BEATRIX MAVIS
Gulat ang bumalatay sa mukha ko nang makita ko ang ngisi ni Ryzer habang hawak ang brown envelope.
"R-Ryzer..." nauutal kong sabi.
"This is the evidence that Trixxie Ryley Mavis Huxley is really my child," saad niya at pilit inaabot ang envelope sa akin.
Kinuha ko ang envelope kahit nanginginig ang kamay ko. Pagkalabas ko ng papel mula sa envelope, naiyak na lang ako.
99.98%
"Now, tell me the reason why you never told me the truth back when we were on the island," kalma niyang sabi.
Dumako ang tingin ko kay Xie na masayang naglalaro ng mga laruan niya, kaya mas lalo akong naluha. Tinitigan ko si Ryzer na lumuluha at lumapit.
"R-Ryzer, p-please... w-wag mong k-kunin ang a-anak k-ko... please..." pagmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak.
"In one condition, baby."
Tumango-tango ako kahit alam kong malaki ang hihingin niyang pabor sa akin.
"We’ll live here with our child, together," pabulong na sabi nito sa tenga ko.
PUMAYAG AKO alang-alang sa anak ko. Hindi na kami pumasok sa trabaho dahil nag-bonding na silang dalawa. Agad ding napalapit ang anak ko sa ama niya.
“Daddy, ang cute oh?” saad ng anak ko at ipinakita si Doraemon.
"You’re even cuter than that," saad naman ni Ryzer saka pinisil ang ilong nito.
“Mommy, si Daddy pisil-pisil na naman ilong ko!” nakabusangot na sumbong nito sa akin.
“Cute mo kasi,” saad ko sa kanya.
"Daddy, is Mommy cute too?" tanong niya kay Ryzer kaya napatingin siya sa akin.
"Of course. And she’s even beautiful," saad niya habang nakatingin sa akin.
Sandaling naging tahimik ang pagitan namin habang ang anak namin ay patuloy lang sa paglalaro.
“Ahm, magluluto pala ako ng merienda,” saad ko at dali-daling tumayo.
Nagtungo ako sa kusina saka tumingin ng pwedeng iluto. Nang may makita akong potato fries doon, 'yun na lang ang kinuha ko dahil paborito ito ng anak ko.
HABANG NAGHAHANDA ng pagkain, napaigtad ako nang may yumakap sa akin at umaamoy na naman sa batok ko.
"I’m never letting you go again," bulong nito sa akin.
"R-Ryzer, nagluluto ako," suway ko, pero tumawa lang ang gâgô.
"Our child is so cute," saad niya habang nakayakap sa akin.
Pinaharap niya ako habang ang mga kamay nito ay nasa bewang ko at dahan-dahang hinahaplos ito. Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya para may konting distansya kami — na kinatawan pa niya.
"I already canceled my wedding with Kylie," saad niya sa akin.
“B-bakit?” kinakabahang tanong ko.
"Because I already have a wife," nakangiting sagot niya.
"And that’s you," saad niya at walang sabing hinalikan ako.
Patuloy lang siya sa paghalik sa labi ko, at ang dalawang kamay ko ay nilagay pa niya sa batok niya. Napatigil lang siya nang may sumigaw na maliit na boses sa amin.
“AYY PôRN!” sigaw ng anak ko, kaya natulak ko si Ryzer.
Nakita ko ang anak kong tinatakpan ang mukha gamit ang maliliit niyang kamay — pero magkahiwalay naman ang mga daliri.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomansaSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
