CHAPTER 37

619 4 0
                                        

BEATRIX MAVIS

It's our second day here, and we're really having such a great time. Inaamin kong noong una ay gusto kong umalis dito at huwag nang bumalik, pero ngayon, bumalik ako—at kasama ko pa ang anak kong nakangiti.

Tinatanaw ko ang mag-ama habang masayang nagtatampisaw sa dagat, habang ako naman ay nakaupo sa buhangin. The tiny waves were reaching my feet.

Nakasuot ng swimwear si Xie, habang si Ryzer naman ay simpleng black shorts lang ang suot. I was wearing a white dress I specifically chose for today. Hindi naman umalma si Ryzer kasi kami lang din naman ang narito.

Kumakain ako ng buong apple dahil ayaw kong hiwain.

"PAPA!" tili ni Xie nang bitawan siya ni Ryzer.

"Relax, andito si Papa," paalala ni Ryzer sa anak niyang tinuturuan lumangoy.

I took out my phone and started recording videos and snapping pictures of them. Nang magsawa ako sa kakukuha, ibinaba ko na rin ang phone ko.

Umahon na silang dalawa at lumapit sa kinaroroonan ko. Inabot ko ang tuwalyang malapit sa akin at binalot ito sa katawan ni Xie nang makalapit sila.

"Ryzer!" tili ko nang yakapin niya ako mula sa likod kahit basa pa ang katawan niya.

"When I’m sweaty, you love hugging me," bulong niya, kaya hinampas ko ang braso niya.

Umupo siya sa tabi ko at si Xie naman ay umupo sa hita ni Ryzer at kumuha ng chocolate na nasa hita ko.

"Mama, masarap ba yang gusto ni baby?" tanong niya, nang makita niyang nilalagyan ko ng calamansi ang saging.

"Oum, baby," nakangiti kong sagot.

May basket kasi dito na dinala kanina ni Ryzer, punong-puno ng mga prutas na gusto kong kainin ngayon. May mga apples (na ayaw kong ipahiwa), saging, mangga, at calamansi. There were also a few chocolates and chips...

WE WERE FINALLY home from the island, and I was filled with so much happiness. Our phones were packed with pictures of the sea and the sunset. Marami rin kaming picture naming tatlo—pero mas marami sa cellphone ni Ryzer dahil siya talaga ang tagapicture.

Days and months flew by quickly. Ngayon, nakaharap ako sa malaking salamin habang inaayusan ng makeup artist.

NAKASUOT AKO ng puting robe habang inaayos ang buhok at mukha ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbukas ng social media. Ang unang pumatak sa mata ko ay post ni Paui, nasa reception na sila. Picture ‘yon ni Xie, nakapose pa habang may hawak na basket ng petals.

“Pak ganda ng inaanak ko,” basa ko sa caption.

Ibababa ko na sana ang cellphone ko nang mag-vibrate ito. Napangiti ako nang makita ko ang message ni Ryzer:

Ryzer:
I can’t wait to see you walk down the aisle.

Hindi ko na siya nireplyan at nagpatuloy na lang ako sa paghihintay na matapos ang pag-aayos sa akin.

"Uhm, Tin... is the gown really okay? Baka kasi maipit ang tiyan ko? Diba alam mo naman na lumalaki na ang tummy ko?" sunod-sunod kong tanong sa nag-aayos ng gown.

"Ma'am, ayos lang po ito. Gaya po ng sabi ni Sir, medyo in-adjust po namin ang size para sa tummy niyo," sagot ni Tin.

Tinulungan nila akong tumayo at inayos ang pagsuot ko ng gown. Nang matapos, napatingin ako sa salamin—kita ang buong katawan ko.

It’s beautiful… as if it were made just for me.

Nakarinig ako ng palakpakan at papuri mula sa tatlong kasamahan ko sa kwarto.

"Wow, ma'am, ang ganda niyo!"

"Bagay na bagay, ma'am."

"Hindi halatang buntis, ma'am!"

Lumabas na ako at sumakay sa wedding car. Bumiyahe na kami patungong simbahan. Nandoon na ang lahat—ako na lang ang hinihintay.

Sa maliit na pouch na dala ko, kinuha ko ang cellphone. Dahil sa kaba, nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ito. Inabala ko ang sarili sa paglalaro ng Pou, 'yung laro ni Xie sa cellphone ko.

"Ma'am, relax lang po," natatawang saad ng driver nang mapansin ang kaba ko.

Para akong nawalan ng boses. I didn’t even drink coffee, but I was ridiculously anxious right now. Parang natigilan ako nang maramdaman ko ang sipa ng anak ko sa tiyan.

Hinimas ko ito at ngumiti nang bahagya.

"Baby, excited lang talaga ako," bulong ko sa tiyan ko.

"Ma'am, ganyan talaga 'pag ikakasal. Ako nga noong ikinasal kami ng misis ko, muntik na akong maihi!" bahagyang natawa ako sa sinabi ng driver.

"Buti at muntik lang po," natawa kong tugon.

"Oo nga, ma'am eh. Lalo na po at andoon ang biyenan ko. Parang umatras ako sa kaba!"

"Kayo ho talaga," natatawa kong sagot.

Parang bumalik ang kaba ko nang matanaw ko na ang simbahan.

"Calm down, Trix," saad ko sa sarili habang tinatap ang dibdib ko.

Natanaw ko ang isa sa mga organizers na papunta sa sasakyan.

"Ma'am, ready na po ba kayo?" tanong ng babaeng organizer na aayusin ang gown ko bago ako lumakad.

"Opo," sagot ko.

Sandali siyang umalis. Lahat ay nakapila na para sa seremonya. Tinulungan nila akong makalabas ng sasakyan at inayos ang gown ko.

Nandoon na rin si Mamita, na siyang maghahatid sa akin sa altar. Nagbeso kami at binulungan niya ako ng kung ano-anong mabubuting salita.

"I'm so happy for you, Beatrix. Ang simbahan na ito, sana ang magbigay ng biyaya sa inyong pamilya," saad ni Mamita na tila maiiyak na.

Hanggang sa kami na lang ang natitira sa bukana ng simbahan.

Ano mang segundo, babagsak na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Pero ang luha ko ay napaurong nang makita ko si Paui—umiiyak nang todo habang inaalo ng boyfriend niya.

Moment ko 'to eh.

Then I saw Ryzer, wiping his eyes with a white handkerchief. Sa likod niya si Patrick, nakahawak sa balikat nito at paminsan-minsang tinatapik.

Konting hakbang pa, nasa harap ko na si Ryzer. Bumeso siya kay Mamita at nagmano. Bago ibinigay ni Mamita ang kamay ko, sinabihan pa niya si Ryzer:

"Hijo, huwag mong sasaktan ang asawa mo, hmm?" paalala ni Mamita.

"Opo, Mamita. Makakaasa kayo," nakangiting sagot ni Ryzer.

Kinuha niya ang kamay ko, at sabay na kaming nagtungo sa altar.

"Bago natin simulan ang kasal na ito, may tumututol ba sa pag-iisang dibdib ng dalawang ito?" tanong ni Father.

Napawi ang ngiti ko nang may sumigaw...

"ITIGIL ANG KASAL!"

MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon