RYZER KAISER HUXLEY
·····FLASHBACK·····
Simula nang mailabas ang balita tungkol sa kasal namin, agad na naging usap-usapan ang pangalan namin. Lahat ng platform-TV, social media, at kahit saan pa-punong-puno ng balita tungkol sa amin. Marami ang bumati at natuwa para sa amin.
Pero si Mamita. . . ni minsan, hindi na ako pinansin. Wala man lang tawag o kahit simpleng text. Simula nang inanunsyo namin ang kasal, parang tuluyan na siyang nawala.
Siguro nga, panahon na para tuluyan ko siyang pakawalan. Malaya na siya sa buhay ko. . . at nandito na si Kylie.
Pagdating ko sa dati naming lumang bahay, halos hindi ko na ito makilala. Wasak na wasak na. Well, ako rin naman ang nagpademolisyon noon. Gusto kong burahin ang bawat masakit na alaala.
"Sarap uminom ngayon, 'di ba, Ed?" parinig ng gago kong tropa.
"Oo nga, kuya. Para may lakas kang manuntok ng lalaking mang-aagaw," sagot ni Edward, sabay kita ko pa ang pagyukom ng kamao niya.
"Girl problem lang 'yan, pre. Marami namang chix sa bar," sabat naman ni Wendelleson habang umiinom.
Tahimik lang akong nakikinig sa mga walang kwenta nilang usapan, hanggang biglang may bumato ng unan sa'kin.
"Tangina, tol! Kanina pa kami nagpaparinig-'di ka man lang natamaan!" reklamo ni Wendelleson, na gago pa rin gaya ng dati.
Pero sa totoo lang, wala talaga ako sa focus-hindi sa mga pine-permahan ko, at lalong hindi sa usapan nila. Ang laman lang ng isip ko ay 'yung batang nakita ko noong bumisita ako sa bahay kung saan nakatira si Beatrix.
Kasi nung tiningnan ko ang mga lumang litrato ko noong bata pa ako, napansin kong may pagkakahawig kami ng batang 'yon. Kaya bumalik ako roon-at doon ko nakita si Beatrix, buhat-buhat ang bata. Pareho silang masaya. Parehong may ngiti na parang wala nang ibang mundo kundi silang dalawa lang.
At ang mas matindi pa. . . tinawag siyang "Mommy" ng bata.
"Tulalá~" biglang kanta ni Wendelleson, sabay tawa.
"Pwede bang tumahimik ka, Franco Wendelleson?" inis kong sabi sa kanya.
·····PRESENT·····
AT IYON ANG dahilan kung bakit ko siya kinuha...
Nakarinig ako ng mga yapak pababa, kaya dali-dali kong inayos ang mga ginagawa ko. Paglingon ko, nakita ko siyang bagong ligo-at, gaya ng dati, suot na naman niya ang mga damit ko.
"Ba't ang sexy nito kahit nanganak sa anak namin?" tanong ko sa sarili ko.
Dumiretso siya sa sala at naupo roon. Halos mag-iisang buwan na kaming magkasama rito, pero parang wala pa ring nagbabago. Wala man lang kahit anong senyales na may nararamdaman siya para sa akin.
Umupo ako sa tabi niya at umakbay. Mukhang nasanay na siya sa bigla-bigla kong pagsulpot sa tabi niya.
"Trixxie Ryley," bigla kong sabi-sapat para mapalingon siya sa akin.
"H-huh?" tanong niya, halatang may kaba sa boses.
"Ang gandang pangalan, 'di ba? Gusto ko sanang ipangalan 'yan sa baby natin." Iyon ang naging panimula ko sa usapan.
"Natin? Di ba si Kylie ang asawa mo?" sagot niya, at sa mga mata niya-may bahid ng duda.
Lumapit ako sa tenga niya, at ramdam kong natigilan siya. Pati hinga niya, parang napigil.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomanceSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
