CHAPTER 36

666 5 0
                                        

BEATRIX MAVIS

Lumapit ako sa gwapong mapapangasawa kong nakaupo sa kanyang office dito sa bahay. His brows were furrowed as he typed on his laptop.

Nakasuot lang ito ng pambahay at 'yung salamin niya bilang proteksyon sa mata.

Agad siyang napatingin sa pinto, kung saan ay sumisilip ako.

He stood up and walked toward me, loosening the small gap in the door.

He immediately pulled me by the waist and kissed me on the lips—and I didn’t resist.

"What are you doing here? Baka mapagod ka?" OA niyang saad pagkatapos ng halikan namin.

"Hmp... OA mo," natatawang saad ko.

Binuhat niya ako pa-bridal style at tuluyang pinasok sa office niya. Umupo siya sa inuupuan niya kanina at ngayon ay kandong-kandong na niya ako. Ang isang kamay niya ay nasa likod ko, parang inaalalayan ako, habang ang isa ay hinahaplos ang pisngi ko. My hands were resting on the back of his neck.

"Konting buwan na lang at magiging Mrs. Huxley ka na," saad niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Lovey," malambing kong saad at dinampian ko ng halik ang tungki ng ilong niyang pagkataas-taas.

"Hmm? What does my future wife want right now?" tanong niya habang tinaas-baba ang kamay niya sa likod ko.

Shít, biglang nag-init ang katawan ko.

"Lovey, pwede ba tayong magpunta sa isla?" I asked with puppy eyes.

Kumunot ang noo niya kaya mas lalo akong nagpa-cute.

Bigla ko kasing gustong pumunta sa isla, makita ang dagat, at ang sunset.

"Pero baka mapagod ka?" nag-aalalang saad niya.

"Please... gusto ko kasing makakita ng dagat tapos 'yung sunset. Kaya naisipan kong magpunta sa isla. And besides, aren’t we leaving after the wedding anyway?" saad ko, at parang maiiyak na naman ako dahil baka hindi niya ako pagbigyan.

"Nag-aalala lang ako sa'yo," marahang sabi niya.

"Just three days, lovey, please? And besides, andiyan ka naman para alagaan at bantayan ako," pagpupumilit ko.

"Fine, lovey. Basta tatlong araw lang tayo doon, hmm?" pagpayag niya.

Napatalon ako sa tuwa habang kandong pa niya ako, kaya agad na bumaba ang kamay niya sa bewang ko para pigilan ako.

We’re heading to the island tomorrow. We already informed Xie’s school as well. Nag-empake ako ng ilang gamit namin, at ang ibang kasambahay naman ay naghanda ng kaunting pagkain, sapat hanggang tatlo o apat na araw.

Pinagbakasyon muna namin ang mga kasambahay dahil wala naman silang aasikasuhin habang wala kami. I also promised that their salary wouldn’t be deducted for the three-day break.

"Mama, hindi naman halatang excited ako 'no?" natawa ako sa tanong ni Xie, na hindi mapakali at naghahanap ng dadalhing laruan sa dagat.

"Hindi naman, anak," sagot ko sa kanya.

"Mama, can you sing a lullaby? Gaya noong baby pa ako?" naglalambing na saad ni Xie bago humiga sa kama.

Lumapit ako sa kama niya at humiga sa tabi niya. Hinaplos ko ang buhok at pisngi niya, at hinalikan ko siya sa sentido.

"Of course, baby," nakangiti kong saad sa kanya.

"Mama, excited na akong makita ang baby brother ko," ngiting-ngiti niyang sabi.

"Kami din ng Papa mo, baby," saad ko.

Sinimulan ko na siyang kantahan. Pumikit na rin siya.

"You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy..."

Napatigil ako nang marinig ko na ang hilik niya.

Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako sa kwarto ni Xie. I only woke up when I felt someone stroking my hair.

"Hala, nakatulog pala ako dito," saad ko sa kanya.

"It's okay, lovey. Mukhang naalimpungatan ka pa dahil sa akin," sabi niya, sabay halik sa noo ko.

"Punta na tayo sa kwarto," saad ko at nginisian ko siya. I instantly knew what he was thinking, so I slapped his arm.

"What?" natatawa niyang tanong saka ako binuhat pa-bridal style.

"Alam ko 'yang iniisip mo," saad ko, at tumawa naman siya.

Dahan-dahan niyang sinara ang pinto ng kwarto ni Xie at naglakad papunta sa kwarto namin habang buhat-buhat ako.

NAPATIGIL SI Xie sa paglalakad nang makita niya ang chopper na sasakyan namin papuntang isla.

"Mama, diyan tayo sasakay?" tanong niya.

Ryzer picked her up since she still hadn’t moved from the shock. Tama nga ako — mukhang namana niya kay Paui ang pagiging OA.

Nasa bewang ko naman ang kamay ni Ryzer habang naglalakad kami patungong helicopter. Nandoon na rin ang mga gamit namin dahil bago umalis ang mga kasambahay at driver ay inilagay na nila ang mga bagahe sa loob.

Walang ibang ginawa si Xie kundi kumuha ng litrato — minsan sa bintana, minsan sa piloto. We just made sure she didn’t press or bump into anything with her playful energy.

"Papa, pag lumaki na si baby brother, turuan niyo po siyang mag-drive ng helicopter. Para mas madali kaming makagala, tapos hindi pa kami ma-i-stuck sa traffic," sabi ni Xie.

Napanganga si Ryzer sa sinabi ng kanyang anak.

"Kahit yata sa motor, di ko na kayo tuturuan," natatawang saad niya, kaya napasimangot si Xie.

ALAS OTSO kami ng umaga umalis sa bahay, at mag-a-alas dose na nang makarating kami sa isla. The chopper pilot had also left and would return for us after three days.

Hindi pa man kami nakakapasok, dumiretso agad ako sa upuan na may payong at umupo doon. I even heard Ryzer yelling for me to slow down.

"What the... baka mapaano ka sa pagtakbo mo!" nag-aalalang saad ni Ryzer nang makarating siya sa tabi ko.

"Ang ganda ng dagat," binalewala ko ang sinabi niya dahil talagang namamangha ako sa tanawin kahit medyo malayo pa ito mula sa kinauupuan ko.

"Pero mas maganda ang katabi ko," saad niya kaya napalingon ako sa kanya.

He was looking at me—especially at my face. Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi.

"Gutom na ako, pero parang mas gutom si Papa," naitulak ko si Ryzer nang marinig ko si Xie sa likod namin.

Lumapit ito sa amin habang may hawak-hawak na Nova chips at kinakain ito.

"Di ka pa kumakain ng lunch tapos inuuna mo 'yan?" sita ni Ryzer nang makaupo si Xie.

Ngumuso ito, pero nakasubo pa rin.

"Gutom na po ako, Papa eh," saad ni Xie habang nakanguso pa rin.

"Hmm, nakita mo na ba ang kwarto mo?" tanong ni Ryzer.

"Papa, ayoko doon. Mukhang nagtatransform 'yung puting kurtina to white lady!" sabi ni Xie kaya napatawa si Ryzer at ginulo ang buhok ng anak.

MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon