TRIGGER WARNING: Abusé, Rapé, and Mature Scenes
BEATRIX MAVIS
Matagal-tagal na rin ako sa isla ni Ryzer. At habang lumilipas ang mga araw, hindi ko pa rin matiyak kung talagang nagbago na siya-o nagpapanggap lang siya.
Inaamin ko, hindi kailanman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Pero hindi ibig sabihin na dapat ko itong ipakita. Lalo na ngayon... na may asawa na siya.
Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala rito. Ano ba talaga ang pakay niya?
Dapat ba akong mapanatag-o mas lalo akong mangamba?
Alam kong pursigido siyang pigilan akong umalis. Pero hindi lang sarili ko ang inaalala ko. Mas natatakot ako para sa kanya.
Magkamukha sila.
Magkapareho.
At iyon ang dahilan kung bakit hindi ko magawang maging kampante.
Baka madamay siya.
At kapag nangyari 'yon... hindi ko alam kung kakayanin ko. Siya na lang ang natitira sa akin.
Wala akong pakialam kung bumagsak man ang career ko. Wala akong pakialam kung mawalan ako ng trabaho. Ang mahalaga ay maprotektahan ko siya. Hindi niya dapat malaman. Hindi niya dapat makita ang bagay na kinatatakutan ko.
Dahil hindi ko kayang mawala siya.
NARAMDAMAN KONG may mainit na palad na gumapang sa tiyan ko, kasabay ng malambot na labi na dumampi sa aking balikat.
Hindi na ako nagulat. Lagi naman niyang ginagawa 'to.
"Andito ka lang pala," bulong ni Ryzer sa akin.
Alas-diyes na ng gabi, at dahil hindi ako makatulog, lumabas ako sa balcony. Tinititigan ko ang kalangitan-ang milyong bituin na kumikislap sa dilim, at ang bilog na bilog na buwan.
"Di kasi ako makatulog," sagot ko, hindi inaalis ang tingin sa langit.
Wala siyang sinabing kahit ano. Naramdaman ko lang ang mas lalong paghigpit ng yakap niya. Hindi ko na lang inalis. Dahil kahit anong gawin ko, lalo niya lang hinihigpitan ang kapit.
Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kaninang umaga.
Lalo na ang isang bagay na hindi ko maintindihan kung bakit ko ginawa-
Humalik ako pabalik.
"Thinking of something?" mahinang tanong niya.
Kumakabog ang dibdib ko. Hindi dahil sa kanya, kundi dahil sa isang ideyang biglang pumasok sa isip ko.
"R-Ryzer, diba may cellphone ka?" kinakabahan kong tanong.
"Hmm," sagot niya.
"Pwede ko bang hiramin?"
Bahagyang humigpit ang yakap niya. "Bakit? Sino ba'ng kakausapin mo?"
"T-tatawagan ko lang sana ang kaibigan ko... para sabihing a-ayos lang ako."
Saglit siyang natahimik.
"Bukas na lang, okay?" sagot niya sa wakas.
Napilitan akong tumango.
"Matulog na tayo," sabi ko, gustong matapos ang usapan.
Pero nagulat ako nang bigla niya akong buhatin-pa-bridal style.
"R-Ryzer!" Napakapit ako sa leeg niya.
Ngumiti lang siya at dinala ako pabalik sa kama. Maingat niya akong inihiga, pero sa ikinagulat ko, agad din siyang humiga sa tabi ko. Hindi kagaya dati-kung saan hahalikan niya ako o papatungan.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomanceSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
