BEATRIX MAVIS
Makalipas ang dalawang buwan, may maliit nang umbok ang tiyan ko. We're almost about to get married, and things have been a bit difficult—mostly because of me.
Umaarte na rin ako, gaya noong nakaraan na dalawa ang nagustuhan kong gown. Gusto ko sana si Ryzer ang magsuot ng isa, tapos ako naman doon sa isa.
Napaiyak pa ako noong tumanggi siyang isuot niya ang gown, kaya hindi ko siya pinansin hanggang makauwi kami.
Papunta kami ngayon ni Ryzer sa isang shop para tumikim ng mga cake. We brought Xie along, and she's overjoyed right now.
"Mama, marami bang cakes doon?" manghang tanong ni Xie na hindi mapakali sa upuan sa backseat.
"Oo, pero hinay-hinay lang, hmm," saad ko sa kanya, at tumango-tango naman ito sa amin.
"Eh Mama, paano pag nasarapan ako sa cake?" natawa ako sa tanong niya, ganoon din si Ryzer.
"Baby, Mama and Dada will taste first, then you, okay?" Saka 'wag kang masyadong makulit doon, ha?" saad ni Ryzer.
Dahil medyo traffic, na-stuck rin kami sa daan. Tinanong namin kanina si Xie kung gusto niya mag-drive thru dahil baka gutom na siya, pero ang sabi niya, mas okay daw na gutom habang nagti-taste test.
Pagdating namin sa shop, agad namang lumabas si Ryzer para pagbuksan ako, pati si Xie na agad niyang binuhat.
We went inside and saw ten cakes already prepared on the side. Kita ko ang mangha ni Xie at pumalakpak pa siya.
"Good morning, Mr. Huxley and Mrs. Huxley. Welcome sa TrixXie Heavenly Café," saad ng staff.
Ang napili naming café ay ang pinatayo naming tatlo. Lumabas si Paui at agad na yumakap kay Xie na bumaba na at tumakbo patungo sa kanya.
"Minang!" sigaw ni Xie at yumakap rito.
"Inaanak ko!" OA na saad ni Paui.
Mukhang may pinagmanahan din ang anak ko dito sa Minang niya.
Pagkatapos ng yayakapan nila na akala mo'y ilang taon na hindi nagkita, napansin na rin niya kami.
"Oh, hi lovers!" panunukso niya sa amin.
Tahimik lang si Ryzer habang ako ay nakangiti sa kanya. She immediately rolled her eyes at me like I did something wrong.
"Oyy, Ryzer, pagsabihan mo tong asawa mo na palitan 'yung best man mo sa kasal, ha," sabi niya kay Ryzer na natatawa na.
"Bakit, ayaw mo bang maging best man ni Ryzer?" Naguumpisa nang maluha ang mga mata ko.
"Hush... oo na, tatanggapin na ni Paui ang invitation niya," agad akong niyakap ni Ryzer at agad akong nagsumiksik sa dibdib niya.
"Aba't nagdrama pa ang buntis... hala, oo na, tatanggapin na!" saad ni Paui na naka-cross arms pa.
"So lovers, pwede bang umpisahan na natin? At ang inaanak kong maganda ay gutom na," saad ni Paui saka dumiretso sa mga nakahilering cake.
"MAS GUSTO KO ITO," turo ko sa cake na milk flavor na may mga half strawberry na toppings.
"Masarap 'yang pinili mo, ah," saad ni Paui na kasamang nagti-taste test.
"Yeah, masarap... pero di yata sobrang tamis?" marahang tanong ni Ryzer.
The first one we tried was a chocolate-flavored cake with cherries and square chocolate toppings.
Eh kaso ayoko ng shape ng cherry — gusto ko, triangle. Itong pangalawang try namin ay cake na puti na may toppings na strawberry, na kalahati lang at kinorteng parang puso, kaya ang ganda — tapos ang sarap pa.
Natikman na naming lahat, at ang nagustuhan ko lang ay 'yung milk cake at isa pang milk din pero ang toppings niya ay chocolate sprinkles at parang may gintong keme-keme.
"Okay, ito na ang napili niyo?" tanong ni Paui, at tumango ako bilang sagot.
"Oo, tapos siguro sina Mamita na bahala sa ibang pagkain dahil maselan ang ilong nito ngayon," sagot ni Ryzer.
"Oo nga, at naku! Napakaarteng magbuntis," irap ni Paui.
Pagkatapos ng pagpapaalam, binuhat na ni Ryzer si Xie na nasa sofa at natutulog dahil sa pagod. Ryzer walked over to me, still carrying Xie in one arm.
Bago umuwi, dumaan muna kami sa isang drive-thru at binilhan ang mga kasambahay namin ng makakain nila. We didn’t take any cake home so it would be a surprise at the wedding.
I felt Ryzer take the hand resting on my thigh and bring it to his lips. Hinalikan niya ang likod ng palad ko na may ngiti sa labi.
"Finally," nakangiting saad niya.
"Ry, paano pala 'yung isla?" tanong ko nang maalala ko ang islang pinagdalhan niya sa akin.
"Bakasyunan," simpleng saad niya, kaya tumango na lang ako.
"Ry, hindi ba uuwi sila Edward?" tanong ko sa kanya.
"Mukhang hindi yata, dahil tamad din si Deanna na magkikilos," saad niya sa akin.
"Nag-imbita ka ba ng mga ka-business partner mo?" tanong ko, dahil noong nagtingin ako ng mga invitation cards ay ang daming hindi ko kakilala.
"Yes, some of them are the Montavelinos, Villacetos, Druanios, and more," sagot niya, kaya tumango-tango na lang ako.
"Ahm, love, by the way, 'yung bahay ready na — tayo na lang ang kulang," nakangiting saad ni Ryzer.
"Nalulungkot ako para sa ibang maids na mawawalan ng trabaho," malungkot kong saad sa kanya.
"Okay lang, love, kasi 'yung iba pinapa-apply ko rin sa ibang mga kakilala ko," tugon niya, kaya bumalik ulit ang ngiti ko.
Nakarating kami sa bahay ng 6 PM na dahil sa haba ng biyahe. Xie also woke up as soon as Ryzer stopped the car.
"Hi, Manang," bati ko nang nasa bukana na siya ng pinto.
"Hi Ma'am at Sir," magalang na saad niya.
I handed over what we bought and told her to call the others so they could share the food together. Nagpasalamat siya at agad tinawag ang iba pa.
Umakyat muna kami sa kwarto namin. Ako na sana ang magbibihis kay Xie pero nagkusa na si Ryzer, kasi baka daw pagod ako — kaya ayun, pinayagan ko na.
Pagkatapos kong magpalit ay humilata na lang ako sa kama at pinikit ang mga mata ko. Narinig kong bumukas ang pintuan at naramdaman ko pang hinalikan niya ako sa noo, bago ko narinig ang pagbukas ng pinto ng banyo at ang pag-open ng shower.
Balak ko pa sana siyang hintayin, pero inaantok na talaga ako… kaya tinulugan ko na lang siya.
Bahala siya sa buhay niya diyan.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomansSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
