Pag hatid sakin nila karina sa airport umalis agad sila kasi inaantok pa daw si hayes,umamin din sila sakin na sila na last month kaya yung pangalan na kita ko sa panyo ni hayes pangalan pala ng kaibgan ko.
Pag sakay ko ng helicopter ay hinahanap ko agad kung saan ako naka upo, buti nalang talaga malapit sa bintana ang pwesto ko kung hindi talaga masusuka ako sa amoy ng katabi ko. tulad kanina pareho naman kami ng pabango ni karina pero mababahuan ko at nag suka, nagugulan na ako pero wala akong dahilan para mag isip ng kahit ano.
Last time nag pa check up ako sa doctor ko ang sabi ay may pcos ako kaya minsan mararanasan ko ang hindi datnan ng regla, this month ay hindi pa ako nireregla kaya wala talaga akong dahilan para mag isip ng tulad ng iniisip ng kaibigan ko.
Natulog lang ako sa buong byahe namin, normal naman sakin na antukin dahil hobby ko talaga matulog buong araw o ano man yan. Kayang kaya ko matulog sa buong araw na hindi kumakain.
Pag baba ko ng helicopter ay pumunta naman ako sa van kung sino ang sumundo sakin, bubuksan ko palang yung pinto ay may biglang yumakap sa likod ko.
"Omgg cheska gumanda ka lalo"rinig kong sambit ni ailsa sa likod ko, siya yung kaibigan ko na nag bigay ng trabaho dito kaya sobrang laki talaga ng tulong niya sakin, kababata din namin ni kuya darren si ailsa kaya ganon nalang kami kaclose dalawa. sa tuwing inaaway ako ni kuya siya humarang sa harap ko para mapigilan ang gagawin ni kuya.
"Namiss kita ailsa"sambit ko naman at yumakap din sakaniya, nakakamiss din naman kasi talaga mga bonding namin dalawa, matagal na kaming hindi nag kikita at minsanan nalang din kami mag usap,
"Amoy pilipinas ka pa ah"sambit nito sabay hawak sa braso ko, pasakay na din kami ng van hindi talaga mapahiwalay sakin ailsa, kahit siya ang mas matanda sakin ay ganon nalang siya ka dikit sakin, iisang anak lang din si ailsa kaya gustong gusto niya akon maging kapatid.
"Kamusta naman love life ng kaibigan ko dito?'tanong ko habang nag jajacket, sobrang lamig na dito akala ko pa naman wala pang snow, saktong pag labas ko ng airport umulan ng snow e.
"Alam mo na.. boyfriend ko may-ari ng company kung saan kita ipapasok"sagot niya sabay halik sa pisnge ko, lagi naman syang gantyo sakin. ewan ko ba sanay na talaga siya sakin lagi ko nalang nararanasan sakaniya yan, wala akong boyfriend pero siya gumagawa sakin g mga ganon para daw pag magkaron na ako alam ko na gagawin.
"Edi thankyou sainyong dalawa"pasasalamat ko habang naka tingin sakaniya, buti nalang talaga may kaibigan ako dito sa japan kung wala talaga hindi ko alam kong ano una kong gagawin pag punta dito, hindi ko din alam kong kailan ako makakapunta dito kasi kailangan ko pag trabahuan ang pag punta ko dito.
"Bakit ka nga pala pumayag na pumunta dito?buti pumayag si darren na umalis ka mag isa"hindi pa nga niya alam ang nanyare sa bahay ka ganto nalang siya mag tanong sakin.
"Sa bahay ko nalang ipaliwanag, umuwi muna tayo"sambit ko sabay alis ng tingin sakaniya.
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
RomanceSa madaming salita, LAHAT SILA KAYA AKONG SAKTAN Sa mundong magulo hindi ko maramdaman na malaya ako tulad nang ibang kabataan, sa edad nila na ganto nagagawa nila ang mga gusto nila samantalang ako limited lang pwede kong gawin. Ganto siguro pag lu...