CHAPTER 20

888 9 0
                                        

BEATRIX MAVIS

"Ate, puwede ba tayong lumabas?" tanong ni Vien sa kabilang linya.

"Oo naman... kailan mo gustong lumabas?" tanong ko sa kanya.

"Ngayon po sana, Ate," saad niya sa akin.

"Sige, magkita na lang tayo sa park?" saad ko sa kanya, at agad naman itong pumayag.

Nagpaalam ako kay Ryzer para samahan mamasyal si Vien, at pumayag naman siya.

Pagkarating ko sa park, nakita ko siyang nakaupo sa bench at may tinitingnan sa cellphone niya.

Akala ko kasama niya si Paui, pero mukhang mag-isa lang siya.

"Vien!" tawag ko sa kanya.

Agad siyang nag-angat ng tingin at ngumiti, pero may kakaiba sa ngiti niya.

"Ate!" saad niya at niyakap ako ng mahigpit.

"How's your baby?" tanong ko sa kanya at tumingin ako sa maliit niyang tiyan.

"Eto, malungkot... kasi 'di na talaga nagpakita si Ed sa akin," malungkot niyang saad.

"Andito ako... kami, sila Paui, hmm..." pagpapanatag ko sa kanya.

"Ate, thank you ha, sa mga tinulong mo sa akin," parang naiiyak niyang sabi.

Naglakad-lakad kami at kumain ng mga gusto namin. Marami kaming ginawang dalawa na parang wala nang bukas pa.

Habang naglalakad kami sa mall, may nakita siyang store para sa mga baby.

"Do you want to buy some stuff for your baby?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at umiling nang dahan-dahan.

"Wag na, Ate. Masyado pang maliit si baby... baka 'di rin niya masuot," saad niya sa akin.

"Basta sabihan mo ako ha, at sasamahan ka naming mamili," saad ko.

Dumaan kami sa isang restaurant para kumain ulit bago umuwi. Habang naghihintay ng order, nag-picture kami ni Vien gamit ang cellphone ko.

"Ate," tawag niya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko nang makita ko ang mata niyang nanunubig.

"Ate, puwede bang huwag mong pababayaan si Nanay?" malungkot na sabi nito.

"Oo naman, 'di ko kayo pababayaan ni Inang. Mahal na mahal ko kayo eh," saad ko sa kanya.

"Ate, alam mo ba ang pangarap ko para sa anak ko? Mabigyan siya ng buong pamilya—may nanay at tatay. Para 'di siya magaya sa akin na lumaking walang ama, dahil 'di ako kayang tanggapin ng ama ko. Pero mukhang matutulad din sa akin ang anak ko, Ate, kasi 'di rin siya kayang tanggapin ng ama niya..." Huminga siya nang malalim at tumingin sa itaas para pigilan ang luha niya.

"'Di ako kayang tanggapin ng ama ko... tapos 'yung baby ko, hindi rin matanggap ng ama," saad niya habang unti-unti nang bumabagsak ang mga luha niya.

Napaiyak na rin ako sa mga sinabi niya. Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit, pinatahan siya.

"Hush... sabi ko naman, 'di ba? Na kahit anong mangyari, andito ako, hmm?" saad ko sa kanya.

Pinagtitinginan na rin kami ng ibang kumakain. Para na kaming nasa shooting ng drama.

Bumalik ako sa upuan ko at hinawakan ang kamay niya.

"Ate, may naipon ako sa bangko at balak kong ibigay kay Nanay 'yun. Pero sana ikaw ang mag-abot, Ate," saad niya.

"Bakit 'di na lang ikaw ang mag-abot?" tanong ko, pero ngumiti lang siya.

"Basta, Ate, pangako mo na aalagaan mo si Inang, ha?" saad niya sa akin.

Dumating ang mga order naming pagkain at inumin. Nag-picture kami at nagkuwentuhan rin ng mga balak niya para sa magiging anak niya.

ALAS-SAIS NA ako nakauwi sa condo namin dahil kinausap ko pa sila Inang Selda at Nanay Cora nang ihatid ko si Vien kanina.

Kinamusta nila ako at si Xie, at binigyan din ako ni Nanay Cora ng bibingka at suman—paboritong-paborito ni Xie.

Pagpasok ko, nadatnan ko sila sa sala na natutulog.

Si Ryzer, nakahiga sa sofa na may mga tali ang buhok, habang si Xie naman ay nakahiga sa dibdib ng kanyang ama.

Inilapag ko muna ang supot sa kusina saka nagsimulang magligpit ng kalat nila.

Lahat yata ng laruan ni Xie ay ginamit nila. Nandoon ang kanyang cooking set na laruan, mga Barbie na medyo malalaki, dollhouse, make-up set na pambata, at mga pang-hairstyle.

Because I was amused by how they looked, I took a photo of them right away.

Pagkatapos kong mailigpit ang lahat ng kalat, nagsimula na rin akong magluto.

Binuksan ko ang refrigerator at may karne pa dito. Kinuha ko ang karne ng manok at itlog, saka mga sangkap na rin.

Balak kong lutuin ay adobong na manok na may nilagang itlog.

PATAPOS NA akong magluto nang may maramdaman akong yumakap sa akin.

"Gising ka na pala," saad ko habang hinahalo-halo ko ang karne ng manok.

"Mamita said we should go to the beach," saad niya habang nakayakap pa rin.

Itinigil ko na ang paghalo at inilagay ang panghalo sa lababo, saka tinakpan ang niluluto ko.

Humarap ako sa kanya habang nakayakap siya sa akin.

"Pwede ba akong sumama?" tanong ko.

"Of course, but you're not allowed to wear a swimsuit," saad niya kaya sumimangot ako.

"Ryzer, beach nga, 'di ba? So I really have to wear a swimsuit... I mean, what am I supposed to wear, a leather jacket while swimming?" saad ko na kinatawan niya nang mahina.

"You can wear that... but only if it's just the two of us," saad niya sa akin.

Bigla kong naalala ang mukha niya kanina kaya napatawa ako, na kinakunot naman ng noo ng nasa harap ko.

"By the way, ang ganda mo pala," natatawang saad ko.

"C'mon," saad niya, na kinatawa ko.

"He said if I don’t let him, our child will run away. So here I am—got a hairstyle and a bit of makeup," natatawang saad niya.

"Wag mong masyadong i-spoil ang anak natin, please," saad ko rito.

Hahalikan na sana ako nang may magsalita sa bukana ng pinto—naka-cross arms pa.

"Mama, gutom na ako. Kanina pa! Alam mo 'yung mga bulate ko sa tiyan ko? Nagiging cannibal na kasi kinakain na nila 'yung isa’t isa," saad ng anak ko at hinimas pa ang tiyan niya.

Lumapit si Ryzer sa kanya, binuhat siya, at inilapag sa high chair para maabot niya ang lamesa...

MY EX-HUSBAND OBSESSION 🌻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon