BEATRIX MAVIS
Isang buwan na ang nakalipas. Ang bilis ng araw, parang kailan lang, nagising akong nasa isla kasama siya.
Patuloy pa rin niya akong sinusuyo, at minsan, nagiging marupok ako kaya tinutugon ko ang halik niya.
Lagi rin niyang iniispoil ang anak namin—lahat ng gusto, ginagawa niya.
Tungkol kay Kylie, nasa ibang bansa na raw siya at nagpapagaling mula sa sakit na dulot ni Ryzer sa kanya.
Akala ko tatahimik na ang buhay namin… hanggang sa dumating—o bumalik—ang kaibigan ni Ryzer.
Frinzein Alcantara.
Nagulat na lang kami nang bigla siyang dumating sa condo kung saan masaya kaming tatlo na naglalaro.
“Gosh, Ry, pagbalik ko may anak ka na?” gulat na saad ng babae.
“What are you doing here?” paulit-ulit na tanong ni Ryzer sa kaibigan nito.
“Hmp… nakakainis ka ha. Kakarating ko lang dito, ganyan na agad ang mga tanong mo?” nakangusong saad ng babae.
“Arte,” rinig kong bulong ng anak ko, sabay lapit sa kanyang ama.
Habang ako naman ay nanatiling nakaupo at nakamasid sa kanila.
“Aww… ang cute, cute, cute mo naman!” saad niya kay Ryley na nakakandong sa kanyang ama.
“Oopps… don’t touch my pretty face,” taray ng anak ko nang akmang hahaplusin ni Frinzein ang kanyang pisngi.
“Ayy… maataray, but I like it,” nakangiting saad niya.
“But I don’t like it,” sagot ng anak ko, sabay irap sa kanya.
Agad akong lumapit sa kanila, at napansin naman 'yon ng mag-ama ko.
“Oh by the way, ya, puwede bang kuhanan mo ako ng juice? 'Cause you know, I'm super thirsty na,” saad niya na agad ikinabago ng mood ni Ryzer.
“Zein, don’t ever talk to or order Beatrix around like that,” kalmado pero halatang nagpipigil si Ryzer.
“Sino ba kasi siya?” taas-kilay niyang tanong sa akin.
“She’s the mother of my child. And my wife,” saad ni Ryzer na ikinagulat ni Zein.
“W-what?” di makapaniwalang saad niya.
“P-pero paano? Akala ko ba si Kylie ang asawa mo? OMG ka—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang biglang sumigaw si Ryzer.
“LEAVE IF YOU’RE JUST HERE TO INSULT!” sigaw niya.
Hindi ako makaimik, dahil nakahawak na sa akin ang anak ko at halatang natatakot.
“Ry, kaibigan mo ako… simula Grade One ah! Tapos nag-asawa ka lang, ganyan na ugali mo? C’mon Ry, where are all the promises you made to me—that I’m the only one you’ll protect, care for, love, and save? Nasaan na?” paiyak niyang saad na halatang peke. Tsk.
“Frinzein, that was in the past. Back when we were kids. And besides, she’s my wife and the mother of my child… here’s what you need to remember: YOU’RE. JUST. MY. FRIEND. You should learn to be content with our friendship,” saad niya kay Zein.
Naawa ako, pero di ko rin masisisi si Ry dahil sa mga sinabi niya kanina.
Agad akong napatingin sa anak ko nang marinig ko ang bulong niya sa akin.
“Mama, ta…kot a-ako,” saad niya, na alam kong narinig ni Ryzer.
“Hush, baby. Punta na muna tayo sa room,” saad ko, at nagpunta na kami sa kwarto ng anak ko.
Hindi ko na nilingon pa si Ryzer. Naiinis ako, dahil pinakita na naman niya ang ugali niyang 'yon—'yong sisigaw. His voice is really scary when he yells.
Nang makarating kami sa kwarto, inilapag ko siya sa kama, at pagkalapag pa lang ay agad niya ulit akong niyakap at ayaw pakawalan.
“M-Mama, I’m scared of P-Papa,” saad niya habang humihikbi.
Marahan kong inalis ang yakap niya sa akin at lumuhod sa sahig para mapantayan ko siya habang nakaupo.
“Baby, huwag kang matakot kay Papa. N-nabigla lang siya sa ginawa niya,” pampakalma ko sa kanya.
“H-Hindi, Mama. Alam ko ang mga emosyon ng tao, kasi pinag-aralan na po namin niyan sa school… Alam ko pong galit si P-Papa,” saad niya, saka lumabi—kita tuloy ang kanyang pinkish na labi.
Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok si Ryzer, kaya agad na nagpakarga sa akin si Xie at sinubsob ang mukha sa leeg ko.
Dahan-dahang lumapit sa amin si Ryzer, at makikita mo sa mga mata niya ang lungkot habang nakatingin sa amin.
“Baby, sorry,” mahinahong saad nito sa anak namin.
“Y-You’re angry, P-Papa,” saad ng anak ko, na hindi siya nililingon.
“I only did that because she was insulting Mama… Would you let anyone insult Mama?” saad niya habang hinahaplos ang likod ng anak namin.
NASA GITNA si Xie habang ang isang kamay niya ay nasa bewang ko at ang isa naman ay nakahawak o humahaplos sa likod ni Xie.
Dahan-dahang nag-angat si Xie at lumingon sa Papa niya. Basa pa ang mukha niya dahil sa luha.
“Hindi po… pero b-bad mag-shout,” saad niya habang nakatingin sa kanyang ama.
“Papa won’t do it again,” saad ni Ry.
“Promise?” tanong ni Xie.
“Oo. Promise,” sagot ni Ryzer, sabay pinky promise na tinanggap naman ni Xie.
Nag-ayos ang mag-ama, at bumili pa talaga ng ice cream at pizza si Ryzer para sa aming tatlo.
PAGKATAPOS KONG hugasan ang ginamit naming pinagkainan, nagtungo ako sa sala kung saan andun ang mag-ama—na naabutan ko pang may pinag-uusapan. Pero nang makita nila akong papalapit, tumigil sila.
Nang tiningnan ko ang oras, alas-siyete pa lang, kaya nakipagkulitan muna kami sa isa’t isa.
Pagkalipas ng sampung minuto, may nag-doorbell kaya ako na ang nagbukas dahil busy ang mag-ama.
Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Vien at Ed na magkasama.
“Ate, naka-ready na ba si Xie?” tanong ni Vien, na ikinakunot ng noo ko.
“Opo, Minang Yen, ready na po ako!” nakangiting saad ng anak ko habang may sukbit na backpack.
“Vien?” tanong ko rito.
“A-ah Ate Trix, kasi tumawag sa akin si Kuya Ry at pinapasabing gusto daw ni Xie na makasama si Vien,” saad ni Edward.
Lumapit naman si Xie sa akin, kaya binuhat ko siya.
“Mama, plan ko po ito—na sumama muna kina Minang at Dinong para naman po magkaroon na ako ng kapatid… Sabi kasi ni Papa, dapat daw dalawa lang kayo para magawa niyo ang baby brother ko,” paliwanag niya, kaya nagkanda-ubuhan kaming tatlo.
“P-pero—” bago ko pa matapos ang sasabihin ko, sumingit na si Ryzer.
“Go ahead, Vien. Take Xie so you won’t get home too late, and take care of my daughter,” saad niya kina Vien.
Kinuha nga nila si Xie, at bago ko pa maisara ang pinto, may pahabol pa siya sa amin:
“Mama, Papa, galingan niyo sa pagbuo ng baby brother ko, ah!”
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
Storie d'amoreSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
