CHAPTER 33

688 8 2
                                        

BEATRIX MAVIS

As Ryzer promised, we fought. Mamita helped too, along with Ryzer’s friends. Ginamit nila ang lahat ng koneksyon at kapangyarihan nila.

Because of the strong evidence we had—especially the abortion drug—Frinzein was sentenced to 40 years in prison. She also lost her license to practice medicine, and because of Mamita, she was exiled to a faraway, impoverished country. Hindi na rin siya makakabalik pa ng Pilipinas.

Nagsitayuan kaming lahat matapos sabihin ng judge na tapos na ang kaso. After the judge left, Frinzein almost tried to charge at me. Buti na lang at agad siyang pinigilan ng mga pulis.

“HAYOP KA! WALA KANG KARAPATAN—” Hindi ko na siya pinatapos. Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko. Her head even turned from the impact.

“MAY KARAPATAN AKONG IPAKULONG KA AT DANASIN MO ANG LAHAT NG YAN, FRINZEIN! Because of you, I lost my baby. Dahil sa’yo muntikan na namang masira ang relasyon ko sa magiging asawa ko!” galit na galit kong sabi habang nanginginig ang boses ko.

“Dalhin n’yo na ‘yang babae na ‘yan,” utos ni Mamita sa mga pulis.

Agad siyang pinosasan at inilabas, kahit pa nagwawala siya.

Agad akong niyakap ni Mamita, at gumanti rin ako ng yakap sa kanya.

Pagkatapos, lumapit ako sa mga kaibigan ni Ryzer at ngumiti.

“Patrick, Wendelleson, Edward, Deanna, Kylie, and Paui—thank you.” nakangiting saad ko.

“Tsk, wala ‘yon.” – Patrick

“Ano pa bang silbi namin bilang kaibigan kung hindi kami tutulong?” – Wendelleson

“Bawi na rin namin ‘to sa’yo.” – Deanna, na malaki na ang tiyan habang si Edward ay tahimik lang na nakatingin sa asawa niya.

“I know we have a past… pero kalimutan na lang natin ‘yon. Masaya ako na masaya na kayo.” – Kylie

“Andito kami lagi para sa’yo.” – naiiyak na sabi ni Paui sabay yakap sa akin

Hindi pa man kami nakakalabas ng korte, may biglang pumasok na gwapong lalaki, matipuno ang katawan.

“Baby, sorry I’m late,” sabi niya sabay yakap at halik kay Paui.

“Okay lang, baby. Date na lang tayo mamaya sa labas,” sagot ni Paui.

“K-kelan pa ‘to?” sa isip ko lang sana, pero napalakas ata ang boses ko.

“Ay girl, naging customer siya sa café... kaya ginayuma ko na.” biro ni Paui na ikinatawa naming lahat.

PAUWI NA kami ni Ryzer sa bahay pagkatapos dumaan sa drive-thru ng Jollibee para kay Xie.

We first dropped Mamita off at the company since she’s now the one managing it. Si Patrick bumalik na sa ospital—marami raw siyang pasyente. Si Wendelleson bigla na lang nawala nang makakita ng babaeng may kasamang lalaki. Sina Deanna at Edward ay pansamantalang sa hotel muna tutuloy ng limang araw bago bumalik sa abroad. Kylie is staying here in the Philippines for now to relax and hide from her rich foreign suitor. Si Paui naman ay nauna na kanina kasama si Noli—ang boyfriend niya.

“What are you thinking about?” Ryzer asked.

“Sana matagal bago dumating ‘yung susunod na problema… para makapagsaya tayo.”

Hinawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho. Hinalikan niya ang likod ng palad ko at ngumiti nang makita ang suot kong singsing.

“Why are you thinking about that already?” natatawang tanong niya.

“Ry… hindi natin mapipigilan ang problema. Darating at darating ‘yan.”

Ngumiti lang siya at hinalikan ulit ang kamay ko.

“Love, what if we just moved to Germany?” Ryzer suggested.

“How about Xie? For sure, maninibago siya.”

“Hindi naman ngayon. Siguro after the wedding.”

Tumango na lang ako.

Ang bilis talaga ng lalaking ‘to—lahat ready na. Ang kulang na lang ay ang pagsusukat ng gown.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito:

Roxanne: “Mam@ a$an na$& k#y∅? 💢😠”

Napatawa na lang ako.

“Pinake-alaman na naman ni Xie ang cellphone ni Roxanne,” natatawa kong sabi kay Ryzer. Napangiti rin siya.

Hindi pa kasi namin nilalagyan ng SIM o account ‘yung tablet ni Xie. We’re holding off because she might tap on random stuff on social media. Pero nagugulat na lang kami kapag si Roxanne ay biglang may text na ganyan.

PAGDATING NAMIN sa bahay, nakita namin si Xie na palihim na nakikinig kina Roxanne at Jeannette habang nagkukuwentuhan. Sumaside-eye pa talaga ang bata!

“My daughter is gossiping,” natatawang sabi ni Ryzer.

Lumingon lang si Xie nang mapansin niyang lumingon na rin sa kanya sina Roxanne at Jeannette.

“Mama!” tawag niya, sabay takbo at yakap sa akin. Hinalikan niya ako, pati ang papa niya, bago nagpabuhat.

“Anong ginagawa mo sa tabi nina Ate Roxanne at Ate Jeannette mo?” tanong ni Ryzer.

“Wala po… andun lang ako, naglalaro gamit ang tablet ko. Pero papa, alam mo ba, may crush si Ate Roxanne sa hardinero natin?” bulong niya pa—kaya natawa kami, buti na lang wala na ‘yung dalawa sa tabi.

“Hmm, may dala kami sa’yo!” sabi ni Ryzer.

Pinakita ko kay Xie ang one bucket of Chickenjoy at cheeseburger.

Nagtatalon siya sa tuwa at agad kinuha ang supot na hawak ko. Tumakbo siya papunta sa kusina. Even though Xie is naughty, she never forgets to share with those around her.

Pagpunta ko sa kusina, nandoon sina Manang Wena, Jeannette, Roxanne, at tatlong drivers namin. Hawak ni Xie ang isang hita ng manok.

Tatayo sana sila at babati, pero pinigilan na namin.

“Naku, wag na. Ituloy niyo na lang ‘yan.” nakangiti kong sabi habang dumiretso ako sa ref para kumuha ng tubig.

“Ma’am, salamat po sa pagkain,” bati nila.

Ngumiti lang ako bilang tugon.

WHEN I WENT upstairs to our room, Ryzer had just finished showering.

“Love, pwede ka bang bumili mamaya ng mangga?” tanong ko, kaya napatitig siya sa akin.

“Bakit?” tanong niya, halatang nagulat.

“Feel ko lang kumain… isawsaw sa toyo na may dinikdik na sili at suka,” sagot ko habang iniaayos ang bag ko.

Narinig ko ang mga hakbang niya at naramdaman ang yakap niya sa likod ko. He kissed my shoulder.

“Love, we haven’t made love yet, right?” he asked, raising my eyebrow.

“Ano ka ba! Gusto ko lang kumain ng mangga, pinaghihinalaan mo na ako,” natatawang sabi ko.

“Pero what if lang naman—”

“Ganito na lang: magpa-check up tayo bukas. Para hindi ka na praning, okay?” natatawang sagot ko habang papasok na sa banyo.

MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon