CHAPTER 39

744 5 4
                                        

RYZER KAISER HUXLEY

Pasado alas-diyes na ng gabi nang magpaalam kaming aakyat na, baka kasi mapuyat pa siya. I carried our sleeping daughter in my arms, while my wife, already drowsy, clung to my side. I wrapped one arm around her waist.

Umakyat kami sa taas kung saan andoon ang tutulugan namin.

Buti at napapayag ko ang mga Montavelino na dito ganapin ang kasal, lalo na at gustong-gusto ni Beatrix na makita ang sunset kasabay ng dagat.

Dahan-dahan kong inihiga ang anak namin sa gitna ng kama at tinanggal ang sapatos niya, pati mga nakaipit sa mukha niya.

“Lovey, ako na diyan,” saad ni Beatrix na nasa kabilang side ng kama.

“No, Lovey. You need to rest. 10:20 PM na,” sabi ko habang itinuro ang orasan na nakasabit sa dingding.

Nang matapos kong ayusan si Xie, nagtungo ako sa kabilang side ng kama kung saan nakaupo pa rin si Beatrix. Yumuko ako at hinalikan siya sa labi, agad naman siyang tumugon. Pero agad din akong bumitaw—kapag tumagal pa ’yon, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

“I love you,” paos kong saad habang hinahaplos ang pisngi niya.

“Baka magsawa ka niyan, sabihin mo sa ’kin pag inulit-ulit mo,” natatawang sagot niya.

"I will never get tired of saying and showing you and our children how much I love you," sagot ko bago ko siya hinalikan sa noo.

Yumuko ako at inilapit ang mukha ko sa umbok ng tiyan niya. Hinaplos ko ito at hinalikan kahit may damit pa.

“We love you, baby,” sabi ko sa anak naming nasa loob pa ng tiyan niya.

Yumuko ako ulit at tinanggal ang suot niyang mababang heels. She tried to stop me, but I insisted.

Humiga na siya at natulog habang yakap si Xie. Tinanggal ko ang suot kong tuxedo at inilapag sa upuan. I gazed at my wife's face and gently stroked her cheek.

"I was such an idiot to hurt you before," mahinang saad ko habang hinahaplos siya.

We're flying to Germany the next day. Doon na kami maninirahan at bubuo ng masasayang alaala kasama ang mga anak namin…

·····FLASHBACK·····

KITANG-KITA KO kung paano siya nasaktan sa pagkawala ng kaibigan niya. Bakasyon sana ito, pero nangyari ang insidenteng ’yon.

Kung hindi ko pa siya niyakap at pilit na hinila ang kamay niya, baka hindi niya pa rin bibitawan si Vien na dadalhin na sa morgue.

Nang nalaman naming suicíde ang dahilan, hindi niya kailanman iniwan si Vien hanggang sa huli.

PAGKATAPOS NG BUROL, umuwi kami. Habang inaayos namin ang gamit sa kwarto, pumasok si Xie na umiiyak at namumula ang pisngi.

“Papa, si mama, pinaggigilan ang pisngi ko,” iyak na sumbong ni Xie. Inalo ko muna siya hanggang sa kumalma.

Nagtaka ako nang magpabili si Beatrix ng milk tea na may kakaibang flavors. Dumaan ako sa tindahan ng itlog at puto, saka sa milk tea shop. Nagtaka pa ang crew pero ginawa pa rin nila. Pagkatapos, dumaan ako sa pharmacy at bumili ng sampung PT kit.

THE NEXT MORNING, as I was about to reach for my phone, my hand touched a small rectangular object.

My eyes widened—it was a PT kit with two red lines. Halos magsigaw ako at tumakbo papuntang kusina nang maamoy ko ang pagkain. Alam kong nandoon siya.

Doon ko na rin siya niluhuran para mag-propose. Tinanggap niya agad. Sinabi ko ring lilipat na kami ng bahay—kitang-kita ko ang gulat sa mata niya.

Dumaan muna kami sa ospital nila Patrick. Sabi niya, kay Frinzein na lang kami magpacheck-up. OB-Gyne din siya at kaibigan ko pa. I was hesitant at first, but I gave in when Beatrix said she was fine with it.

After that, we went straight to the new house. I was even thrilled that we "blessed" our room right away.

SUMUNOD NA mga araw ay maayos ang lahat… hanggang sa dumalaw si Zein sa opisina ko.

“Hi Ry,” bati niya habang akmang yayakap. Umiwas ako.

“Faithful huh?” natatawang saad niya.

Inilabas niya ang dalawang milk tea. Binigyan ako ng isa.

“Peace offering?” tanong ko.

Tinanggap ko at ininom. Bigla akong nahilo. Napuno ng úngól ang opisina ko.

Nagbalik ang ulirat ko nang may bumagsak na bagay. Si Beatrix. Nakatayo. Umiiyak. Nasa pintuan.

Nagtangka pa akong magpaliwanag pero nagsalita siya. Galit. Puno ng hinanakit. Saka niya isinugod si Zein.

I got even angrier when I found out Zein had given her something to induce miscarriage.

Kinabahan ako nang dumugo si Beatrix. And my world shattered when the doctor told us our baby was gone.

Agad kong tinawagan ang pulis. Pinahuli ko si Zein.

PAG-UWI NAMIN, iniwan ako ni Beatrix. Binato pa ang singsing sa akin. Niyakap ko siya pero itinulak niya ako.

Nagdalawang-isip pa siya kung tutulungan ako sa pagkakatumba ko… pero mas nanaig ang galit niya.

Umalis siya.

Umuwi ako sa bahay, umaasa na uuwi siya—dahil kay Xie. Pero ang dumating lang ay ang yaya at driver ni Xie.

Pumasok ako sa kwarto. Nagwala ako. Pinagsusuntok ang pader. Duguan ang kamay ko.

Nagpunta ako sa bahay ni Nay Selda. Nakita ko si Beatrix sa bintana. Umiiyak habang nakatingin sa langit.

Hindi ko siya nilapitan. Umalis ako at nagpunta sa bar.

LASING NA AKO nang nagpahatid ako sa bahay kung saan siya tumuloy. Kumatok ako nang paulit-ulit.

Binuksan niya ang pinto. Agad ko siyang niyakap. Mahigpit.

Doon na nagsimula ang pagbabalik namin sa isa’t isa.

Nagsama kami. Lumaban kami. At si Zein, nawala na sa buhay namin—pati sa bansa.

Pero ang pinakamalaking biyaya?

It was finding out that one of the babies in Beatrix’s womb had survived.

MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon