RYZER KAISER HUXLEY
·····FLASHBACK·····
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang umuwi kami ni Kylie sa Pilipinas, pero wala pa ring nagbago-mga mausok na kalsada, street vendors na hinuhuli kahit nagtitinda lang para may makain.
Na-stock kami sa daan dahil sa sobrang traffic. Pilipinas nga naman.
"Argh! Ba't ba ang traffic?!" iritang reklamo ni Kylie habang nakaharap na naman sa make-up niya.
Napangisi ako nang marinig ang sagot ni Ricky, ang driver ko.
"Kasi ma'am, maraming sasakyan, kaya traffic."
"Heh." Umirap lang si Kylie.
Habang nakatanaw ako sa labas, may kumatok sa bintana ng kotse.
"Oh my God! Ba't ba may mga ganyang tao?!" gulat na sigaw ni Kylie nang makita ang batang kumakatok.
Binaba ko ang bintana at tinignan siya. Payat na bata, gusot-gusot ang damit, at may hawak na paninda. Imbes na papel at ballpen para sa eskwela, mani ang hawak niya. Tsk.
"Ser, ma'am, bili na po kayo ng mani." Mahinang alok ng bata.
"Actually, no. Baka marumi 'yan, no? Hmm." Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi ni Kylie.
"Bata, ako na lang bibili. Tatlong balot." Tawag ni Ricky saka naglabas ng isang daang piso.
"S-sir, wala po akong barya. Tag-limang piso lang naman 'to eh." Mahinang sagot ng bata.
"Sayo na ang sukli, bata." Ngumiti si Ricky.
Tahimik ko lang silang pinapanood, lalo na ang bata. Pero mas lalo akong natigilan nang makita ko kung kanino siya lumapit.
Isang babae. May hawak na batang babae. Pamilyar.
Tumingin ako sa side mirror at doon kumabog ang dibdib ko.
"Beatrix." Mahinang bulong ko.
Napalingon sa akin si Kylie.
"What?" taas-kilay niyang tanong. Pero hindi ko na siya pinansin.
Ba't ang bagal ng usad ng traffic?
Naiinip na akong makapunta sa kompanya. Mas pipiliin ko pang magtrabaho kesa makasama si Kylie na puro arte.
Pagkababa namin kay Kylie sa bahay, dumiretso na agad ako sa opisina. Minsan, nakakairita na rin talaga ang kaartehan niya.
Habang abala akong pumipirma ng mga papeles, biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako-si Mamita.
Tatayo na sana ako bilang respeto, pero sinenyasan niya akong huwag na. Lumapit siya at tinignan ako nang may halong panghuhusga.
"Kamusta ang ilang taon mo sa Spain? Masaya ba kasama ang nakakadiring babaeng 'yon?" malamig niyang tanong.
"Happy," sagot ko nang walang emosyon habang patuloy sa pagpirma.
"Hmm. Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko pa rin si Beatrix-"
Hinampas ko ang kamay ko sa mesa at tumayo.
"Mamita, ayokong bastusin ka, pero pwede bang umalis ka na lang kung patuloy mong babanggitin ang taong wala na?" kalmado pero madiin kong sabi.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomanceSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
