Page 54

18 3 0
                                    

"Pupunta ka pa rin?"tanong ni karina habang karga karga niya si cam, mag dadalawang buwan na din na hindi kami kinulit ni warren at mag dadalawang buwan na din na hindi kami nag kikita.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko pag nakita ko siya, naalala ko dati ganto rin naramdaman ko nung mag kikita ulit kami ng pinsan niya. Ang hirap talaga mag mahal nang mag pinsan.

"Hindi ko alam"sagot ko at pinag patuloy ang pag tatali nang buhok ni sadie.

Christmas party nila sadie ngayon at ihahatid ko muna siya bago man kami pumunta sa christmas party din namin nila hayes, madami rin kaming nasa party at kasama doon ang mag pinsan. Doon pala nag apply nang work si warren sa company na tinatrabuhan ko.

Ang bilog talaga nang mundo sakin hindi ko manlang maranasan na hindi sila makita sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung minalas ba ako na sila nakikilala ko o ako talaga ang malas.

"Sumama ka na iwan natin si cam kay mommy, gustong gusto pa naman nun kay cam kasi makulit daw"nakangiting sagot niya, doon na talaga namin iniiwan si cam pag pareho kaming may work at walang mag babantay, buti nalang natiis ni tita ang kakulitan ni cam. Kahit hindi pa siya isang taon sobrang kulit na niya talaga.

"Oo na, basta hatid mo si sadie sa school nila"syempre may kapalit bago ako pumayag.

"Hindi ka po sasama mommy?"tanong ni sadie sabay harap sakin, ang ganda talaga ni sadie nakikita ko na sakaniya yung mukha ko kahit hindi ko sa tunay na anak.

"Ako naman mag susundo sayo later, aasikasuhin lang ni mommy ang kapatid mo para mahatid na namin kay mommyla mo"paliwanag ko at ngumiti sakaniya, ngumiti naman nito pabalik sakin.

"Are you sure mommy?mag hihintay po ako sa'yo mamaya ah"naka ngiti pa rin niyang sagot saakin.

Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo, kahit ako nalang ang gumagawa yan sakaniya masaya pa rin siya, minsan tinatanong niya kung asan ang daddy niya bakit hindi siya dinadalaw dito. Pinaliwanag ko sakaniya na hindi na pupunta ang daddy warren niya samin. Buti naiintindihan niya.

Pinahatid ko na kay karina si sadie at inasikaso ko na si cam para mahatid ko naman kila tita, naka bili na din ako nang sasakyan namin para hindi na kami humihiram sa mga jowa.

"Hi baby caleb"naka ngiting bati ni tita kay cam, gustong gusto niya talaga tawagin sa second si cam, kahit ako gustong gusto ko yung pangalan ng anak ko e.

Zachary Caleb Cam Padilla, panahon na nanonood pa ako nang kdrama gustong gusto ko yung pangalan na zachary at caleb, dinagdagan ko lang nang cam para may third name siya.

"Ang pogi mo naman caleb"bati naman ni tito sa anak ko, ang cute nila kasi hindi na nila sinundan si karina kaya pag nakakakita sila nang baby ganyan nalang ang nagiging reaction nila. Ang kwento sakin ni karina nung bata pa daw siya lagi niyang naririnig na nag aaway sila tita at tito kasi hindi daw gusto ang isa't isa hanggang ngayon pala ganon sila, pero nung dinala ko daw si caleb sakanila hindi na daw sila nag aaway palagi na daw nag lalambingan. Baka daw masundan siya sa loob nang 22 years.

"Tita kayo na po muna bahala kay caleb ha, pupunta lang po kami ni karina sa christmas party nang company namin"sambit ko habang nilalapag ang mga gamit ni cam sa sofa.

"Ay nako cheska kahit 'wag mo na kunin"biro naman ni tita, tumawa ako at nag mano sakanila.

"Si sadie dito muna siya samin pwede ba?"singit ni tito habang inaayos ang mga gamit ni caleb.

"Sure po tito, wala na din po siyang pasok kasi christmas party na din niya ngayon. Bukas ko po siya ihahatid dito"sagot ko naman sakaniya, hindi ko naman pinag dadamot yung mga anak ko basta kung ano ko sila binigay ganon din ibabalik sakin. Ayoko malaman na sinasaktan nila anak ko.

"Thankyou cheska ha, matagal na din kasi kami walang inaalagaan na bata si karina ang tagal mag bigay nang apo e"natatawang biro ni tita.

Nako tita hindi mo lang alam simula high school hanggang college yung anak mo palaging may ka sex iba't ibang lalaki.

"Nako tita focus yon sa trabaho niya akala ml may anak na binubuhay"pabiro ko naman na sagot.

Dalawang oras rin yata kaming nag kwekwentuhan ni tita at tito, umuwi lang ako para sunduin si sadie.

Dalawang oras lang din naman yung party nila kaya maaga din lumabas.

Pag dating ko sa school ni sadie ay hindi ko siya mahanap, ang sabi ko kasi sakaniya hintayin niya lang ako sa gate palapit sa guard nang school.

"Si sadie po ba ma'am"ay palaka si kuya naman nang gugulat pwede naman ako kalabitin at mag salita. Jusko ka kuya mamamatay ako sayo nang maaga e.

"Opo, asan po siya?"

"Ay nako ma'am sumama sa mga classmate niya at may isang lalaki din na nag hahanap sakaniya"

"Sinong pong lalaki?"

"Si sir tanner po, palagi din po yun napunta dito sa tuwing labasan nila sadie"ano naman ginagawa nun dito sa school nang anak ko.

"Ano po ginagawa niya dito?"wala naman anak yon para may sunduin dito.

"Wala po, pag nakikita niyang nag hihintay si sadie sa gate umaalis na siya"baliw ba siya bakit niya inaabangan anak ko.

"Kanina andito rin si sir tanner e bago sumama si sadie sa mga kalaro niya, may dala dala pa nga si sir nang bulaklak at mga laruan e."walang anak pero ganon dinala niya, baka may gf siyang teacher dito kaya ganon.

"Nako manong hayaan mo na baka may girlfriend lang yun dito kaya may dalang ganon kanina at palaging nag hihintay dito"paliwanag ko naman sakaniya, babaero po yun manong.

"Hii mommy"rinig kong sigaw ni sadie papalapit sakin, may dala dala siyang bulaklak at mga paper bag na dami halatang nahihirapan na siya mag dala nito.

"Ayan po yung nakita ko kanina ma'am na dala dala ni sir tanner"rinig kong sambit ni manong sa likod ko.

Imposible.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now