"Akala ko siya na pero tulad din pala niya si tanner"pag rarant ko kay karina, ilang araw na ako nag lalasing at hindi ko na napapansin yung mga anak ko.
Hindi ko alam pero sobrang sakit pa rin talaga, hindi manlang ako hinabol ni warren at hindi manlang niya ako sinubukan tawagan at itext.
Wala siyang pakialam saming mag iina niya, ay hindi nga pala siya ang tunay na ama ni cam at isa pa single naman talaga si warren never naman naging taken sa buhay non.
Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas kung sino yung kinukuhaan ko ng lakas siya pa tong may dahilan kung bakit ako nagiging ganto. Sobrang tanga ko na kung ako ang mag hahabol sakaniya, oo na mahal ko na siya at minahal ko talaga siya pero potangina bakig sobrang sakit.
Alam ko naman na pag umibig ka partner nito ang mga sakit pero tangina hindi ko naman inakala na ganto pala kasakit yung mararamdaman ko, bakit sakaniya ko pa mararanasan yung ganto kung kailan gusto ko na siya maging part ng buhay namin ni cam naging ganto pa.
"Alam mo naman simula una hindi naging kayo kaya hindi nakakapag taka kung hindi siya mambabae diba"tama naman si karina simula una hindi naging kami, tinulungan lang niya ako nung araw na hindi ko na alam ang gagawin sa buhay. Pero kung alam ko lang na ganto pala ang magiging kapalit mas pinili ko nalang mamuhay na mag isa at walang lalaki sa bahay ko kundi si cam lang.
"Alam mo yung nakakagago sa ginawa niya, nag pakita siya ng motibo na mahal na mahal niya ako at yung anak ko pero potangina puro kagaguhan lang pala ang lahat na 'yon"tangina hindi ko na alam ang gagawin ko kung makausap ko sa personal si warren, sobrang nakaka tangina siya sa buhay ko sana hindi ko nalang binuksan yung tiwala ko sakaniya.
"Tangina kung alam ko lang talaga pipiliin ko nalang gumastos ng malaki kesa mag patulong sakaniya tangina niya hindi manlang inisip yung mararamdaman ko, kung sa bagay ano ba niya ako at iisipin yung nararamdaman ng tulad ko diba?potangina ilang araw na ako ganto ni hindi ko na nabubuhat yung anak ko dahil sa kagagawan niya tangina niya"at ininom ko yung alak na nasa harapan ko, kaninang pang umaga ako umiinom dito hindi ako pinpigilan ni karina kasi alam niya yung nararamdaman ko, buti nalang siya ang nag aasikaso kay sadie at cam sa tuwing olats na ako.
Pinapahatid niya kay hayes si sadie sa school nito sa tuwing may pasok, si karina naman ang nag aalaga kay cam habang yung ina niya nag papakalasing sa walang kwentang bagay.
Buti nalang hindi ko inilagay ang apelyido non sa anak ko baka mahawaan pa ng pangit na ugali.
Kaya kong palakihin ang mga anak ko na hindi humihingi nang tulong sa kanila.
"Potangina hindi ko na nga kilala yung sarili kong magulang tapos malas pa ako sa pag ibig, tangina naman oh kung kailan sakaniya ko nararamdaman yung saya at kumpletong pamilya pero lahat nang 'yon nakakasira ng ulo, isipin mo habang binubuntis ko si cam andyan siya sa tabi ko at nung nag kasakit si sadie andyan siya sa tabi ko tapos nung walang wala na akong ipon siya ang bumibili ng diaper ni cam at pinapakain niya kami, pero hindi manlang niya naisip yung mga nagastos niya samin may lakas pa na loob mag loko"tangina hindi ko na alam kung naka ilang bote na ako basta gusto kong kalimutan ang lalaking yun, alam ko naman na kahit ubusin ko ang lahat nang alak hinding hindi ito malilimutan yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
"May para sa'yo cheska malay ba natin na ganon pala ang mangyayare diba, hayaan mo ang karma ang lumapit sakanila"tinignan ko si karina na ngayon karga karga si cam, na baling naman ang tingin ko sa anak ko na naka tingin din sakin at ngumiti ito saakin.
Pasensya na anak kung hindi mabigay ni mommy ang masayang pamilya, balang araw maiintindihan mo din ang mga nanyare ngayon. Mamahalin ka ni mommy hanggang nabubuhay ako dito sa lupa ako ang kakampi mo sa tuwing may mag tatangkang awayin ka.
Pangako anak sa'yo ko na ibubuhos ang pag mamahal ko, hinding hindi mo na ako makikita na magiging ganto. Kahit bata ka palang ngayon alam kong maalala mo ito.
"Wala nang para sakin, lahat ng atensyon at pag mamahal ko sa mga anak ko na ibibigay para saan pa ba kung may darating sa buhay ko. Para lokohin ulit ako?ipapahiya sa mga tropa?gagawing katatawanan?bubuntisin?tangina wag nalang, kaya ko pasayahin sarili ko basta wala lang dumating sa buhay ko."hindi na ako aasa sa mga lalak kung pareho pareho silang manloloko, tangina kahit wala na talaga kung may isang lalaki naman akong iniingatan at alam kong mahal na mahal ako at hindi hahayaan na umiyak at masaktan ako.
Hihintayin ko lang talaga lumaki yung anak ko at hahayaan ko na ang sarili ko na makita siyang mahalin ako nang tunay.
"Please cheska ayusin mo na sarili mo alam mong may maliit na bata sa condo ko, baka maamoy niya yung alak na iniinom mo tuwing umaga"sambit ni karina habang karga karga pa rin si cam.
Tulog ngayon si sadie sa kwarto namin tatlo buti nalang talaga may kaibigan akong tulad ni karina, never niya akong hinusgahan at minaliit sa mga nararanasan ko sa buhay.
Aminin ko man sobrang nahihiya na ako kay karina, kailangan ko umayos para sa mga anak ko.
Ako na ang tatayong ama at ina sa dalawang anak ko ngayon.
Mamahalin ko sila kung paano ko mahalin ang sarili ko, babawi din ako sa mga kaibigan ko na kahit may anak na ako hinding hindi ako hinahayaan mag isa.
Kahit minsan hindi ko maintindihan ang mood ni hayes pero malaki din ang tulong niya saming mag iina, nakakahiya sa dalawang partner na 'to kasi naiistorbo ko ang buhay nila.
"Last shot kakalimutan ko na kung sino siya sa buhay ko at mag fofocus na sa mga anak ko"sambit ko at ininom ang last shot na nasa baso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/362829986-288-k637495.jpg)
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
Romance"Because at the end of the day you're the person I want to come home to. You're the person I want to tell how my day went. You're the person I want to share my happiness, sadness, frustration, and success with."