I can finally take you and your mommy.
PAGKADERETSO KO sa opisina, nagulat pa ako nang makita ko si Kylie na nakaupo sa swivel chair ko.
“What are you doing here?” malamig na tanong ko.
Tumayo ito at lumapit sa akin nang may ngiti sa labi.
“Look, babe. I know how to cook na. Oh, promise, ‘di na ‘yan sunog at luto pa ‘yan,” nakangiting saad nito sa akin.
“I’m full,” saad ko at dumiretso sa upuan ko.
“Babe, what happened to us?” Napatingin ako sa kanya nang makita ko sa mata nitong nanunubig.
Naawa ako sa kanya dahil parang niloloko ko na siya. Ako naman ang may kasalanan ba’t siya nasasaktan.
“There won’t be a wedding,” diretsang saad ko na nagpaiyak sa kanya.
“W-Why? D-Dahil ba sa hindi ako magaling magluto? A-About ba sa palagi akong nanghihingi ng pera p-para sa l-luho ko? O-Ok, f-fine… m-mag-aaral pa a-ako ng m-maraming lutuin, t-tas d-di na rin a-ako h-hingi ng pera. A-And about sa mga make-up ko, m-madalang ko na gagamitin,” lumuluha nitong saad.
Tumayo ako at lumapit sa kanya para aluhin sana, pero agad itong lumuhod sa harap ko.
“D-Di na ba ako m-masarap s-sa kama? Gagawin ko lahat ng gusto mo… ‘wag mo lang ako iwan, please…” iyak nito habang patuloy na nakaluhod.
Yumuko ako at inalalayan siyang tumayo habang umiiyak pa rin. Ang make-up nito sa mukha niya ay nabura na rin dahil sa mga luha niya.
“Kylie, you’ll find another man who can love you. Love all of you—not just because of your body,” saad ko sa kanya.
“W-Wag mo akong iwan, p-please Ryzer. Nagmamakaawa ako… ‘wag mong gawin ito sa akin,” iyak ulit niya at lumuhod ulit sa harap ko.
I remembered Beatrix’s face back then—begging me not to hurt her or treat her cruelly.
“I’m really sorry, Kylie. Walang magaganap na kasal, ok?” saad ko, at sakto namang pumasok ang dalawang guard na pinatawag ko.
She was struggling as she cried and begged me not to leave her. I hurt her, and it was all because of my own foolishness.
I QUICKLY DIALED Patrick’s number and told him to come over.
Isang oras ang nakalipas nang pumasok si Patrick na seryoso ang mukha.
“Here,” iniabot ko ang isang zip bag na may lamang kaunting hibla ng buhok ni Xie.
“Okay. I’ll just call you once it’s ready,” saad niya sa akin.
“Pwede mo bang pabilisin ang proseso ng DNA?” saad ko sa kanya.
“This usually takes a few weeks, bro,” malamig na tugon nito sa akin.
Di na nagbago ang gagng ‘to simula nang namatay ang asawa nito.
Konting tiis na lang… makakasama mo na sila.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomanceSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
