BEATRIX MAVIS
Akala ko masaya na ang lahat, pero hindi pala. Tama pala ang sabi nila na kapag masaya ang lahat, dadating at dadating ang malungkot na pangyayari.
I woke up to the news that a woman was found lifeless by the sea—a report that made my heart race. Pero hindi pa doon nagtapos ang lahat. Dumating si Paui sa akin, umiiyak, at ibinalita ang mas ikinagulat at ikinalumo ko.
"Gurl, iniwan na tayo ni Vien," hagulgol niya.
Hindi kayang iproseso ng utak ko ang sinabi ni Paui, hanggang sa tumakbo ako papunta sa mga taong may buhat-buhat na stretcher, kung saan nakahiga ang isang babae.
"SANDALI!" sigaw ko, agaw-pansin sa lahat ng naroon.
Ryzer quickly approached me even as I walked toward the drowned woman.
Pagkarating ko roon, nakabalot ito sa puting kumot. Pero agad akong napaluhod nang mapansin ko ang bracelet na suot nito.
"V-Vien..." mahina kong saad habang hawak-hawak ang kanyang kamay na nakalabas.
Nilakasan ko ang loob kong tumayo at unti-unting inalis ang kumot sa kanyang mukha.
"Vien, bakit?" patuloy ang pag-agos ng luha ko habang hawak ang mukha niya.
Nakaramdam ako ng yakap mula kay Ryzer sa likod ko.
"Ma'am, kailangan na po naming siyang dalhin sa morgue," saad ng isang nurse.
"Take her now, we’ll follow shortly," I heard Ryzer say.
Ayokong bitiwan ang kamay ni Vien, pero hinawakan na ni Ryzer ang kamay ko at pilit itong inaalis mula sa pagkakahawak sa kamay ni Vien.
"Love, they need to take her to the morgue now," Ryzer said gently, as he tried to loosen my grip from Vien’s hand.
Napahiwalay niya ang kamay ko sa kamay ni Vien, kaya tuluyan na ngang nailagay sa sasakyan ang walang buhay na katawan ni Vien.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Inang ang nangyari kay Vien.
KANINA PA AKO umiiyak dito sa kubo, kung saan tinatawanan pa namin si Paui. Pero ngayon, sobrang tahimik at mumunting iyak na lang ang maririnig dito.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis kung ito ba ay krimen o talagang nag-suicide si Vien.
Napabalik ako sa ulirat nang biglang tumayo si Paui nang makita niya si Edward.
"HAYOP KA!" sigaw niya habang sumugod, dahilan upang mataranta si Nay Cora.
"Ano ba, Paui?! I had nothing to do with Vien’s disappearance!" diin ni Edward.
"Napakahayop mo, Edward! Kung hindi dahil sa'yo, sana nandito pa si Vien!" hagulgol ni Paui habang nakaluhod sa buhanginan, nakakuyom ang kamao sa buhangin.
"Edward, hijo, lumayo ka muna rito," mahinahong saad ni Mamita.
Gusto ko siyang sisihin, pero wala eh—wala akong pruweba na siya ang may gawa. Even if he had something to do with Vien’s suffering, we still don’t have the right to blame him.
Tumayo ako at naglakad-lakad sa dalampasigan, malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Naiiyak ako lalo na kapag naaalala ko ang mga bonding namin ni Vien—kung paano siya tumawa, ngumiti, turuan si Xie sa mga assignment niya, 'yung rambulan nila ni Paui, at kung paano siya mangarap tungkol sa magiging pamilya niya.
"Ok lang na di ako tanggapin ng ama ko, basta ba ang magiging ama ng anak ko ay tatanggapin ako." — hiling niya noong nakaraang birthday niya.
Umupo ako sa buhangin, tanaw na tanaw ang dagat na inaabot ng alon ang aking mga paa.
Pangalawang araw na sana namin ito ng kasiyahan, pero nauwi lang sa malungkot na pangyayari.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Inang Selda.
"O, anak? Ba’t ka napatawag?" halata ang saya sa boses ni Inang.
Tumikhim ako para hindi halatang umiiyak ako.
"N-Nay, kamusta?" tanong ko sa kanya.
"Ay eto, nasa bahay. Kasi medyo nadagdagan na naman ang rayuma ko," natatawang saad ni Inang.
"Bakit naman po?" tanong ko.
"May nagbigay ng bulalo. Kaya imbes na masayang kinain ko... ayan, naku! Hirap maglakad!" natatawang dagdag niya.
"I-Inang... sorry..." at doon na ako humagulgol. Hindi ko na napigilan.
"Bakit, anak?" ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.
"S-Si Vien po—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko ang hikbi ni Inang.
"Anak, alam ko... alam kong wala na siya," tuluyan na ring umiyak si Inang.
It hurt so much to hear her cry on the other end of the line.
Nang mawala ang tawag, agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang pag-iyak.
May tumabi sa akin. Si Deanna pala.
"D-Di man po kami close ni Vien, nalulungkot po ako sa nangyari, lalo na po at parang ako 'yung may kasalanan," nakayukong saad ni Deanna.
Binalik ko ang tingin sa dagat. Tahimik lang ako.
"Sinabi po ni Edward na buntis siya at si Ed ang ama. Pero dahil nga sinabi ni Ed na wala na sila, pumatol pa rin ako sa kanya," tumikhim siya, inayos ang boses, at huminga ng malalim.
"But last night, I saw the sadness in Vien's eyes while Ed and I were laughing..." dagdag niya.
Tiningnan ko siya at niyakap.
"Deanna, alam kong wala kang kasalanan. Biktima ka rin. At saka, kung wala na talagang pag-ibig 'yung isang tao, hindi natin pwedeng pilitin na ibalik ito," saad ko sa kanya.
Alam kong wala siyang kasalanan. Ramdam ko 'yon. Ramdam ko rin ang pagiging totoo niya sa mga sinabi niya.
BUMALIK KAMI sa kubo dahil may sasabihin daw ang mga pulis tungkol sa insidente.
"Suicide po ang nangyari, ma'am," saad ng pulis sa amin.
"Jusko!" iyak ni Nay Cora.
Pagkatapos ng pakikipag-usap, inihanda na namin ang mga gamit dahil uuwi na kami. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Inang dahil dito. I even told her we would take care of Vien. Pero heto, uuwi kaming lahat... habang siya ay nasa kabaong na.
NASA VAN NA kaming lahat. Kandong-kandong ko si Xie na umiiyak rin.
"Mama, mamimiss ko si Minang Yen," umiiyak niyang sabi habang hawak-hawak ang hairclip na Kuromi na pagmamay-ari ni Vien.
"Me too, anak. I’ll miss your Minang too," I said, then kissed her on the forehead.
BINABASA MO ANG
MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻
RomanceSi Beatrix Mavis ay isang babaeng matatag at determinado, nagsumikap nang husto upang abutin ang kanyang mga pangarap. Ngunit sa likod ng kanyang mga tagumpay, kaakibat nito ang mga sugat at hirap na dulot ng walang katapusang pagsubok-lalo na sa pi...
