Malalaman ko na kung ano gender ng baby ko, kahit ano pa siya tanggap siya ng mommy niya. kakayanin namin pareho kahit kaming dalawa lang ang magkasama.
Si warren pa rin ang kasama ko pumunta sa kaibigan niya, ayaw niya ako pumunta mag isa kahit may work pa siya. nag paalam siya kay aiden na may pupuntahan lang siya at hahabol naman daw.
30 minutes din byahe namin papunta doon, mababait din ang mga nurse at doctor don kaya hindi din ako nahihirapan makipag usap sakanila kasi may mga pinoy din, hindi naman ako first time maka pumunta dito pero ngayon ko lang naisip na madami din pala mga pinoy na handa mag trabaho sa ibang bansa kahit may maiiwan sila sa pinas.
"Excited na ako malaman kung ano gender ng baby namin"sambit ni warren habang nag dadrive, kita kong ang lawak ng mga ngiti niya sobrang swerte ko sakaniya kasi nagkaron ako ng kaibigan tulad niya.
"Ako din naman, ready na din ako mag alaga at magising ng madaling araw"biro kong sambit, yes ready na ako at hindi ko pag sisisihan na may anak akong aalagaan tuwing gabi na dapat ipahinga ko nalang.
Kaya ko mag pahinga pero double na ang pahinga ko, pag dumating ang baby ko.
"May naisip ka na ba na pangalan?"tanong ni warren, sa sobrang excited ko simula nung nalaman ko na buntis ako nag hahanap na ako ng magandang pangalan at nag iisip, pero wala talaga akong maisip siguro mamaya ko nalang aatupagin.
"Wala pa, pero mamaya mag iisip na ako"sagot ko na may kasamang ngiti, excited na talaga ako sana ako kamukha ng anak ko 'wag sana sa daddy niya.
"Sana pag lihian moko, para ako kamukha niyan"dagdag pa nito, kakasabi ko lang na sana hindi kamukha ng daddy niya. Aaminin ko hindi na magkahawig sila ni tarren, magkamukha na iniisip ko tuloy mag kapatid sila kaya ganyan nalang din mukha nila.
"Dapat sakin kasi ako mag dadala ng 9months"sambit ko sabay hawi ng buhok, malandi lang ang peg kahit hindi ko alam bakit ako nabuntis.
"Ako naman bumibili ng mga gusto mong kainin"ay ang kapal, wala naman akong sinabi na bilhan ako. "Pag hindi ka naman bibilhin mas dinaig mo pa umiiyak kesa sa bata"dagdag pa nito, ay pota nababasa niya pa nasa isip ko.
"Uyy ang kapal naman ng bunhi mo, wala akong sinasabi ang oa mo"bulalas ko sakaniya, sobrang kapal naman talaga ng mukha ng lalaki na 'to.
Narinig kong tumawa siya at hindi na nag salita pa, mga ilang oras lang ay nakarating na kami sa hospital ng kaibigan ni warren.
Inalalayan niya ako hanggang makarating sa office ng lalaki, habang papalit ako lalo naman akong nakaramdam ng kaba at pagka-excite kasi ito na malalaman na namin si baby.
"Goodmorning ms.cheska, halata sa mga mukha mo na excited ha"sambit ng kaibigan ni warren at tumawa.
Totoo naman siya, excited na excited na ako ganto pala pakiramdam ng mga buntis. Ngayon ay saakin na mangyayare.
Nag simula na ang doctor ayusin ang mga dapat gamitin sakin, ilang saglit lang ay nakita ko na ang mukha ng baby ko.
Hindi ko alam bat tumulo luha ko, hindi ko inaasahan na mangyayare sakin 'to. Hindi pa ako handa pero kakayanin ko pag dumating na ang mag tatanggal ng pagod ko.
"Tignan niyo at pakinggan ang heart beat niya"sambit ng doctor, pinakinggan ko naman at pumikit nag eenjoy ako pakinggan. Umiiyak na ako sa oras na 'to, hindi ako umiiyak dahil nag sisisi kundi sobrang saya ko.
"It's a boy!"masiglang sambit ng doctor, lalong tumulo ang mga luha ko ng narinig ang gender ng baby ko.
Yes pangarap ko magkaron ng baby at gusto ko ang first baby ko ay boy, para kung magkaron ako ng isa pang baby ay may kuya siyang ipagtatanggol siya.
"Yess!!"rinig kong sigaw ni warren, ang saya ng mukha niya. Sana si tarren nandito kasi siya ang ama pero ibang tao ang katabi ko.
"Ikaw ba ang ama pre?"natatawang sambit ni havery.
"Hindi, pero ako ang magiging daddy niya"seryosong sambit ni warren, tinignan ko siya at nakatingin siya ng deretso sakin hindi ko alam pero bumilis tibok ng puso ko.
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
RomanceSa madaming salita, LAHAT SILA KAYA AKONG SAKTAN Sa mundong magulo hindi ko maramdaman na malaya ako tulad nang ibang kabataan, sa edad nila na ganto nagagawa nila ang mga gusto nila samantalang ako limited lang pwede kong gawin. Ganto siguro pag lu...