BEATRIX MAVIS
Time flew by so quickly, and now it's already the fourth night of Vien's wake — the last night too.
Nakapag-usap na kami ni Inang, at sobrang naguguilty ako, lalo na kapag umiiyak siya.
"Let's go home?" tanong ni Ryzer.
"Ayoko, dito muna ako," saad ko habang nakatanaw sa kabaong ni Vien.
"Okay, I'll take Xie to Mamita's house first," sabi niya sa akin, at tumango lang ako.
Aalis lang si Ryzer kapag naihatid na niya si Xie sa bahay ni Mamita, at agad siyang babalik dito para damayan ako.
Not even once did Edward visit here. Nalaman na lang namin na nasa California na siya. Kahapon ay dumalaw si Deanna at nag-abot ng pakikiramay, at kaninang umaga ay ang flight niya papuntang California, kasunod ni Edward.
Masyadong mabait ang mag-ina para magtanim ng sama ng loob sa amin. Not once did we hear any harsh words from Inang or resentment toward them.
Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan ni Inang na nakatingin lamang sa anak niya at sa apo niyang mahimbing na natutulog sa kabaong.
Unti-unti kong inilagay ang kamay ko sa balikat ni Inang, na agad namang lumingon sa akin.
"Anak, upo ka nga," saad niya sa boses na halatang kakaiyak lang.
Hinawakan ko ang kamay niya, at unti-unti na namang nagsisilaglagan ang luha ko.
"Inang... sorry," mahina kong hingi ng tawad.
"Ano ka ba, anak? Tanggap ko na, kahit na masakit. At saka, wala kang kasalanan," saad niya sa akin.
"At saka may ibibigay pala ako sa'yo," dagdag pa niya, at may kinuha siya mula sa bulsa — isang papel.
Iniabot niya ito at tumingin ako sa kanya.
"Nakita ko 'yan sa drawer ni Vien noong umalis kayo. Apat na sulat 'yan… para sa akin, kay Paui, sa’yo, at kay Edward," saad niya.
Hindi ako makapagsalita. Kahit anong buka ng bibig ko, walang lumalabas na salita.
"Okay lang, 'nak. Huwag mong piliting magsalita," sabi ni Inang sa akin kaya napayuko na lang ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko.
"Noong pinagbuntis ko si Vien, sobrang hirap kasi iniwan ako ng ama niya, at itinakwil ako ng mga magulang ko. Nasubukan ko ring mamalimos para lang may makain kami, hanggang sa napadpad ako sa Maynila na sobrang gulo. Ilang araw akong nagpagala-gala sa lansangan kahit buntis ako, hanggang may mga taong may mabubuting puso ang tumulong sa akin. Tinulungan nila ako sa pagbubuntis hanggang sa naipanganak ko si Vivien," kwento ni Inang habang nakatingin sa nakahigang Vien.
"Hanggang sa nawala si Madam na nag-alaga sa akin, kaya umalis kami sa bahay niya nang palayasin kami ng mga kamag-anak niya. Napadpad kami sa lugar na 'to at tinulungan kami ng mga tao dito. Nakatayo kami ng munting kubo," saad ni Inang sa garalgal na boses.
Alam kong umiiyak na rin siya.
"N-ni minsan po ba… naghahanap po siya ng ama?" nakayukom kong tanong.
"Oo, at sinabi ko sa kanya ang totoo noon. Kaya nga sabi pa niya sa akin na kapag nagkaanak siya, sisiguruhin niyang hahanapin niya ang taong magmamahal sa kanya," sagot niya.
NANATILI AKO sa tabi ni Inang hanggang sa huling araw ni Vien. I even asked her to come with us, but she said she’d only feel lonelier if she stayed in a different house.
"Talaga bang ayaw niyo na pong sumama sa amin?" tanong ko habang nasa labas na kami ng bahay.
"Anak, masaya na ako dito," saad niya habang hinahatid kami sa may kotse.
Pagkatapat namin sa kotse, binuhat niya si Xie at inilabas ang isang garapon na may lamang mga hair clips na ginagamit noon ni Vien sa pag-aayos ng buhok ni Xie.
"Wow! It’s super duper pretty ng mga ito, Loya!" saad ni Xie na ikinatawa namin.
"Lola, not Loya," pagtuturo ni Ryzer.
Naglambingan pa silang mag-lola hanggang sa umuwi na kami. Pagkarating sa kwarto, agad akong nagtatakbo papuntang banyo at nagsimulang magduduwal.
"Are you okay?" Ryzer asked worriedly at the doorway.
"Hindi ko alam. At saka... maligo ka nga, ang baho mo," reklamo ko at tinakpan ang ilong habang dumaan ako sa tabi niya.
"W-what? I just took a bath!" Kita ko pa ang pag-amoy niya sa sarili.
"Ang bantot mo!" reklamo ko ulit at lumayo sa kanya nang lumapit na naman siya sa akin.
Pumunta ako sa kwarto ni Xie at nakita ko siyang tinititigan ang mga hair clips na nasa garapon.
Ang taba talaga ng pisngi ng anak ko, ang sarap pisilin.
"Hi baby, anong ginagawa mo?" tanong ko at umupo sa tabi niya.
"Tinitingnan po ‘yung bigay ni Minang," saad niya.
"Baby, okay lang ba kung hawakan ko ang pisngi mo?" tanong ko sa kanya, at kinunot niya ang noo.
"But why, Mama?" takang tanong niya.
Para akong maiiyak dahil feeling ko hindi ako pagbibigyan ng anak ko. Pero agad akong ngumiti nang tumango siya.
"A-ah… Mama, ouch!" saad ni Xie kaya agad kong tinanggal ang kamay ko.
Bigla siyang tumakbo palabas ng kwarto. Nang sundan ko siya, umiiyak siyang nagsumbong sa kanyang ama.
"Si Mama ginawang lechon ang pisngi ko, Papa, dahil sa pagpisil niya!" sumbong niya na kinatawa ko.
"Hush, baby. Maybe that’s a sign you’ll have a baby sister or baby brother soon," saad ni Ryzer na ikinataka ko.
"Hmm? Kailangan bang mahurt muna ako para malaman na may baby na si Mama?" tanong nito sa ama niya.
Umalis ako at nagpunta sa kwarto, saka humiga at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, saka ang paggalaw ng higaan.
"You couldn’t resist squishing Xie’s face, huh?" saad niya, pero nanatili akong tahimik at pilit pinipigilan ang paghikbi.
"I know you’re awake," dagdag niya, habang pilit na tinatanggal ang talukbong kong kumot, pero hindi ako nagpadaig.
"Buntis ka ba?" mahinahong tanong niya — at doon ako napatigil.
"Fine. May gusto ka bang kainin?" tanong niya, na kinangiti ko.
Tinanggal ko ang kumot saka umupo at humarap sa kanya.
"Bilhan mo ko ng milktea," saad ko.
"‘Yun lang ba? Anong flavor?" tanong niya, kaya napaisip ako.
"Hmm… puto and itlog flavor," sagot ko, na ikinanganga niya.
"What the… confirm," saad niya na ikinalito ko.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomanceSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
