CHAPTER 30

703 8 0
                                        

BEATRIX MAVIS

Kakatapos ko lang magtanghalian nang mapansin kong wala na akong maiinom na vitamins, so I decided to go to the pharmacy, bringing a small bag that had money, my cellphone, and a pill container inside. Tumawag din ako kay Ryzer at pumayag naman siya basta isama ko ang isang driver.

"Kuya, daan tayo mamaya sa Jollibee," saad ko sa driver.

"Sige po, Ma'am," sang-ayon naman niya.

Medyo mahaba ang biyahe namin dahil nasa dulo pa ang bahay, at papalabas pa lang kami ng subdivision.

Pagkarating sa pharmacy, nag-text pa ako kay Ryzer na nakarating na kami. I got out and went to the front of the pharmacy, then handed over the vitamins I had been taking. Nagtaka pa ang tindera kung bakit daw ang dami kong biniling ganon.

"Ma'am, sorry po, pero bakit andami n’yo pong binibiling ganitong gamot?" tanong ng tindera na kinunot ng noo ko.

"Bakit po? May problema po ba?" takang tanong ko.

"Ma'am, ‘di n’yo po ba alam na pampalaglag ito ng bata?"

Nabitawan ko agad ang plastic bag na hawak ko.

Agad akong nagtungo sa kotse at sinabing pumunta kami sa opisina ni Ryzer. Dala-dala ko ang supot na naglalaman ng mga gamot—na pampalaglag pala.

How could I be so stupid? I didn’t even realize what was happening. I’ve been taking it for almost a month already.

Napabalik ako sa reyalidad nang huminto ang sasakyan. Hindi ko namalayan, nasa kompanya na pala kami ni Ryzer.

Bumaba ako at nakita ko pa ang driver namin na may pag-aalala sa mukha. Nagpunta ako sa loob, at agad naman akong winelcome. They even assisted me into the elevator—which only Ryzer and Mamita are usually allowed to use.

Pagkarating ko sa pinto, hindi ito nakasara nang maayos—may siwang ng kaunti. Soundproof ito kapag nakasara, pero pag may kahit kaunting siwang, maririnig lahat.

Papasok na sana ako nang may marinig ako na ikinagalit ng buong katawan ko.

"Ooh, Ryzer..." ungol ng pamilyar na boses.

"Hmm... fvck, ang sarap-sarap mo talaga, Zein," ungol ni... ni Ryzer.

Agad kong binuksan ang pinto at napabagsak ako nang makita si Ryzer na nasa pagitan ng mga hita ni Frinzein—at sarap na sarap.

Napatayo siya at lumayo agad kay Frinzein, na hubo’t hubad pa, habang si Ryzer ay bukas ang tatlong butones ng damit niya sa dibdib.

"L-love, let me explain—" Hindi ko na siya pinatapos. Sinampal ko siya nang malakas.

"Hayop ka!" nangangalaiti kong sabi.

"Nagtiwala ako sa'yo, sa matatamis mong salita... pero ano 'to?!" bawat salita kong saad.

"Love, please..." saad niya habang pilit akong inaabot.

Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang si Frinzein naman ay nakadamit na at nakangisi pa sa akin. My blood boiled and I charged toward her.

"ISA KA PANG HAYOP KA!" sigaw ko at sinugod siya.

Agad ko siyang pinagsasampal at sinabunutan. Nilayo ako ni Ryzer habang si Frinzein ay parang kaawa-awa ang itsura—umiiyak pa.

Kinuha ko sa bag ko ang mga gamot na bigay niya, saka binato sa kanya.

"BAKIT? BAKIT PATI ANAK KO NA WALANG MUWANG, PAPATAYIN MO?!" sigaw ko. Susugurin ko na sana ulit siya nang yakapin ako ni Ryzer.

"Bitawan mo ako!" galit kong saad kay Ryzer habang pilit na tinatanggal ang kamay niyang nasa tiyan ko.

Tumayo si Frinzein at inayos ang buhok niyang nagulo dahil sa pagsabunot ko.

"Nararapat lang ‘yan sa’yo—na mawalan ka ng anak. At isa pa, dahil sa pagbabalik mo, hindi ko na makukuha si Ryzer... ayos na eh! Hindi na natuloy ang kasal nina Kylie, kaso umeksena ka pa!" galit niyang saad habang dinuduro ako.

"Zein, stop it!" galit na saad ni Ryzer.

Frinzein walked out while Ryzer was still holding me tightly. I turned to face him and slapped him again, but he just held me tighter. Pinagpapalo ko ang dibdib niya gamit ang palad ko.

"You disgust me... I don’t want you anymore!" hagulgol ko habang yakap niya ako.

Agad akong naalarma nang may maramdaman akong tubig na dumadaloy sa paa ko. At nang tignan ko ito—halos manlumo ako nang makita ang dugo.

Nang makita ni Ryzer iyon, agad niya akong binuhat na parang bagong kasal at dali-daling lumabas.

"Pag may nangyaring masama sa anak ko... hinding-hindi kita mapapatawad," saad ko bago ako mawalan ng malay.

NAGISING AKO at puting kisame ang bumungad sa akin. Nang igalaw ko ang kamay ko, nakita kong may dextrose ito. I saw Mamita looking at me with deep concern, gently stroking my hair.

"Beatrix, hija... sorry, nasaktan ka na naman ng apo ko," lumuluhang saad ni Mamita.

"K-kamusta ang anak ko, Mamita?" tanong ko sa kanya.

"M-mahina ang kapit ng bata... at mas lalong nagpahina ay ang mga niresetang gamot sa'yo, anak."

Sa sagot niyang ‘yon, alam ko na ang kasunod... pero nanatili akong tahimik. Umaagos lang ang mga luha ko.

"Ligtas naman p-po siya, ‘di ba?" tanong ko habang pilit na nilalakasan ang loob ko.

"Hija... sorry. Pero wala na."

Umiiyak ding saad ni Mamita habang yakap na niya ako.

"No... my baby is alive!" nagwawala kong saad.

Agad na nanumbalik ang sakit sa puso ko nang pumasok ang lalaking ayokong makita ngayon.

"Love—"

"NANG DAHIL SA'YO NAWALA ANG ANAK KO! HAYOP KA! AYAW KITANG MAKITA! UMALIS KA NA!" sigaw ko habang umiiyak. Si Mamita naman ay nakaalalay sa akin, pinipigilan ako.

Nakita ko ang singsing na suot ko. I forced a laugh, my hands trembling.

Tinanggal ko ito at binato sa kanya.

"WALANG KASAL NA MANGYAYARI—DAHIL TAPOS NA TAYO!" sigaw ko.

Agad kong tinanggal ang dextrose sa kamay ko—dumugo pa ito. Even though I was weak, I forced myself to walk to my bag and grabbed it.

Naramdaman ko ang yakap niya mula sa likod at ang pag-hikbi niya.

"Love, please... let me explain, please," bulong niya, pero pilit ko siyang tinataboy.

Nang maitulak ko siya, nawalan pa siya ng balanse kaya napaupo sa sahig. Nawala ang awa ko sa kanya. Paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang imahe... ang pagtataksil.

Naglakad akong palabas at tinawagan si Roxanne. Sinabi kong dalhin sa bahay nina Paui ang anak kong si Xie. Hindi naman siya nagtanong—nag-‘okay’ na lang.

I stepped out gasping for breath, feeling weak. Lahat ng madaanan ko, nakatingin sa akin.

Habang papalabas, may narinig akong nagsisigaw. Nang lingunin ko, si Frinzein—nagpupumiglas habang hawak ng mga pulis.

"BITAWAN NIYO AKO! ANO BA?!" sigaw niya sa pulis na may hawak sa kanya.

"‘Yan pa ang may lakas na lumaban eh, siya na nga ‘tong may kasalanan."

"Oo nga eh. Buti na lang at agad siyang nahuli."

"Nakakaawa ‘yung babaeng binigyan niya ng pampalaglag."

"Kahit anong rason, sana hindi niya dinamay ang batang nasa loob pa lang ng tiyan..."

Marami pa akong naririnig na bulungan pero hindi ko na inintindi. Nagmadali akong maghanap ng masasakyan para makapunta kina Paui.

MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon