CHAPTER 16

1K 13 5
                                        

KYLIE

I was there from the very beginning. I was with him since we were kids until he got married. But why did he do this to me?

Nangako siyang ako lang ang mamahalin niya, pero noong nakilala niya si Beatrix, nagbago ang lahat. I thought that was the end of it, especially since they even got married. But I had hope again when he came back to the house.

He started coming to the house more often. Sometimes he would stay at my condo, and other times we’d even travel to different countries. We were playing with fire.

Pero isang araw, at inabot na ng isang linggo, hindi siya nagparamdam. Akala ko iniwan na niya ako. Dumating si Ms. Flarendia Asuncion-Huxley sa condo kung saan ako nakatira.

"Are you happy now?" she asked me, and you could clearly see her dislike for me.

"I feel a bit of regret and anger toward you," she said. "Because if it weren’t for you, Kaiser wouldn’t have chosen to cheat. Instead of helping him choose his wife, you seduced my grandson who already has a WIFE." Pinagdiinan pa niya ang salitang asawa.

"I’ve loved your grandson ever since we met in Spain. And besides, I was the first one he met," sagot ko habang pinipigil ang luha sa mga mata ko.

"My grandson loved his wife, but because you were an instigator, he ended up choosing to have an affair," kalmado niyang sagot, pero rinig na rinig ko ang galit niya.

Umalis siya habang ako’y nanatiling nakatayo sa pinto. Nag-impake ako ng gamit at binalak na pumunta sa Spain.

SA NAKALIPAS na isang taon, muli kaming nagtagpo ni Ryzer. Pero ngayon, malaya na kami.

Nang naging kami, masaya kami. But sometimes, he would get mad because the food I cooked was either burnt or undercooked.

Nag-propose siya sa akin, at tinanggap ko ito. Balak namin na sa Pilipinas na ikasal, pero mukhang mali yata na doon ko pa napili.

Since we returned to the Philippines, he became distant. While I was busy preparing for our wedding, he suddenly disappeared for a month.

At nang bumalik siya, mas lalo siyang naging malamig sa akin. Until one day, he simply canceled our wedding and broke up with me just like that.

Umuwi ako sa bahay na luhaan at galit. Nagmakaawa ako sa kanya, pero hindi niya ako pinakinggan. Bumalik na ba ang babaeng 'yon sa buhay niya?

NASA LOOB AKO ng kotse habang pinagmamasdan ang isang batang babaeng nakaupo sa labas ng eskwelahan.

Lumabas ako at lumapit sa kanya habang hawak ang limang pirasong malalaking chocolate bars at isang pink na teddy bear.

“Hi,” nakangiting sabi ko.

Kamukhang-kamukha niya sina Ryzer at Beatrix.

“Ako ba ang kausap mo?” tanong niya habang nakataas ang kilay.

“Gusto mo ba ito?” alok ko habang iniabot ang dala ko.

“Wala bang lason 'yan?” tanong niya, kaya umiling ako.

“Wala,” sagot ko sa kanya.

She took them and put four chocolates in her bag, while she immediately ate the last one.

Lumuhod ako at hinawakan ang matambok niyang pisngi.

“Ako pala ang Tita Kylie mo,” pakilala ko habang pinipigilan ang pag-iyak.

“Trixxie Ryley Mavis po, pero sabi ni Daddy, Huxley na lang po ang gamitin kong last name,” sagot niya, at tuluyan nang tumulo ang luha ko.

Nagsasama na pala silang tatlo.

“Baby, andito ako, pero hindi kita sasaktan, okay? Gusto ko lang sana—kung puwede—sabihin mo ito sa Daddy mo,” sabi ko at huminga ng malalim.

“Hala, ba’t ka umiiyak?” gulat na tanong ni Trixxie.

“Sabihin mo sa Daddy mo na mahal na mahal ko siya… at sorry kung hindi ako marunong magluto,” ngumiti ako ng pilit habang pinupunasan ang luhang dumadaloy mula sa mata ko. “Pakisabi rin sa kanya na tanggap ko na… pero hindi ko kayang magpakita sa kanya,” sabi ko at niyakap siya.

Nang marinig kong may tumawag sa kanya, hindi na ako nag-abala pang lumingon. She ran off after thanking me.

I’m not a bad person. I’m not even a desperate woman who would keep chasing someone who no longer chooses me.

Masakit, pero siguro… makaka-move on din ako. Kailangan ko lang ilayo ang sarili ko sa kanila.

Tumayo ako at lumingon sa sasakyang paalis na. Dumiretso na rin ako sa sasakyan ko, pinaandar ito, at tinungo ang airport.

Even if I’m a spoiled brat who usually gets what I want easily, I could never destroy a family just for love.

RYZER KAISER HUXLEY

“Daddy, alam mo ba may lumapit sa akin na babae, tapos binigyan ako ng teddy bear at limang malalaking chocolate?” daldal niya sa amin ni Beatrix.

"Sweetheart, if someone you don’t know gives you something or talks to you, never ever entertain them,” Beatrix warned.

“Nagpakilala naman po siya, saka tinanong ko rin kung may lason 'yung chocolate, pero sabi niya wala naman, kaya kinuha ko,” saad niya na nagpangisi sa akin.

“Ahh, Daddy, sabi pala nung girl na pangalan niya ay Prayli... ah, hindi—Trilie... ay, hindi rin... Ah! Alam ko na! Si Tita Kylie!” saad niya na nagpahinto sa akin.

I quickly pulled the car over and stopped it.

"Did she do anything to you?" I asked, worried.

Kita ko rin sa mga mata ni Beatrix ang pangamba.

“Daddy, ang pinapasabi niya lang naman ay mahal na mahal ka daw niya, at sorry din daw kasi hindi siya marunong magluto. Saka sabi pa niya, napatawad ka na raw niya, kaso hindi niya kayang magpakita sa'yo,” derederetsong sabi niya.

“Huu! Buti na lang na-memorize ko,” saad niya na nagpatawa sa amin.

Inistart ko na ulit ang sasakyan saka tumungo sa gusto ng anak ko.

I thought my family would fall apart because of what I did to Kylie, but thank God she forgave me for what I had done to her.

I just hope Kylie finds the one who truly deserves her, because she’s kind and beautiful—though of course, Beatrix is more beautiful... to me.

MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon