BEATRIX MAVIS
When he laid me down on the bed, he climbed on top of me. But I immediately pushed him away as the memories came rushing back — what I saw in his office, and the loss of my baby.
Hindi na niya ako hinahalikan, dahil ang mga palad ko ay nasa dibdib niya, nagsisilbing harang. Pero nanatili pa rin siya sa ibabaw ko, at nakatitig lang ang kanyang mga mata—namumungay at puno ng emosyon.
“Ryzer, umalis ka na,” mahinang sabi ko habang nilalabanan ang mga titig niya.
“Ayoko,” matigas niyang sagot. At sa wakas, umalis na rin siya sa ibabaw ko.
He lay beside me and immediately pulled me into a tight embrace. Pinatong pa niya ang hita niya sa akin na para bang ayaw na talaga niya akong pakawalan.
“Love… please, let’s talk,” bulong niya sa tenga ko, at paunti-unti ay hinahalikan ito.
“Ano pa? At para saan pa? Malinaw ang nakita ko sa opisina mo—nasa pagitan ng hita niya ang mukha mo,” sabi ko habang pinipigilan ang luha pero nararamdaman kong muli na naman itong babagsak.
“Pumunta siya sa opisina ko dala ang pagkain at inumin, para raw bumawi sa pambabastos niya sa atin sa hospital... Hindi ko tinanggap sa una dahil alam kong magagalit ka. But she insisted. I eventually took the juice just to get it over with. After drinking it, I started feeling hot... I tried to resist, but when she touched my arm, I gave in.”
Tumigil siya saglit, saka nagpatuloy.
“I found out after I brought you to the hospital that she had laced the juice with drugs. At nang malaman ko kung anong nangyari sa’yo… agad akong tumawag ng pulis para ipadampot siya,” paliwanag niya habang yakap-yakap pa rin ako.
Humarap ako sa kanya, at kitang-kita ko ang mata niyang nanunubig.
“Ryzer, ang sakit… ang sakit-sakit. Dahil sa kanya, nawala ang baby ko,” pigil ko mang iyak, hindi ko na kayang pigilan ang pag-agos ng luha.
“Hush, love... we’ll fight this, okay? I won’t let this end just like that. Zein will go to prison, even if she used to be my friend. Because of her, we lost our child. I lost both of you. So we’ll make her pay, alright?” pangakong pabulong niya habang pinupunasan ang luha ko.
Hinalikan niya ang labi ko, sabay sabing mga matatamis na salita.
Lalaban ako. Lalaban kaming dalawa.
Kinuha niya ang isa kong palad at hinalik-halikan ito, saka hinimas ang mga daliri ko.
“You’ll still marry me, right?” he asked anxiously as he pulled out the ring he once gave me.
Tumango ako nang dahan-dahan, at ngumiti siya. He immediately slid the ring back onto my finger and kissed it.
Tangina, ang rupok ko.
Hahalikan na sana niya ulit ako sa labi, nang may marinig kaming ingay mula sa labas kaya napatigil siya at ngumiti.
“Lola, anlaking chocolate nung bigay ni Naynay Celly!” rinig naming boses ni Xie—halatang tuwang-tuwa.
“Wag masyado, baka masira ngipin mo,” sagot naman ni Inang.
Bumangon ako, at pipigilan pa sana ako ni Ryzer.
“Babalik ako,” saad ko sa kanya habang nakangiti. He just nodded, so I fixed myself up before heading out.
Naabutan ko si Xie na kumakain ng Milka chocolate habang nanonood ng TV.
“Mama, may chocolate ako!” nakangiti niyang saad sabay pakita ng kalahating chocolate bar.
“Patikim nga,” nakangiti kong sagot. Agad naman niyang itinapat sa bibig ko.
“Sarap… akin na lang,” biro ko. Agad niyang inalis sa bibig ko ang chocolate kaya natawa ako.
“Mama naman eh!” reklamo niya, sabay labas ng labi.
Tinanong ko kung nasaan si Inang. Sabi niya ay bumalik na raw sa kabilang bahay pagkatapos niya ihatid, dahil tutulong pa raw magluto.
“May surprise si Mama sa’yo,” nakangiting saad ko.
“Mama, ngumingiti ka na!” masayang sabi ni Xie, at nakita ko pa ang tsokolate sa ngipin niya.
“Halika sa kwarto,” sabi ko matapos niyang maitapon ang balat ng chocolate.
Pagdating namin sa kwarto, nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ama niyang nakangiting nakatingin sa kanya.
“PAPA!!!” hiyaw niya sabay takbo palapit dito.
Nagyakapan silang dalawa. Umupo ako sa kutson habang nakangiting nakatingin sa kanila.
Napagod ang dalawa sa kakulitan nila, kaya lumabas muna ako. Just in time, Paui arrived carrying food.
“Oh, kain ka na. Baka napagod kayo,” makahulugang saad niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Kala mo hindi ko nakita ‘yung tukaan n’yo kanina sa pintuan,” pang-aasar niya, kaya namula ako.
“Tumigil ka nga diyan,” saad ko habang tinutulungan siyang maglipat ng pinggan.
“Ano, anong sabi niya?” tanong niya. Alam ko na ang tinutukoy niya.
Ikinuwento ko lahat sa kanya, at nabali pa ang kutsara sa gigil niya.
Niyakap niya ako ng mahigpit at sinabing kakampi niya ako, at nandito siya palagi para sa akin.
“May palaro si Tita mamaya. Kukunin ko si bagets pati si Nay Selda, makikitulong daw muna ro’n. Kayo, kung wala kayong gagawin mamaya, punta kayo,” makahulugang saad niya bago umalis.
Pagkaalis niya, nagtungo ulit ako sa kusina para takpan ang mga ulam na dala nila Paui. After that, I went back to the room.
Naabutan ko si Ryzer na nakatitig kay Xie habang hinahaplos ang buhok nito. Nang mapansin niya ako, ngumiti siya. Naglakad ako palapit sa kanya. Hindi niya maigalaw ang isang braso niya dahil nakaunan si Xie doon.
“Who were you talking to earlier?” tanong niya habang hawak ang kamay ko.
“Si Paui. Naghatid ng ulam,” sagot ko.
Tumayo ako at pumunta sa kabilang gilid ng kama. I lay down there. Xie was now asleep between us.
“I love you... and I'm sorry, love,” saad niya habang inaabot ang pisngi ko at hinahaplos.
“Pareho lang tayong naging biktima, Ryzer,” sagot ko sa kanya, may ngiti sa labi.
Nakatulog ako, at hindi ko namalayang umalis na pala si Xie. I woke up to find Ryzer and I wrapped in each other's arms.
Nakapulupot ang binti niya sa akin, at sobrang higpit ng yakap niya—pero hindi masakit. Ako rin, nakayakap sa kanya at nakaharap sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomansaSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
