"Tama po ba narinig ko doc?"pag uulit ko ng tanong, hindi ko alam naguguluhan pa ako hanggang ngayon. kanina pa tapos pero hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang nanyayare.
"Yes, 2 months ka na buntis baka sa susunod na week malalaman na natin ang gender ni baby"masayang sambit ng kaibigan ni warren, paano?bakit hindi ko alam na may nabuo sa loob, ang daming tanong sa isip ko pero wala ni isa ang masasagot ko. ayoko naman kausapin si tanner para itanong yung nanyare samin.
Hindi ko kinakausap si warren dahil nahihiya ako, siya pa ang unang naka alam kesa totoong daddy ng anak ko, mahihirapan ako ipaliwanag kay warren kung sino ang tatay ng dinadala ko. pero isa lang hiling ko sana hindi niya ako iwasan lalo na may bata sa sinapupunan ko, kailangan ko ng kasama lalo na malayo sakin si ailsa. alam kong matutulungan ako ng kaibigan ko pero may sarili na din siyang pamilya ayoko guluhin pag sasama sila araw araw.
"Wag mo na isipin ang totoong daddy ni baby, andito naman ako para maging tito daddy niya araw araw"sambit ni warren na nakatingin sakin, hindi ko na namalayan na huminto pala siya sa isang mall.
"Sorry"sambit ko habang naka yuko, wala akong mukhang ihaharap kay warren, madami siyang naitulong sakin simula dumating ako dito.
"No need to say sorry, ang strong nga ni mommy dahil na kaya niya dalhin ng 2months kahit hindi niya alam e"sambit nito at hinawakan ang baba ko at hinarap sa mukha niya, kung pwede ko lang sabihin na kamukha niya ang daddy ng baby ko kanina ko pa sinabi, pero ayoko maoffend si warren.
"Thankyou warren"naka ngiti kong sambit sakaniya."Bakit andito tayo sa mall?"tanong ko habang naka tingin sa labas.
"Mamimili tayo ng mga gamit ni baby, don't worry libre ko"sambit nito habang naka ngiti sakin, hindi na ako umangal pa dahil pipilitin pa rin naman niya ako kahit anong mangyare e, babawi nalang ako sakaniya pag naka ipon na ako.
Una namin pinuntahan kung saan ang mga damit pambuntis, hinayaan ko nalang pumili si warren dahil hindi naman yan napipigilan. kuha lang siya ng kuha ng mapansin niyang nahuhulog na yung ibang damit na hawak niya.
"Cheska kuha ka nga lalagyan"sambit nito habang nag pupulot ng mga damit na kanina pa nahuhulog, buti nalang talaga kami lang ang tao dito.
"Teka"sambit ko habang papunta kung saan naka lagay ang pinapakuha niya, nang malapit na ako bigla naman siyang nag salita.
"Buntis ka nga pala. baka mamaya pag hatid mo sakin niyan nag lalakad na si baby"sambit nito habang papalapit sakin. kahit kailan talaga to nababaliw nalang talaga ako sakaniya. nasobrahan sa oa.
After namin sa mga damit ng pambuntsi, kumain naman kami sa isang resto kung saan kami mahilig ni tanner kumain, galing pala sa japan ang resto na kinakainan namin ni tanner, nag order nalang ako ng palagi kong kinakain dito.
Hinayaan ko nalang mag order ng kahit ano si warren dahil siya naman daw mag babayad, pero isang putahi lang din inorder ko kasi busog pa naman ako, dumating na yung mga order namin at kumain kmi ng tahimik ni warren.
After namin kumain ni warren pumunta na kami sa mga damit pang baby, excited si warren dahil pangarap niya daw talaga mamili ng mga damit pang baby sa mall. excited din naman ako para naman sa baby ko ang mga bibilhin niya. magiging mabuti siyang ama sa mga magiging anak niya.
"Pag girl yan pink lahat ng gamit niya, pag boy naman ay black para blackpink"bulong ni warren na nasa kabilang mga damit. "Bibilhan ko na din sila ticket pag blackpink sila"dagdag pa nito, nasobrahan ata sa pagmamahal ng magulang si warren kaya ganto nalang pag iisip niyan.
"Omg warren may baby ka na?"rinigkong salita ng babae kung nasan si warren, sinilip ko kung sino yung girl pero laking gulat ko nalang na si erica ang babae, may kasama tong lalaki na halata na pinoy. at doon ko din na isip na boyfriend niya ang kasama.
"Wala pa naman akong nabubuntis e"sambit ni warren na kinatawa ko, tama naman siya pano siya magkaka baby kung wala naman siyang nabubuntis.
"Hi cheska, magkasama kayo?"tanong ni erica na tignan ako simula ulo hanggang paa, ngayon lang niya ginagawa yon kaya nag taka ako sa kinikilos niya. hindi naman kami nag away para tignan niya ako ng ganon.
"Yes"sambit ko at pumunta sa pwesto ni warren, humawak naman ako sa braso ng lalaki at ganon nalang ang ngisi ko ng makita ko ang mukha ni erica na hindi mapinta, kasama niya boyfriend niya tapos kay warren naka tingin.
"Baby let's eat, nagugutom na kasi yung baby princess mo dito"sambit ko habang naka hawak sa tyan ko, hindi ko alam bat ko ginawa yon alam ko naman na ipagkakalat ni erica yung nanyare ngayon. pero may tiwala naman ako kay warren.
"Okay let's go, ayoko magutom ang mag ina ko"naka ngiting sambit ni warren, sumakay naman sa trip yung mokong, gustong gusto talaga saktan si erica. parang hindi niya nagustuhan ng ilang taon.
"Wait what?pregnant si cheska?"tanong ni erica na nasa harapan na namin, iniwan niya talaga boyfriend niya para samin ni warren. halata naman na may gusto siya kay warren ayaw lang kasi umamin, pangit naman ng boyfriend niya.
"Wala ka bang tainga?"tanong ni warren at hinawakan ang tyan ko. "Buntis si cheska at ako ang daddy ng dinadala niya"ang sarap pakinggan na may gustong maging daddy ng anak ko.
Umalis nalang bigla si erica habang hila hila niya ang boyfriend, hindi ko alam pero ang saya ko ngayong araw.
Dahil may baby na ako at may mag aalaga sakin oras oras, at dadamayan ako bawat pag dradrama ko.
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
RomanceSa madaming salita, LAHAT SILA KAYA AKONG SAKTAN Sa mundong magulo hindi ko maramdaman na malaya ako tulad nang ibang kabataan, sa edad nila na ganto nagagawa nila ang mga gusto nila samantalang ako limited lang pwede kong gawin. Ganto siguro pag lu...