BEATRIX MAVIS
Talagang tinotoo ni Paui ang sinabi niya noon sa anak kong sasabunutan niya ako—hindi lang isa, kundi dalawa pa.
·····FLASHBACK·····
“Gaga ka! Alam mo bang nung nawala ka, nagpaka-nanay ako sa anak mong iyak nang iyak? Alam mo bang para akong iniwan ng sampung lalaki pag nakikita ko ang unica hija mo na umiiyak dahil sa ’yo?” duro pa niya sa akin habang umiiyak.
“Kaya ngayon... kaya ngayon, anak ko na siya,” saad niya, kaya nakatanggap ito ng batok kay Nay Cora.
·····PRESENT·····
PINASYAL NAMIN ang anak ko dahil sinusulit ko na ang araw na makakasama ko siya. Dahil alam kong, pag nagkita na kami ulit ni Ryzer, hindi ko na makakausap ang anak ko kahit nasaan ako.
Nasa palaruan kami ngayon dito sa mall at natatawa-tawa pa ako dahil kung maka-asta si Paui ngayon, ay lalaking-lalaki.
Napag-alaman din kasi namin na sinusundan siya ng stalker—plus may-ari ng eskwelahan kung saan siya nag-aaral.
“Hayst, di ako makapaglandi ngayon dahil sa inyo,” drama na naman nito sa amin.
“Sige na, Ate Paui,” pagpapa-cute ni Vien sa kanya.
“Hmmm... oo na. Matatanggihan ko pa ba kayo?” saad niya.
Tumayo ako at sinamahan ang anak ko sa slide. Dalawa kaming naglaro doon at kita ko ang saya ng anak ko.
“YIIIIEEEEE!” tili nito habang pababa kami sa slide.
Madami pa kaming ginawang laro doon nang may mapansin akong parang nakasubaybay sa amin. Paglingon ko, ang nakita ko lang ay ang mga magulang na nakaupo sa gilid, sila Paui at Vien na naghaharutan, at ang dalawang nasa medyo may likuran. Ang isa ay nakatingin kina Vien at Paui, at ang isa naman ay nakatingin sa mga bata.
Pinabayaan ko na lang at nagtuloy kami sa paglalaro ng anak ko.
“Baby, wait lang ah. Magbabanyo lang si Mommy,” sabi ko, at tumango naman ito.
Nagtungo muna ako kina Vien na patuloy sa pagtawa habang nakatingin sa cellphone nila. Sabi ko kanina, pwede silang maglibot-libot, kaso sabi naman nila sasamahan na lang daw nila kami.
“Ate, bili lang kami ng pagkain ah,” paalam ni Vien.
“Sige, eto o,” saad ko at nag-abot ng dalawang libo.
“Samahan ko na lang siya,” saad ni Paui na lalaking-lalaki ang boses.
“Ingat, lovers,” biro ko, at sinamaan lang ako ng tingin ni Paui.
Nagtungo ako sa banyo at medyo natagalan pa ako kasi tumawag ang isang katiwala ko sa shop ko. Naglagay muna ako ng konting liptint sa labi ko—mas trip ko kasi ito kaysa sa lipstick.
Pagbalik ko doon, nakita ko ang anak kong nakatingin sa isang pinto. Nang tignan ko, wala namang tao. Lumapit ako sa anak ko, at agad naman itong ngumiti nang malapit na ako sa kanya.
“Mommy!” masayang saad niya at nagpabuhat pa sa akin.
“Bigat na ang baby ni Mommy,” saad ko sa kanya, na kinasimangot nito.
“Lagi mo kasing sinasabi na need ko ubusin lahat ng nasa plate ko,” rason niya, kaya napangiti ako.
“Dapat lang, baby, kasi maraming taong di nakakakain,” saad ko, na kinanoot ng nuo niya.
Mukhang umaandar na naman ang curiosity ng batang ’to.
“Ehh? So pag po ba kumain ako, nabubusog sila? OMG, Mommy! So ibig sabihin nun, iisa lang tummy namin ng mga taong di nakakakain?” Napailing na lang ako sa tanong nito.
“Hindi iisa ang tummy n’yo. Ang ibig lang sabihin ni Mommy ay mabuti ka pa at nakakakain ka ng gusto mo—kesa sa kanila,” paliwanag ko, at tumango-tango naman ito.
“Eh ba’t di na lang natin sila bigyan, Mommy?” follow-up question na naman niya. Jusko anak kong ’to oh.
“Gusto man ni Mommy, anak, wala tayong sapat na pera para mabigyan silang lahat,” sagot ko sa kanya.
“Ehhh? Di ba, Mommy, andyan naman sila Raffy Tulfo, Kuya Will, mga vlogger gaya ni Ivana, Mommy,” saad niya, na nagpakamot ng ulo ko.
“A-ano... kaso anak—ay andyan na pala ang mga Ninang mo, anak,” saad ko nang makita ko sila Vien at Paui na nag-uusap.
“Oh, ba’t lumabas na kayo?” saad ni Paui.
“So stressing na kasi, Ninang Wi,” saad ng anak ko, na nakapanganga sa kanya.
“Shalla, stress na daw,” saad ni Paui habang nakameywang.
“Wag na kayong gumawa ng eksena dito, Ate Paui,” saad ni Vien.
Namasyal pa kami sa mall at pinagbigyan ang mga hiling ng anak ko. At syempre, nilibre ko na rin ang dalawa.
NASA SASAKYAN na kami at pauwi na. Nasa backseat kami ng anak ko habang si Paui ang nagda-drive at nasa tabi naman niya si Vien.
“Mommy,” tawag ng anak ko sa akin.
“Yes, baby?” tanong ko.
“Mommy, paglaki ko gusto kong maging doctor,” saad niya, na kinangiti ko. Pero di ko inaasahan ang sunod niyang sinabi.
“Para kapag may nangloko sa akin, tuturukan ko sila ng anesthesia... ay mali! Pulis na lang pala para baril na lang ang ipuputok ko! Hihihihi.” Nagulat ako sa sinabi nito, habang si Paui ay tatawa-tawa.
“Anak, bad ’yun ah. Ang pangarap, wag gawing kasamaan,” saad ko sa kanya.
“Hayst, ang galing mag-isip ng inaanak namin,” saad ni Paui, kaya sinamaan ko ito ng tingin.
“Eh Mommy, narinig ko lang naman kasi si Ninang Wi na sinabi ’yun eh. Sabi niya kasi, ‘Pasalamat sila at hindi ako doctor, kundi... naku, naku, naku! Naturukan ko na sila ng anesthesia! Pasalamat rin sila na di ako pulis, baka baril ang pinutok ko sa kanila!’ Kaya po sabi ko noon na magiging doctor at pulis ako para di ako masaktan ng lalaki,” mahabang paliwanag nito.
“Paui, humanda ka sa akin mamaya,” nakangiting saad ko sa kanya.
“Malay ko ba na narinig ni bebe girl ’yun,” kabadong saad nito.
“Hay naku, Xie, wag mong gagayahin ang Ninang Wi mo ah,” saad ni Vien.
“Oo nga naman, bebe girl, siya ’yung gayahin mo para lagi ka ring nakatago,” saad ni Paui, kaya ang ending, nagbangayan na naman sila.
Pagkauwi sa bahay, may isang lalaking nakatalikod sa amin at nakaharap sa bahay. Nang lumingon ito, nakita namin ang paglalaki ng mata ni Vien.
Ang lalaki naman ay sandaling natigilan nang makita ang anak ko.
“S-shet... kamukha niya si Kuya Ryzer,” saad niya, na nakapagpatigil din sa akin.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
Roman d'amourSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
