Around 4:00 pm na ako nagising , kasi sobrang ingay sa baba. like ack ayaw na ba nila mag patulog, kung ayaw na nanila pwede ba yong mahina na boses.
No choice ako kaya bumangon ako sa kama ko at dumeretso sa table ko, para mag ayos.
After ko mag ayos ng sarili ko, dumeretso naman ako sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush, ay ate hindi tayo lalabas na walang hilamos at toothbrush. malay ba natin kung may bisita si mommy na pogi o diba.
Pag baba ko ng kwarto ko, may mga bisita si mommy at daddy sa sala.
"Good morning po"pag bati ko kila mommy, ay ayaw ako pansinin.
Grabe naman mga magulang ko ngayon, mas mahal na mga bisita nila kesa sa sariling anak.
"May pasok ka ba iha?"tanong ni yaya sakin
"Holiday po yaya"sagot ko na may kasamang ngiti, mabait tayo ngayong umaga kahit maingay sa bahay.
Ayaw nang ingay sa bahay, pero ingay sa bar palong palo makinig.
"Ay ganon ba, ano balak mo ngayon aber?mag babar ka nanaman ba?ay tigilan mo na yang kakainon mo anak, masama yan sa'yo"dinaig pa si mommy mag salita ah, may pa aber aber pa si manang.
"Grabe yaya ah, sunod sunod?halatang nag practice ka kagabi ah haha biro lang"sagot ko habang papunta sa kusina.
Shit pogi, sino 'yon?sabi ko na nga ba may poging bisita si mommy. mumukbangin, keme lang po masama sa bata yan.
"Nako talagang bata ka, malilintekan ka talaga sa kuya mo"loh si manang may sinasabi pero hindi ko naman naririnig.
joke lang, may kuya ako pero hindi ko naman nafefeel na kuya ko siya. kasi malayo siya sakin, hindi namin siya nakakasama sa bahay.
"Hindi mo naman ako isusumbong diba yaya?"pang lalambing ko sa yaya ko.
Syempre, idadaan natin sa lambing baka pumayag diba.
"Ay nako cheska, osya osya kumain ka na. pinag lutuan kita ng favorite mo"
"Sweet talaga ng yaya ko, nga pala po sino po yung mga bisita nila mommy?"
"Mga kasamahan ng mommy mo, diba sabi niya mag papatayo siya ng milktea?mga kasamahan niya"
"Ahh, ngayon na po ba nila sisimulan?"
"Oo ata, kumain ka na iha"
Sinimulan kong kumain habang nanonood ng tv sa kusina, yes tv ng mga yaya namin yung andito sa kusina. ayaw namin isipin nila na others lang sila sa bahay, kaya kung anong meron kami. meron din sila
Habang nanonood ako, may napansin akong lalaki na nakatayo sa gilid ng ref namin habang naka tingin sakin.
Ang weird lang kasi kanina pa siya naka tingin sakin, hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita sa bahay.
Wala naman kaming bagong guard, driver or anything.
Tumayo ako at nag lakad papalit sakaniya, pero nag lakad siya palayo sakin.
Ang weird.
"Tapos ka na ba sa kinakain mo?"biglang sulpot ni yaya
"Hmm yaya, kilala niyo po yung guy na naka tayo dito kanina?"tanong ko kay yaya.
"Ha?sinong naka tayo?wala naman naka tayo dito cheska, baka namamalikmata ka lang"
"Hindi po, habang kumakain ako kanina pa siya naka tingin sakin"
"Baka bisita lang ng mommy mo, tapusin mo na kinakain mo"
No choice ako kaya bumalik nalang ako kung san ako galing kanina, at tinapos na yung kinakain ko.
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
Roman d'amourSa madaming salita, LAHAT SILA KAYA AKONG SAKTAN Sa mundong magulo hindi ko maramdaman na malaya ako tulad nang ibang kabataan, sa edad nila na ganto nagagawa nila ang mga gusto nila samantalang ako limited lang pwede kong gawin. Ganto siguro pag lu...