Maaga kami naka dating dito kaya haba habang pag hihintay, 6pm pa ang flight namin 10pm andito na kami.
Kumain na din kami ni warren pag dating namin, umuwi na din kanina ang kapatid ni warren at sinabi na doon muna siya tumira sa bahay ko.
Walang boyfriend ang kapatid ni warren kaya mag isa lang siya maninirahan doon, pinaliwanag ko na din ang pwede niyang gawin sa bahay ko habang wala pa kami.
Pinatapon ko na din ang mga damit nila sadie at cam baka mabulok lang doon, at yung mga ibang laruan ni cam pina tabi ko nalang muna sa room niya.
Nanonood sa tablet si sadie at si cam naman ay nilalaro ang kanyang toy, si warren busy sa laptop niya hindi pa daw kasi nalilipat ang pangalan niya sa pangalawang companya nila aiden.
Tinutulungan din siya ni aiden ngayon para mapadali, inopen ko naman ang phone ko at nag scroll lang sa instagram.
May dumaan sa fyp ko na happy family na picture, may ganto din kami pero hindi naka lunod si warren.
Nag propose pala ang guy sa girl kaya sobrang saya ng babae, kahit naman ako magiging masaya pag may lumuhod sa harap ko at yayayain ako mag pakasal.
Ipopost ko din sana ang picture nila cam at sadie ng may biglang nag text saakin.
"Katrabaho natin si tanner next week"text ni hayes, wala akong naramdaman ng kahit ano kasi alam kong hindi hahayaan ni warren na lapitan kami ng lalaki na 'yon.
"Are you okay?"tanong saakin ni warren, hinawakan niya ako sa balikat at deretso naka tingin saakin.
"Yeah"wala muna akong balak sabihan kay warren ang sinabi saakin ni hayes, sa pilipinas ko nalang ipapaliwag ang lahat baka iatras niya ang flight namin delikado.
"Sleep ka na muna, ako na bahala sa dalawang bata"sambit ni warren at kinuha saakin si cam, naglalaro pa rin si cam kaya hindi mahihirapan si warren bantayan ang anak ko.
Nasa hita ko naman si sadie naka higa at nanonood pa rin sa tablet, hindi ko nalang inistorbo at pumikit nalang. Hindi ko na pinigilan sa gustong gawin ni warren dahil kukulitin lang ako ng kukulitin 'yon.
"Baby wake up"gising saakin ni warren, napa sarap ang tulog ko kaya hindi ko naramdaman na naka higa na pala ako. Hinanap ko agad nag dalawa at nakita kong kumakain si sadie ng salad at dumedede naman si cam. Napangiti ako dahil hindi niya talaga hinayaan na magutom ang anak ko.
Tumayo ako at inalalayan ni warren, lagi niyang ginagawa sakin yan kahit nung pinanganak ko si cam ganyan na ganyan pa rin ang ginagawa niya sa tuwing babangon ako galing sa pagka higa.
"4:30 pm na baby, may time ka pa para makakain"sambit ni warren at inabot saakin ang isang salad.
Grabe ang tagal ko din pala natulog, ang alam ko 11 am ako natulog e.
Kinain ko ang binigay ni warren at tinignan ang dalawang bata, hanggang ngayon ay kumakain din si sadie si cam naman ay tapos na dumede.
"Pano mo nabili ang mga pagkain natin?"tanong ko sakaniya at inilapag ang kinakain ko.
"May friend akong dumaan tapos sabi niya bibili siya ng food nila kaya nakisabay nalang ako kasi wala naman mag babantay sa mga anak natin"paliwanag niya at binuhat si cam, ganyan na ganyan talaga si cam pag nakikita niya ang daddy warren niya. Bibintawan pa niya yung dede niya mabuhat lang siya ng daddy niya.
Hindi lang nag tagal ang sumakay na kami sa eroplano, nakita kong excited si sadie at may patalon talon pa. Habang si cam ay tulog saakin si warren naman ang nag dala ng mga bagahe namin.
Buti nalang pinili ni warren na katabi ko ang bintana, alam na alam niya na mahilig ako sa ulap. Hindi rin pinapayagan ni warren si sadie na umupo sa bintana kasi baka malula lang siya sa mga tanawin.
Wala kaming ginawa ni warren sa buong byahe kaya kumain nalang kami, nakatulog din ng unti si warren kaya nakapag pahinga siya.
Unti lang talaga dahil ginising siya ni cam, gusto naman ni cam na ang daddy niya ang bumuhat sakaniya.
Tawang tawa kami ni warren dahil umiiyak si cam pag ako bumubuhat sakaniya. Si sadie naman ay tamang nood pa rin sa tablet niya sa tuwing magigising siya.
Ilang saglit lang ay naka baba na din kami, at amoy na amoy na namin ang simoy ng hangin sa pilipinas.
Pinasuot ko ng jacket ang dalawang bata, pati rin kami ni warren dahil sobrang init talaga sa pilipinas.
Syempre sa tuwing aalis kami pareho pareho kami ng suot, si warren at cam ay parehong jacket at kami din ni sadie.
Tulog ngayon si sadie at si cam naman ang gising na gising, kaya ang buhat ni warren ay si sadie at saakin naman si cam.
Nag patulong na din kami sa guard na ilabas ang bagahe namin, susunduin kami ng pinsan ni warren kaya nag hihintay lang din kami sa labas.
Ilang minuto lang din kami nag hintay doon at dumating na ang pinsan ni warren, babae ang pinsan ni warren may kasama siyang lalaki hindi ko alam kung boyfriend niya o kung ano.
"Welcome back boss warren"naka ngiting sambit ng pinsan niya.
"Hey pearl, si cheska nga pala future reyes"pakilala saakin ni warren sa pearl.
"Hi nice meeting you soon to be reyes"naka ngiti naman niyang sagot at niyakap ako.
Grabe talaga si warren mag pakilig, alam na alam kung paano ako kunin e.
"Ito na ba ang baby niyo?"tanong ni pearl at kinarga si cam, umiyak naman ang anak ko at nag pakuha sa daddy niya.
Hindi talaga sanay si cam na may bumubuhat sakaniya ng ibang tao kaya ganyan nalang ang naging reaction niya.
"Natakot tuloy bata sa alien"pangangasar ni warren kay pearl, buti nalang talaga nagising si sadie nung saktong dumating si pearl.
"Hi im your tita pearl"pakilala niya kay sadie, hawak hawak ko siya at nag tago sa likod ko.
Alam kong may trauma ang bata sa mga ibang tao kaya ganyan nalang din nanyayare sakaniya pag may nakilala siyang ibang tao.
"Natatakot talaga sa'yo yung mga bata pearl, layuan mo na mga anak ko baka lagnatin mamaya"hirit pa ni warren, sinamaan nalang siya ng tingin ni pearl at nilagay na ang mga bagahe namin sa kotse.
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
RomanceSa madaming salita, LAHAT SILA KAYA AKONG SAKTAN Sa mundong magulo hindi ko maramdaman na malaya ako tulad nang ibang kabataan, sa edad nila na ganto nagagawa nila ang mga gusto nila samantalang ako limited lang pwede kong gawin. Ganto siguro pag lu...